NAMSHEN
Types of marketing strategy..
Interactive marketing..
Digital marketing..
Internet or Online marketing..
Napapalakpak ako nang matapos ko lahat ng notes na ibinigay ni Oyan dahil magte-take na ako ng midterm Exam.
Yes! Wohoo!
"Shhh.." Napahinto ako sa aking ginagawa ng makita ang nakataas na kilay ng librarian habang sinesenyasan ako.
Tumango ako saka nagpeace sign.
"Sorry po." Bulong ko saka bumalik ang atensyon sa mga notebook na nasa harapan ko.Iniligpit ko na iyon at masayang lumabas ng library para puntahan ang mga teachers ko sa iba't-ibang subject. Isa-isa akong mag-exam sa bawat subject na 'yon. Nang makatapos ay tinitigan ko yung wall clock. Pasado alas-kwatro na ng hapon kaya panigurado na tapos na ang break time pati na rin yung mga dapat kung gawin ay may gumawa na dahil nagpaalam naman ako na kukuha ng Exam.
Naisipan kong lumabas na ng university dahil hindi na rin ako makakapasok sa last subject na aabutin ng tatlong oras ang pag-tuturo dahil sa higpit ng professor. Dahan-dahan akong lumabas ng gate para hindi ako mapansin nung guard dahil kilala niya na ako.
"Hmm.. Saan na ako pupunta ngayon?" Nakangising tanong ko sa aking sarili habang naglalakad at palinga-linga.
"Ayoko sa bahay dahil makikita ko lang si Papa. Kung kay August naman, maiistorbo ko lang siya sa mga ginagawa niya." Napangiwi ako dahil wala akong maisip na pupuntahan.Napahinto ako nang sumagi sa isipan ko si Tintin saka mariin napailing.
No. Hindi ko siya pupuntahan. Wala akong dahilan para puntahan siya.
Akmang mag-lalakad na akong muli ng maalala ko si Kuya Nemo.
"Hayst. Bahala na nga." Naguguluhan na ako kaya ipinag-patuloy ko na lang ang pag-lalakad.
Nasa isang eskinitas ako ng makarinig ako ng isang busina mila sa aking likuran.
"Sino 'to?" Kunot-noong tanong ko.
Nanlaki ang mata ko ng iniluwa nito si Zild na naka-varsity pa at mukhang galing sa practice nila.
"Z-zild, bakit ka nandito?" kinakabahan kong tanong. Lumapit muna ito bago ako nginitian.
"May pupuntahan kasi ako, nasaktuhan lang na nadaanan kita. Saan ka ba pupunta? Mukhang pareho lang ang dadaanan natin kaya pwede kitang ihatid." suhestyon niya na ikinailing ko dahil ayaw ko siya makasama.
"Ah wala talaga akong pupuntahan. Gusto ko lang mag-lakad."
"Ganoon ba?" tumango ako. "Kung ganoon, sumama ka na lang sa akin." natahimik ako.
Bakit ba mapilit ang isang 'to?
"Gusto sana kita ayain na samahan ako. Kung ayos lang? Malapit lang naman dito yung lugar." nahihiya na tanong niya habang nakahawak sa sentido.
Napaawang ang bibig ko at saka napaisip.
'Kailangan kong umiwas sa kanya para hindi kami magka-issue ni Oyan.'
"Hmm.. Pasensya ka na, Zild. May pupuntahan pala talaga ako. Ngayon ko lang naalala. Maybe next time kapag may free time ako." pagtanggi ko. Napatango siya at akmang aalis na ng balikan akong muli.
"Ihatid na lang kita?" napailing ako.
"No. Huwag na, mas prefer ko talaga ang maglakad ngayon para malanghap ang sariwang hangin." pagtanggi kong muli.
Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya pero pinilit niyang ngumiti saka umatras.
BINABASA MO ANG
Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)
Подростковая литератураNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...