CHAPTER 50

119 8 3
                                    


Special Shout out to Nikka Sebuguero, thank you for reading my story.














Chapter 50: Not your ideal ending









NEMO



GUSTO ko na magwala.

PAULIT-ULIT ko na naiisip habang papasok muli sa Hospital. Pakiramdam ko ay nanghihina ang buong sistema ko at gusto nang magpahinga ng aking katawan.

"K-kristine, paano mo nasabi iyon nang ganoon kadali? Minahal kita ng ilang taon para lang marinig ang mga salitang iyon?" hindi makapaniwalang tanong ko nang huminto ako sa tapat ng aking kwarto.

Walang sumalubong sa akin kahit si Mama dahil mukhang naroon siya kay Namshen.

Pilit akong ngumiti.

"G-ginamit. Wow! Hindi ako makapaniwala na all this time, totoong ginamit niya lang talaga ako. Hindi ako ang lalakeng minahal niya ng buo." hindi ako makapaniwala.

Paano ko nagawang mahalin ang babaeng walang puso? Nagawa niyang manggamit para masaktan ang mga kaibigan niya at ang rason ay selos? Scratch that thing.

Habang mabigat ang aking nararamdaman at pinipigilan ko na umiyak ay tumunog ang aking cellphone. Kahit naiinis ay mabilis ko iyong sinagot na hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumawag.

"Hi.."

Masayang bati nuong nasa kabilang linya. Wala akong ideya kung sino ito.

"Bakit ka napatawag?" tinatamad ko na tanong habang nakatitig sa pinto.

"Mukhang problemado ang pakboy namin ah! Bakit ang lungkot mo habang naglalakad ka?"

Kumunot ang aking noo at palinga-linga sa magkabilang gilid ng pasilyo ngunit wala namang tao kaya mas lalo akong nainis.

"Tangin*, sino ba 'to?" halata na ang inis sa aking tono.

Walang kumibo sa kabilang linya kaya naubos ang pasensya ko at pinatay na ang tawag.

Nagsitaasan ang balahibo ko nang may humawak sa aking balikat mula sa aking likuran. Dahan-dahan ko itong nilingon ngunit isang batok ang nagpatigil sa akin. Mabilis ko na sinapo ang aking ulo.

"P*ta! Sino ba iyon?" naiinis na tanong ko bago tiningnan yung tao sa aking likuran.

Natulala ako habang kinikilala ang nasa aking harapan.

Maputi ang kaniyang balat at namumula ang pisnge niya na mukhang dala ng init at hindi ng make up dahil sigurado ako na wala siyang ginamit na pampaganda, ipinanganak na siyang maganda.

"Anneyeong, Neil Morisson Cristobal." hindi nawala ang ngiti sa labi ni Celine habang iwinawagayway ang isa niyang kamay.

Hindi ako kaagad nakakibo dahil kinikilala ko pa rin kung siya nga talaga ang nasa aking harapan.

"Bakit ka narito, Celine Anastasha Goo?"

Ibinaba niya ang kaniyang kamay bago muling nagpakawala ng isang malakas na batok sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa kaniyang ginawa.
"Tangin*..." mura ko habang pinipigilan na patulan ang babaeng kaharap ko.

Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon