CHAPTER 46

83 8 2
                                    

CHAPTER 46

NAMSHEN

HINIHINGAL ako habang hinahabol ang isang batang lalake sa ilalim ng napakalaking puno.

"NAMSHEN! HABULIN MO AKO!"

Malakas ang boses niya habang umiiwas sa mga kamay ko na pilit siyang inaabot. Kahit naguguluhan ay nakikitakbo ako at sinabayan siya sa pag-ikot sa malaking puno. Nang mapagod ay pabagsak siyang umupo sa lilim ng puno at ngumiti na tumingin sa akin.

"Pasensya ka na kung pinagod kita," tinapik niya ang espasyo sa tabi niya.

"Tabihan mo ako, huwag kang tumayo na lang diyan. Mas mananakit ang mga tuhod mo." pamimilit niya.

Ngunit nanatili ako sa kinatatayuan ko at pinipilit na kilalanin kung sino ang batang nasa harapan ko.

Bagsak ang abot-tenga niyang buhok. Kakulay ng mga strawberry ang maninipis niyang labi at walang tatalo sa kainosentehan ng mga maningning niyang mata.

Hindi ko napigilang maluha habang tinitingnan ang bata na nakatitig sa akin.

"Oyan.." tawag ko sa pangalan niya.

Nangunot ang noo nito bago tumayo at lumapit sa akin.

"Bakit ka umiiyak, Namshen? May nagawa ba ako? Nasaktan ba kita?" puno ng pag-aalala na tanong nito bago hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

Umiling ako.

"Hindi. Sa totoo niyan, ako ang may nagawang masama sa iyo. Nakalimutan kita. Pasensya ka na.." lumuluhang sabi ko bago hawakan ang mga kamay niya na nakahawak pa rin sa mga pisnge ko.

Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"Ano ka ba, Namshen. Imposible na makalimutan mo ako dahil ako ang una at huling lalake na makakalimutan mo. 'Di ba, nangako tayo na hindi ako magiging mahina para ako ang makasama mo. Kung mawala man ako sa isip mo, alam ko na hindi ako mawawala sa puso mo." hinaplos niya ang mukha ko, "Kung makalimutan mo man ako, Namshen. Ako ang gagawa ng paraan para makaalala ka."

Mas lumuha ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng batang si Oyan. Hindi ko inaasahan na ang mga salita niya ang mas magpapagaan ng nararamdaman ko.

Matapos ko na marinig ang mga sinabi niya ay ibinaba ko ang mga kamay niya at niyakap siya nang mahigpit.

"Salamat, Oyan. Mahal na mahal kita." mahinang sabi ko bago ko naramdaman na paonti-unting naglaho siya sa mga bisig ko.

"Oyan.." mabilis ko na idinilat ang aking mga mata at kinilala ang lugar na kinalalagyan ko.

Madilim ang lugar at tanging liwanag ng buwan ang umiilaw sa loob ng kwarto.

Dahan-dahan akong umupo at mabilis na dumapo ang mga kamay ko sa aking noo nang kumirot ito.

"Argh, bakit ang sakit ng ulo ko?" may inis na tanong ko sa aking sarili.

Wala rin naman akong ideya kung ano ang dahilan kaya inalala ko na lang ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay.

Sinakal ako ni Oya- ni Prinz.

Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon