Chapter 26

87 8 1
                                    

NEMO

"Namshen?! Kailan ka ba titigil?" Nanggigil na tanong ko habang nakatitig sa kanya.

Nandito kami sa Detention Room at ika-bente syete na niya itong parusa dahil sa mga gulo na ginawa niya isang linggo lang ang nakakaraan.

Magulo ang may kulay na pula niyang buhok, makapal ang eyeliner na kumalat na at ang piercing niya sa labi at tenga na mga namumula. Isama pa ang mga pasa at may sugat niyang siko tumama sa pader nung hinila ko siya kanina dahil mapapatay niya na yung kaaway niyang gangster na high school. She looks gross. She really is.

Patay malisya siyang naglaro ng ballpen habang nakatingin lang sa akin. Palagi kaming ganito, palagi na lang!

"Hindi mo ba ako naririnig, ha? Hanggang kailan ka ba magiging ganiyan?! Hindi mo ba alam na magkakasakit na si Mama dahil sa ginagawa mo?"

Mapakla siyang tumawa bago umiling.
"Alam mo.. wala akong pakielam kahit mamatay pa si Papa."

*Blag

Naihampas ko ang kamay ko sa mesa at mabilis na napatayo para ambahan siya ng suntok.

"Anong sabi mo?!"

"Ano? Ituloy mo.. wala ka rin naman. Isa kang duwag na nagtatago sa likod ni Papa. Oh, wait.. Papa mo lang pala iyon." Pagtatama niya. "Wala nga pala akong magulang."

*Pak

Isang malakas na sampal ang kumawala sa palad ko. Kitang-kita ko kung paano umawang ang bibig ni Namshen sa gulat kahit ako rin, hindi ko na inakala na magagawa ko iyon sa nag-iisa kong kapatid.

"Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa mga magulang natin na makita kang nahihirapan." Naibaba ko ang kamay ko. "Hindi nila pinapahalata sayo pero mas nahihirapan sila sa ginagawa mo." Umiwas ako ng tingin bago napahilamos sa mukha.

Oyan.. Nasaan ka na ba? Sabi mo babalik ka agad?

"Gusto mong tumigil ako sa pagiging ganito?" Muli kong ibinaling ang tingin kay Namshen na diretso ang tingin. Ni hindi siya kumurap kahit tinitigan ko siya. Dahan-dahan akong lumapit at muling umupo para salubungin ang tingin niya.

"What? What do you need me to do?" Kalmado kong tanong.

Kitang-kita ko kung paano napalitan ng lungkot ang mga mata niya.
"Can you find Oyan for me? I badly need him." Seryosong sabi nito na hindi kumukurap.

Napaisip ako sa sinabi niya. Gusto kong pumayag pero saan ko naman hahanapin si Oyan?

Huminga ako ng malalim bago umiling.
"I like to but I can't. Sorry, kahit ako ay walang ideya kung nasaan siya." Paghingi ko ng tawad.

Ngumiti siya ng mapait bago tumango.
"I guess it was a wrong move." Halata ang lungkot sa tono nito.

Nagbaba ako ng tingin dahil sa guilt na naririnig ko. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa nangyayari sa kapatid ko. Ayoko siyang nakikitang ganiyan pero wala akong magawa bukod sa tingnan siya. Gusto kong kaawaan siya pero alam kong ikakagalit niya iyon.

Dahil sa mga iniisip ay hindi ko naramdaman na nakalabas na pala ito ng Detention Room kahit hindi pa pwede. Nanlaki ang mata ko at agad na tumayo para sundan siya.

"Namshen!" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at mas binilisan pa ang paglalakad.

Natigil lang ako ng harapin niya ako. Napalunok ako ng ilang beses ng makita ang mugto niyang mata na nagpakalat sa kalat niyang eyeliner.

"Alam mo, Kuya.. Simple lang yung hiling ko pero hindi mo pa magawa. Anong klaseng kapatid ka?!" Napakagat siya ng labi bago sinuntok yung pader na ikinaawang ng bibig ko.

Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon