Kinabukasan pagkagising ramdam ko ang pamumugto ng mata ko. Hindi ko na lang pinansin ang kakaibang tingin ni Emily sa'kin habang kumakain kami ng agahan.
Chineck ko lang ang mga gamit at passport sa bag ko upang masiguro na ready na lahat.
Pagsapit ng hapon, nagpaalam ako kay Emily. Nag-aya sina Ryan at Rain na mag-bonding kami bago ako umalis kaya pinagbigyan ko na. Mamimiss ko rin ang dalawang 'yon.
Bumaba ako sa isang resto bar kung saan sinabi ni Rain na doon kami magkikita. Pagkapasok ko ay sinalubong ako ng isang babae at ngumiti sa'kin. Sa tingin ko ay isa siya sa mga waitress dahil sa kaniyang suot.
“Ma'am Ella?”
Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko pero tumango pa rin ako sa kaniya.
“Dito po tayo,” sabi niya at naguguluhang sumunod lang ako.
Iginaya niya ako papunta sa isang mahabang hallway at sa dulo ay may pintuan.
Pinihit niya yung handle saka ngumiti at tumango sa'kin. Nagugulohan man ay hinawakan ko yung handle at dahan-dahang tinulak.
“Surprise!” Halos mapatalon ako sa sobrang gulat dahil may pagsabog pa ng confetti.
Natawa sila. Una kong nakita si Kent tapos sina Rain at Ryan, kasama si Ate Jo at ang ibang staffs na hindi ko kilala ngunit namumukhaan ko. Pinakahuli si Emily, tumawa pa siya nang makita ko siya.
“Wow,” namamanghang sabi ko habang pinagmamasdan ang set-up nila. May banda sa harap at sa gilid non may decorations at letterings na ang nakalagay, ‘Bon Voyage, Ella!’ May mga balloon din sa itaas.
Sobrang ganda, parang chill lang yung dating niya.
“Oh, blue your cake muna,” biglang sabi ni Ate Jo.
Lumapit si Kent dala ang cake na ngayon ko lang din napansin.
“Grabe naman 'to, thank you...” saad ko pagkatapos hipan yung kandila.
Nagsimulang tumugtog ang banda habang nag-picture taking. Kabi-kabila yung camera dahil may kumuha ata sa kanila. Nang matapos, umupo na kami at kumain.
“Ikaw ba may pakana nito?” mahinang tanong ko nang tumabi sa'kin si Kent.
Ngumisi siya at tumango.
“Hindi mo naman kailangang gawin 'to e, pero thank you.” Bahagya akong ngumiti.
“Kahit sino pa man ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo. Ay isipin na lang ang buhay kung minsan ay nagbibiro. Nandirito kami ang barkada mong tunay na aawit sa'yo, sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa kami kasama mo.”
Sumabay sila sa kanta sabay tingin sa'kin. Ngumiti lang ako.
°•°•°•°
“Ate, mamimiss kita,” naiiyak na sabi ni Emily. Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit.
“Mag-iingat ka dito. Araw-araw naman tayong mag-uusap,” saad ko bago humiwalay sa kaniya.
Tumango siya at pinunasan ang luha sa mata niya.
“Iniwan na nga ako ni Lola tapos aalis ka pa,” sabi niya at mas lalong naiyak. Niyakap ko siya ulit upang patahanin.
Kailangan kong gawin 'to. Kailangan kong umalis para hanapin ulit yung sarili ko. Para akong mababaliw sa tuwing naiisip kong muntik na akong makasira ng pamilya— na yung taong mahal mo may bubuohin na palang pamilya tapos pinaglaban mo pa.
Parang may tumusok sa puso ko pero hindi ko ito pinansin, kasabay ng pagtulo ng luha sa aking pisngi.
“Patawarin mo 'ko Emily. Babalik din ako.”
Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa, naghanda na ako para umalis papuntang airport. Nilagay ni Kent sa likod ng kaniyang sasakyan ang mga gamit ko. Siya ang maghahatid sa'kin kasama sina Rain at Ryan.
Hindi sumama si Emily dahil ayaw niya raw akong makitang umalis sa airport dahil mas lalo lang siyang malulungkot. Napabuntong-hininga ako. Naaawa ako sa kapatid ko pero kailangan ko lang gawin 'to. Para sa sarili ko, para kay Emily, at para na rin sa katahimikan ng lahat.
“Sorry, biglaan yung desisyon ko,” sabi ko kay Kent. Nasa labas kami ng sasakyan para makapag-usap na kaming dalawa lang.
Nakatingin siya sa ibang direksiyon pero ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Ni-recommend ako ni Madame Victoria bilang isang factory worker sa isang kaibigan niya sa Hongkong kaya tinanggap ko kaagad ang opportunity na iyon.
Alam kong hindi magiging madali pero handa akong pagdaanan lahat ano mang pagsubok.
“I understand, you needed this, you need a break from everything. 'Di ba sinabi ko sa'yo, susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo. It will be good for you.” Tumango-tango siya.
Lumapit ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Kent upang tignan niya ako sa mata.
“Maraming salamat, isa kang mabuting kaibigan.” Ngumiti ako nang may lungkot. “Sorry kung hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo. Sorry, sorry kasi hindi ko kayang suklian yung pagmamahal mo.” Nakita kong tumulo ang luha niya.
“Balang araw mahahanap mo rin yung babaeng magmamahal sa'yo ng buong-buo at hindi ako 'yon. I'm a mess, Kent. You deserve someone better,” sabi ko kasabay ng pagpatak ng luha ko.
Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at pinisil iyon ng marahan. “Salamat, take care of your self.”
Tumango ako. Niyakap ko siya sa huling pagkakataon bago lumabas sina Rain at Ryan. Niyakap ko sila isa-isa.
“Mamimiss ka namin, mag-iingat ka, kwentuhan mo kami lagi, update ganon,” sunod-sunod na sabi ni Ryan, naiiyak.
“Oo nga, kami ang bahala kay Emily, girl. Hindi namin siya pababayaan,” sabi naman ni Rain.
Tumango-tango ako at pinunasan ang pisngi. Kumaway ako sa kanilang tatlo. “Salamat. Kayo rin, mag-iingat kayo,” ngumiti ako at kumaway ulit bago tumalikod.
Huminga ako ng malalim habang naglalakad. Pumila ako kasama ang ibang pasahero upang mag-check in.
Malapit na akong makapasok nang biglang may narinig akong sumisigaw ng pangalan ko.
“Ella!”
Napalingon agad ako at nakita si Franco. Hindi siya makalapit dahil hinaharang siya ng mga guwardiya. Ramdam ko ang bilis ng tibok sa dibdib ko at hindi alam ang gagawin.
Tumingin ako sa harap at dalawang tao na lang, ako na yung susunod.
“Ella, please! Mag-usap tayo, nakikiusap ako!”
Para saan pa? Binigyan ko siya ng isang malungkot na tingin.
“Excuse me?”
Napatingin ako sa babaeng nagsalita na nakapila sa likod ko. Naintindihan ko kaagad ang ibig sabihin niya kaya tumingin ako sa harap kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.
“Ella! Huwag mo 'kong iwan! Ella, nagmamakaawa ako!”
Tinignan ko ng huling beses si Franco at nakitang napaluhod siya. Dire-diretso akong naglakad papasok habang umiiyak. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Nagtago ako sa isang sulok at doon umiyak ng umiyak.
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
RandomSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...