EPILOGUE

214 6 6
                                    



This is the last part of the story. I am assuring you that this will never end just like that. Your imagination will continuously think about the ending. Comment down your reaction. I want to know your opinion. Open for criticisms. Nothing is perfect. Even the most beautiful story has untold errors."












Epilogue




Rhoyanne Prinz Clarkwood

Abala ako pagsusulat sa isang maliit na notebook habang may nakasabit na kulay emerald na headphone sa aking leeg at nakasakay sa isang kulay itim na kotse na kagagaling lang sa airport.

"Siguro naman nakausap mo na 'yung Publishing house na huwag muna gagawan ng schedule ang balak nilang booksigning event para sa iyo lalo na't kakarating palang natin, you need a break before doing what you want anak.." pagpapaalala ni Tita Agnes habang sinusulyapan ako sa rear-view mirror kaya tumango ako bilang sagot.

It was a long-five year since I left this country together with my Aunt Agnes for my treatment. Hindi ko inaasahan na sa limang taon na iyon ay wala pa ring pinagbago ang lugar na dinaanan ko paalis ngayon dinadaanan ko ito pabalik.

"Saan mo gustong pumunta ngayong nakauwi na tayo? Gusto mo ba munang kumain?"

Nilingon ko si Tita Agnes na kahit nadagdagan na ang edad ay hindi pa rin kita sa pangangatawan nito. Kung titingnan, mukha lang kaming magkapatid lalo na't nagpakulay ito ng buhok. Naging kulay asul na ang pinaikli nitong buhok at mas mapula na ang mga labi nito hindi katulad dati na parang dinampian lang ng lipstick.

Isinarado ko ang aking hawak na maliit na notebook bago ibinaling ang tingin sa kalsada.

"Hindi po ako gutom. Gusto ko lang po munang pumunta sa Parke para makalanghap ng sariwang hangin at maramdaman na nasa Pilipinas na talaga ako." paliwanag ko na may halong pananabik dahil matagal ng hinahanap ng aking sistema ang hangin sa aking lupang sinilangan.

Hindi ko na narinig ang pagtutol ni Tita Agnes at mas binilisan ang pagmamaneho.

Habang nasa dinaraanan pa rin namin ang aking atensyon ay may nakaagaw ng aking pansin kaya pinakatitigan ko iyon saktong tumigil si Tita Agnes dahil sa paghinto ng mga sasakyan sa unahan namin.

Hindi ko napigilan ang aking sarili na kilalanin kung sino ang mga nakita ko. It was Celine's billboard. She is smiling wearing a limited edition gown from a famous clothing line she is working for. She handles different modeling agencies while still working as a model and busy managing their Liquor and cigarettes company named Elyxion.

On the other billboard, I saw a cheerful and handsome man wearing headphones while in front of the microphone. He is a famous Radio DJ now, my only best friend Nemo who's been in a relationship with Celine.

I don't know what happened seems like they meant for each other.

Lihim akong napangiti habang nakatingin sa mga kaibigan ko na mga successful na ang buhay, hindi katulad ko.. Isang magsisimula palang sa bagong direksyon.

Pero kahit malayo na ang mga narating nila ay hindi ko magawang magselos dahil alam ko na masaya sila at masaya na rin akong makita na magaganda ang mga buhay na meron sila ngayon.

"Woah, ang ganda naman ng Restaurant na ito. Ngayon ko lang nakita ito." may pagkamangha na sabi ni Tita Agnes kaya sinundan ko ang tinitingnan niya.

Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon