NAMSHEN
Nasa harapan ako ng dorm ni Oyan, medyo malaki ito kaysa sa bahay namin at ang kasama niya ay mga BABAE. Buti na lang at hindi sila magkakapareho ng kwarto kung hindi ay baka dito na ako tumira para bantayan siya. Kumatok na ako at ilang saglit lang ay may nag-bukas na ng pintuan. Sinalubong ako ng babaeng nerd na nakangiting tagumpay.
"Anneyeong~ Jona iremeun imnida!" pakilala niya na di ko maintindihan.
"Huh?" pero imbes na sumagot ay kinamayan niya ako.
"Nagagalak din akong makilala ka." saad niya at hinila na ako papasok ng dorm. Naabutan namin yung tatlong babae na nagtatalo habang may bitbit na pagkain.
"Hindi pa siya kumakain mula kahapon kaya dapat ibigay mo na iyan." saad nung mukhang tomboy.
"Kaya nga, mukhang gutom na siya kaya dapat gumawa ka ng paraan para kuhain niya iyan." dagdag nung mukhang bata.
"Ayaw niya ngang tanggapin! Anong magagawa ko?!" sigaw nung mukhang maldita habang bitbit yung pagkain na..
"Strawberries at gatas?" bulong ko na narinig nila.
Napahinto sila sa pagdidiskusyon at sabay-sabay akong tiningnan.
"Sino siya?/Who are you?/Ate namshen!" napatingin kami doon sa mukhang bata na patakbong lumapit at yumakap sa akin.
"Ahh. S-sino ka?" gulat kong tanong ng makawala ako sa pagkakayakap niya.
"Ay sorry po, ako po si Gail marie, 14 years old. Favorite character po kita sa manga na ginagawa ni kuya Oyan." nakangiting pagpapakilala niya na ikinakunot ng noo ko.
"M-manga? Yung prutas." tanong ko na pinagtinginan nila tsaka mga tumawa.
"Manga po, yung mga anime comic book." paliwanag ni Gail na ikinatango ko.
"Ahh okay, pasensya na kasi hindi ako mahilig sa ganon, yung kuya ko lang." paliwanag ko. Nagulat ako ng pumalibot sa akin yung tatlong babae at nanatili sa tabi ko si Gail.
"Tss. Ikaw pala yung bad girl." bulong nung maldita. "Umamin ka nga, paano nagkagusto sa'yo ang mga tipo ni Oyan?" dagdag niya.
Napaatras naman ako ng inilapit nung nerd yung mukha niya habang hawak yung salamin.
"Oo nga, ikaw ang unang babae na nagustuhan niya.""At ikaw lang ang babaeng palaging lumalabas sa bibig niya kapag nagkukuwento siya kaya minsan naiirita na ako, pero ayos ka ah dahil ikaw ang dahilan kung bakit naging malapit sa amin si Oyan." dagdag nung mukhang tomboy.
"Huh? Paano niyo nasabi? Hindi ba siya friendly dati?" tanong ko.
"Talagang HINDI. Ni tingnan nga kami ay di niya magawa noon pero nagulat na lang kami ng isang araw ay bigla niya kaming kinausap at tinanong kung papaano manligaw. Nagtaka nga kami kung bakit pero nung nakita namin ang mga drawing niya sa kwarto, naintindihan na namin kung bakit. Inlove pala ang loko." paliwanag nung nerd na sinang-ayunan nung tatlo.
"Ahh okay, wala naman akong ginawa para magustuhan niya ako.. ang totoo niyan, gumagawa pa nga ako ng mga bagay na ikatu-turn off niya sa 'kin." sagot ko. "Pinakita ko sa kanya kung gaano ako kasamang babae, nakikipag-away ako at gumagawa ng gulo nung highschool hanggang ngayon pero di ko alam kung bakit di pa rin siya natu-turn off." paliwanag ko na ikinagulat nila.
"Grabe ka girl! Seryoso ka? bakit? hindi mo ba mahal si Oyan?" natahimik ako sa tanong nung nerd. Mahal ko ba si Oyan?
"Hay nako, wag ka na nga sumagot at dalhin mo na lang ito kay Oyan." pagpigil nung maldita tsaka inabot sa akin yung tray nung strawberries at gatas. "Ayaw kuhain ni Oyan kapag kami yung nagbibigay, mukhang tatanggapin niya kapag ikaw." dagdag nito na sinang-ayunan nung iba at dinala ako sa harapan ng kwarto ni Oyan.
BINABASA MO ANG
Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)
Fiksi RemajaNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...