CHAPTER 42

70 6 0
                                    

CHAPTER 42

NAMSHEN

MALALAKI ang mga hakbang ko hanggang sa makarating ako sa kwarto ng mga magulang  ko.

"Papa, anong event?" naguguluhang tanong ko habang ipinapakita ang isang invitation card na example ng ipinagawa nila.

Nagkatinginan ang mga magulang ko na mga mukhang naghaharutan pa bago ako dumating. Maya-maya pa ay nangingiti silang tumingin sa akin.

"Nakalimutan mo na ba na birthday mo na sa linggo? Namshen, it will be your debut." nakangiting paliwanag ni Mama, "Kami na ang naghahanda ng Papa mo dahil ayaw na namin na mamroblema ang baby namin." dagdag niya bago ako sinenyasan na tumabi sa kanila.

Ngumiwi ako bago mabagal na lumakad palapit sa kanila. Ngunit hindi ako umupo sa kama at nakapameywang na tinitigan ang mga magulang ko.

"Sino ba ang nagsabi na magse-celebrate ako ng birthday? At isa pang malaking Event pa? Kayo yata ang may birthday." hindi makapaniwalang tanong ko bago muling ipinakita ang invitation, "Tsaka ano 'to? Bakit masquerade party? Puro kriminal ba iimbitahan niyo o 'yung mga nabugbog ko na gusto akong bawian?" may halong inis na tanong ko.

Muling nagkatinginan ang mga magulang ko bago nagsitawanan. Kumunot ang noo ko at napagtanto na parang  ako ang magulang sa aming tatlo kaya hindi ko mapigilang sabayan ang pagtawa nila.

Hinila ako ni Mama pahiga sa gitna nila ni Papa bago hinaplos ang buhok ko.

"Alam namin na tatanggi ka sa malaking celebration kaya sinadya namin na gawing dark concept ang birthday mo para mapilit ka." paliwanag ni Mama habang patuloy sa paghagod ng aking buhok.

Bumuga ako nang malalim na paghinga bago napilitang tumango.
"Fine, mukhang ako na lang naman ang kulang sa Event niyo. Wala naman akong ibang choice 'di ba?" tamad ko na tanong.

Sabay silang mahinang tumawa bago umiling.

"Wala." sabay nilang sagot bago ako niyakap na ikinagaan ng pakiramdam ko.

Ang swerte ko na naging magulang ko sila. Masaya ako na ayos na kami.

"Sigurado ka? Ako ang gagawin mo na last dance?" nakangiting tanong ni Zild at mukhang hindi makapaniwala sa narinig.

"Bakit? Ayaw mo ba?" tanong ko bago inagaw yung binigay ko na invitation card, "Pwede naman na hindi ka umattend, kaya ko sumayaw mag-isa." dagdag ko.

Napanguso siya bago pinigilan ang pagtawa at muling inagaw ang invitation card sa akin.

"Sige, aattend ako para panoorin ka magsayaw mag-isa. Hahahahaha!" tumatawang sabi niya kaya binatukan ko siya.

"Akala mo ba gusto ko na i-celebrate ang debut na ito? Kung alam mo lang kung paano ko sinugod ang mga magulang ko dahil gusto ko umayaw kaso, ahm, sayang pera." may panghihinayang na sabi ko na mas ikinatawa ni Zild.

"Talagang nanghihinayang ka lang sa gastos ha?" tanong ni Zild.

Walang hiya akong tumango.

"Natural, kahit may pera kami. Hindi naman kami sigurado kung hanggang kailan. Malay mo, mana ko na pala ginagastos nila.. Hindi ko lang alam." nagpipigil nang tawa na sagot ko.

Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon