CHAPTER 38
NAMSHEN
ABALA kami sa pag-inom ng canned beer habang nakapalibot sa bonfire na ginawa ng grupo ko na natalo sa Volleyball.
Masaya kaming nagku-kwentuhan habang nagi-strum ng gitara si Oyan at kumakanta si Kuya Nemo.
"This, oh this. This is our fate, I'm yours.." huling linya ng kinakanta niya habang hawak ang mga kamay ni Tintin.
Matapos kasi nilang ikwento ang 'Love story' nila ay kailangan kumanta. Iyon ay isa sa mga rules ng laro na ginagawa namin. Ang 'What's the song of your story game?'.
Kung sino na ang magkukwento. Pipili ang mga kasama niya ng topic about anything at magkwe-kwento siya ng about doon. Then, he/she needs to sing the song that suits to the story.
Sa pagkakataong ito, 'Love story' ang napili namin na ikuwento ni Kuya Nemo at kwento nila ni Tintin ang sinabi niya and then, he sang 'I'm yours by Jason Mraz'.
Tamang-tama raw sa kanya dahil akala ni Tintin ay marami pa rin siyang kalandian na babae. Asus, babaero is always a babaero. Walang exception kahit kapatid ko pa siya.
"Ayiee, nakakakilig naman ang Love story niyo, sana magtuloy-tuloy na iyan." kinikilig na sabi ni Celine habang nakayakap sa braso ni August.
Kinindatan ni Kuya Nemo si Celine.
"Sana magdilang anghel ka, Celine Anastasha Goo."Ngumiwi si Celine at sinamaan ng tingin si Kuya Nemo bago binato ng hawak niyang lata.
"Nakakaasar kapag ikaw ang tumatawag sa buong pangalan ko." may inis na wika ni Celine.
"Mas nakakaasar kapag naririnig ko boses mo." panlalait ni Kuya.
"Wow! Say that to our almost two years friendship, kiddo!" tugon ni Celine.
"As if I have another choice, baka kuyugin ka ng mga nagkakagusto sa akin kapag inisip nilang jowa kita kahit hindi kita type." paliwanag ni Kuya Nemo.
Natahimik ang lahat.
Inirapan siya ni Celine nang mapansin nito ang dalawang pares ng mga mata na kakaiba ang tingin sa kanilang dalawa ni Kuya Nemo.
"Now I wonder if the two of you have a relationship more than a friend, nakakakilig rin siguro kayo." sabad ni Sydney.
Sumama ang timpla ng mga mukha nina August, Celine, Kuya at Tintin habang nakatuon kay Sydney. Pinilit ngumiti ni Sydney bago nagpeace sign.
"I'm just kidding guys, sorry." may arte na wika nito.
Ngumisi ako bago ginaya ang tono ng pananalita niya, "But it doesn't sound like that, sorry."
Mabilis niya akong tinaasan ng kilay pero inirapan ko lang siya.
Tumikhim si Kuya Nemo para muling makuha ang atensyon ng lahat. Napansin ko ang pagbawi ni Tintin ng mga kamay niya.
Wew, may LQ!
Sinulyapan ko sina Celine at August na mukhang hindi nagpapansinan dahil humarap sa side ko si bakla. Lihim akong napangiti.
Aba, mukhang may mga masisirang relasyon. Jk!
"Emerald, ikaw na ang magkukwento.." pagkuha ni Zild ng atensyon ko.
Napansin ko na ako ang kasunod ni Kuya sa bilangan namin kanina kaya tumango ako.
"So, about what particular topic do you want me to tell you?" panimula ko bago umayos ng upo at sumimsim ng beer na hawak ko.
BINABASA MO ANG
Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)
TeenfikceNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...