“Anong ginagawa mo?” tanong ko kay Emily pagpasok ko ng kwarto niya. Nakita kong isa-isa niyang tinanggal ang mga posters doon.
“Naglilinis,” maikling sagot niya na parang wala lang ang mga posters na 'yon sa kaniya. Nakuha niya ang mga 'yon sa mallshows at may iba na pinagawa talaga kaya alam kung mahalaga kay Emily iyon, bilang isang die hard fan.
Nilagay niya lahat sa isang box saka dinala sa labas upang itapon. Pinagmasdan ko lang siya at hindi na nagsalita.
“Bakit mo 'yon ginawa?” 'di ko napigilang itanong kay Emily habang kumakain kami ng tanghalian. Dati ang obsessed niya pa doon sa mga posters niya tapos ngayon tatanggalin niya lang bigla. Curious ako sa kung anong dahilan.
“Gusto kong mag-focus sa studies ko. College na ako next year so dapat my priorities na 'ko at 'yon ang uunahin ko,” paliwanag niya pero hindi ko maramdaman ang saya sa boses niya.
Pakiramdam ko may nangyayaring hindi ko alam pero wala akong balak alamin kaya hindi ko na lang inusisa pa si Emily.
Nagyayang umalis sina Rain kaya pumayag na rin ako dahil day-off ko naman. Pumunta kami sa salon dahil gusto ng dalawa na magpa-manicure at pedicure. Hindi naman ako mahilig sa ganoon kaya nag-avail na lang ako ng facial. Tinatanggal nito yung whiteheads and blackheads sa mukha. Pakiramdam ko nabawasan ang stress ko sa katawan pagkatapos.
Sinamahan ko naman silang bumili ng bagong make up kits saka kami kumain ng pizza at tumambay saglit.
“So ano na ngang status niyo ni Kent?” usisa ni Ryan, kanina niya pa ako kinukulit sa salon at hindi lang ako makasagot.
“Wala, magkaibigan lang kami,” sagot ko kaagad.
“Ang lakas maka-showbiz ng sagot,” sabi ni Rain sabay tawa.
“Eh bakit may pagsundo gabi-gabi?”
Nanlaki ang mata ko dahilan upang tumawa silang dalawa.
“Oh my God, sinasabi niya sa inyo?”
“Halata kaya! Hindi naman na kailangang sabihin ni Kent. Tsaka may source kami 'no!” Tumawa ulit sila.
“Kaya pala kakaiba yung ngiti ni Mr. Producer eh!”
Umiling-iling ako. “Walang ibig sabihin 'yon. Pati pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi ko pa kayang pumasok sa panibagong relasyon. Wala sa isip ko 'yon.” Huminga ako ng malalim.
“Naiintindahan namin girl, wala naman kaming ibang hiling kundi ang maging masaya ka,” sabi ni Ryan sa malumanay na boses saka hinawakan ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa at pinisil iyon.
“Pero sa pagkakaalam ng iba, girlfriend ka ni Kent. Palaging nadadawit pangalan mo kapag iniinterview siya,” sabi ni Rain. Siniko pa siya ng mahina ni Ryan at nagkatinginan silang dalawa.
Nagkibit-balikat ako. “Wala akong magagawa doon.” Basta wala silang gagawing masama sa'min ni Emily physically edi hayaan sila.
Naka-deactivate lahat ng social media accounts ko kaya wala akong alam sa nangyayari online. Nakakapagod na rin kasi yung paulit-ulit na lang.
“Hindi niya pa alam?” bulong ni Rain at bahagyang sumandal kay Ryan.
Nakita kong umiling si Ryan bago ko ibaba ang tingin sa tirang pagkain na nasa harapan ko.
“Basta Ella, ano man ang desisyon mo susuportahan ka namin palagi ni Rain.”
Tumango ako at bahagyang ngumiti.
“Ano bang meron?” Kanina ko pa napapansing parang hindi sila mapakali at minsan nagbubulongan.
“Wala ano lang...” Napakamot si Ryan sa kaniyang ulo habang nag-iisip ng isasagot si Rain.
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
CasualeSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...