CHAPTER 44

94 9 2
                                    

CHAPTER 44

NAMSHEN

"Ayos ka na ba?" seryosong tanong ko sa aking kaharap habang nakaupo sa sopa na nasa tapat ng hospital bed.

Umangat ang isang sulok ng labi nito bago ako sinulyapan dahil abala siya sa pagsusulat ng kung ano sa isang bond paper.

"Bakit mo itinatanong? Gusto mo masiguro na napuruhan mo ako?" diretshang tanong ni Kristine na hindi sinasagot ang tanong ko.

Bumuntong-hininga ako bago tumango.

"Oo. Gusto ko malaman kung nasa hukay na ba ang isang paa mo." prente kong sagot, "But to my surprise, nakakabuntong-hininga ka pa ng labing-isang beses sa loob ng isang minuto. Congrats, akala ko talaga naghihingalo ka na." binigyan ko siya ng napakaplastik na ngiti.

"Tingin mo ba papalampasin ng mga magulang ni August ang ginawa mo? Kahit pamilya ko ay hindi pumapayag." pag-iiba ko ng usapan.

Hindi siya kumibo.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa papel na hawak niya bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

Kung hindi lang para kay August, hindi ko siya pupuntahan.

Ngumuso ako bago pinagkrus ang mga hita at isinandal ang aking likod sa medyo malambot na parte ng sopa.

"Wala ka man lang bang sasabihin?" pagkuha kong muli ng kan'yang atensyon, "A simple 'sorry' can erase the case. Wala akong pake kung kakasuhan ako ng mga magulang mo basta humingi ka lang ng tawad at kakalimutan ko na ang lahat ng namamagitan sa ating dalawa." dugtong ko.

Hindi ito kumibo kaya nakaramdam ako ng pagka-inis. Mabilis akong tumayo at lumapit sa puwesto niya.

Akmang hahawakan ko ang papel na pinagkakaabalahan niya nang mahinto ako sa aking nakita.

She draw something. The three of us, me, August and her.

Pinilit ko na hindi pansinin ang ginagawa niya at inagaw iyon na dahilan kung bakit inangat niya ang tingin sa akin.

Ngumisi ako bago pinunit iyon sa harapan niya. Pinilit ko na kumalma at balewalain ang nakita ko. Nang piraso-piraso na ay iniangat ko ang aking mga kamay na nakakuyom bago binuksan at pinanood ang mga paghulog ng bawat piraso ng papel.

Kitang-kita sa mata niya ang lungkot at pagkadismaya habang ginagawa ko iyon ngunit hindi ako nakaramdam ng anuman bukod sa galit.

Nang wala ng natira sa kamay ko ay ipinagpag ko iyon bago pilit na ngumiti.

"Huwag mo na pag-aksayahan ang ibinasura mo na. Magkita na lang tayo sa korte, pakisabi sa mga magulang mo." wika ko bago siya tinalikuran.

Palabas na ako ng pinto nang marinig ko ang mahinang boses niya.

"Ganiyan ka magpahalaga sa pagkakaibigan natin Nam. Ginaya lang kita." medyo garalgal ang boses nito ngunit hindi ko siya nilingon, "Ayokong kalimutan mo ang lahat ng pinagsamahan natin kaya ituloy mo na ang kaso." dagdag niya.

Sinulyapan ko siya bago mabilis na nilisan ang lugar. Iniwan ko siya kasabay ang mga salitang 'Hindi na kita kaibigan'.

Nang makalabas ako ay napahinto ako dahil sa nakasalubong ko.

Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon