NEMO
Nakikinig ako ng isang tagalog song na about sa lalakeng tingin ng babaeng gusto niya ay pakboy siya. Just like me? Ehem.
Habang pinapakinggan ko ang kanta ay napapailing ako at sinasagot ang bawat linya roon.
"Nasobrahan nga ako sa kagwapuhan eh. Bulag ka yata o baka duling." tugon ko nang matapos ang parte ng kanta.
Hanggang sa sumisigaw na ako dahil dama ko talaga ang kantang pinakikinggan ko ngayon.
"Oo na! Nasaktan ko na nga eh pero mali lang siya ng pagkakaintindi." bulong ko habang masama ang tingin sa speaker.
"Bwiset na kanta. Ipamukha mo pa na pakboy ako. Bwiset ka!" bulong ko bago haluin yung iniinit kong noodles.
Nakaupo ako dito sa isang mini store habang hinihintay na maluto yung noodles. Dito ko naisipan kumain dahil naiinis ako kay Namshen at Kristine. Ang ingay nila sa buong bahay at nakakainis lang na hindi sila pinapagalitan ni Papa.
Habang kumakain ay napansin kong may lumapit sa aking dalawang babae.
"Hello? Ikaw po ba si Nemo?" tanong nung isa kaya napahinto ako sa pag-kain.
"Oo, bakit?"
"Pwede bang pa-selfie? Ang gwapo mo po kasi." hindi ako nagdalawang-isip na pumayag.
Alam ko naman na mahirap talaga mag-pigil kapag nakakita ng kasing-gwapo ko.
Lumapit sila at nakipag-picture sa akin. Nang matapos ay nagpasalamat sila at paalis na ng mag-tanong ako.
"Bakit niyo ako kilala? Same ba tayo ng University?" baka mamaya nabasa nila yung article about sa akin.
Umiling sila.
"Hindi po." nakahinga ako ng maluwag. "Pero nagandahan po kami sa article na about sa inyo kaya gusto namin gumawa na kayo din ang topic." kumuyom ang kamao ko at sinamaan sila ng tingin."Anong sabi niyo?" naiinis kong inagaw yung mga phone nila saka mabilis na binura ang mga picture.
"Ibalik niyo po sa amin 'yan!" inihagis ko sa kanila yung phone at mabilis na umalis.
"Wala na! Hindi na tayo makakagawa ng magandang article." rinig kong sabi nung isa.
"Sa susunod nga na may magpapa-picture, sisingilin ko muna ng isang milyon." nakangising bulong ko bago sumama ang tingin. "Hindi ko pa naubos yung kinakain ko. Asar!" naiinis na sabi ko saka dumiretso sa bahay.
"Matutulog na nga lang ako." bulong ko.
Pagkapasok ko sa bahay ay naabutan ko silang dalawa na nag-lalandian sa sala. Nag-hahampasan ng unan.
"Tsk." umiling na lang ako bago dumiretso sa kwarto ko.
"Itigil mo na, Nam! Masakit!" sigaw ni Kristine kaya napairap ako sa kawalan at nag-takip ng kumot. Ang ingay naman ng dalawang 'to!
"HAHAHAHA!" tawanan nila.
Nagpagulong-gulong ako sa kama dahil sa ingay nila. Narinig ko ang mga yabag paakyat ng hagdan.
"Nako! Mukhang mag-iingay na naman sila!" napadapa ako.
"Ah! Aray ko!" napaupo ako ng marinig ko ang tili ni Tintin. Mabilis akong lumabas at naabutan ko si Tintin na nasa first floor at mukhang nahulog sa hagdan.
"K-kuya.." nauutal na tawag ni Namshen ng makita niya ako. Hindi ko siya pinansin at nagmadaling pumunta kay Tintin na mukhang napilayan.
"Saan masakit?" tanong ko. Tinuro niya yung tuhod niya kaya marahan kong minasahe iyon.
BINABASA MO ANG
Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)
Teen FictionNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...