“Eh kasi naman Ate, nakakainis sila! Kung ano-ano ang sinasabi tungkol sa’yo kaya hindi ko napigilan. Akala mo naman ang perpekto nila.”
Kumunot ang noo ko habang nakikinig kay Emily. Hinayaan ko siyang mag-explain pagkatapos ko siyang pagalitan. Kailan pa siya natutong makipag-away?
Umabot pa sa pisikalan kaya sila na-principal.
“Basta huwag ka ng pumatol sa susunod. Kung hindi ka naman sinaktan, hayaan mo na lang,” saad ko sa kaniya.
“Hindi naman pwedeng lagi na lang tayong nagpapa-api Ate. Bakit ganon?”
“May mga tao talagang ganon. Diyos na ang bahala sa kanila. Kaya ikaw, huwag kang patola.”
Natawa siya ng mahina sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Sorry na po, ‘di na mauulit.”
Hinatid ko siya pabalik sa kaniyang classroom bago tuluyang umalis. Bumalik naman ako sa taping dahil hindi ako nakapag-paalam kay Franco kanina.
Nagmamadali ako kanina dahil akala ko kung ano na ang nangyari kay Emily. ‘Yon pala nakipag-away dahil pinagtanggol niya ako. Dahil doon may record siya sa guidance office at kapag naulit pa ay bibigyan siya ng suspension or worse baka ma-expelled.
Pagdating ko sa set ay nagliligpit na ang lahat at parang wala sa mood. Tahimik na para bang may dumaang kung ano kaya kakaiba ang kilos nila.
“Nasaan si Franco?” tanong ko kay Rain na nagliligpit ng mga make up kits. Si Ryan dapat ang gumagawa non pero mukhang wala rin siya.
“Gosh, girl, saan ka galing?”
“Bakit? Anong nangyari?”
Tumigil si Rain sa ginagawa niya at humarap sa’kin. “Nagkagulo kasi kanina dahil may nagwarlang fans. Lumipat na rin ng location ang team para sa next scene.”
“Ganon ba. Okay ka na ba dito? Okay lang ba kung pupunta muna ako sa studio?”
“Sure, pumunta ka na doon kanina ka pa hinahanap ni Franco.”
Tumango ako. Niyakap ko siya bago umalis. Sumakay na lang ako ng taxi para mas convenient at iwas sa maraming tao. Habang nasa byahe ay tingin ng tingin sa’kin si Manong driver mula sa salamin pero hindi ko na lang pinansin hanggang sa makababa ako.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga reporters na nakaabang sa entrance. Mag-iiba sana ako nang daan pero huli na dahil nakita na nila ako. Shoot!
“Yung P.A ni Franco oh!”
Dire-diretso ako ng lakad at nilagpasan sila pero hindi nangyari iyon dahil hinaharangan nila ang daan at nakapalibot sila sa’kin. Oh my God! Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?
“May relasyon po ba kayo ni Franco Lawrence?”
“Totoo bang magpapakasal na kayo?”
Iniiwas ko ang aking mukha sa camera sa takot na i-broadcast ito sa national tv.
“Excuse me po, padaanin niyo ‘ko please...” Pinilit ko ang sarili na makadaan pero sumusunod pa rin sila.
“Yes, it’s true!”
Napalingon ang lahat sa pinanggalingan ng boses ni Franco. Ramdam ko ang mabilis na tibok sa aking dibdib habang nakatitig sa kaniya. Kaagad nagsitakbuhan ang mga reporters kay Franco pero bago pa siya ma-corner ay naglakad siya palapit at tumabi sa’kin.
BINABASA MO ANG
The Beauty In Madness
RandomSi Rendella at Franco ay dating magkasintahan noong high school pa lamang sila. After 4 years ay pinagtagpo muli ang kanilang mga landas kaya ipinangako ni Franco sa kanyang sarili sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi niya pakakawalan pang mu...