Chapter 08

261 12 0
                                    

NAMSHEN

"Hindi mo na siya kailangang patayin dahil nandito naman ako." seryosong sambit niya. Parang nakaramdam ako ng init. Hindi katawan, pero yung mukha ko. Parang nag-iinit sa 'di ko malamang dahilan.

"O-oyan.." tawag ko sa kanya at lalapit sana ng umiling siya.

"Huwag kang lalapit.." natigilan ako sa sinabi niya at nakaramdam ako ng pagkadismaya ng sabihin niya iyon. Parang naiiyak ako.

"Huwag kang lumapit, huwag kang magpabasa sa ulan.." pagkasabi niya no'n ay nilapitan niya ako at umupo sa harapan ko saka ibinaba yung tsinelas at sinuot sa mga paa ko. "Madali kang lagnatin kaya masama sayo ang nagpapaulan, dapat kasi ay hindi mo na ako sinundan." Tumayo siya at tiningnan ako ng nakangiti kaya kumunot ang noo ko at inirapan siya.

"Hindi ako pumunta dito para sundan ka, ang kapal mo naman." naiiritang sambit ko na ikinatawa niya.

"Talaga? Hindi ako yung dahilan kung bakit napunta ka dito?" hindi pa rin nawawala yung ngiti niya.

"Oo, wag kang feeling." matigas kong sabi.

"Okay, kung ganon uuwi na pala ako. Mali pala yung tinext sa akin ni August at kinuwento ni Nemo." dismayadong sambit niya. Nagulat ako sa sinabi at inakalang nagbibiro lang siya nung sinabi niyang iiwan niya ako. Pero tinalikuran niya ako at naglakad na palayo.

"Hala, talagang iiwan niya ako dito." napakagat-labing sambit ko. Mariin akong napapikit at huminga nang malalim bago sumigaw. "Ikaw talaga yung hinahanap ko, mr. Rhoyanne Prinz Salvador!" sigaw ko sa kanya kaya pinagtinginan ako ng mga tao at natigil sa kanilang ginagawa.

Ilang hakbang na ang layo niya sa akin bago siya huminto pero hindi pa rin humaharap. Mukhang gusto niya pang makarinig ng kung ano. "Hinahanap kita kasi naunawaan ko na, naunawaan ko na ang lahat. Naunawaan ko na kung bakit ka nag-aalala sa akin at kung bakit mo pinapakielaman ang buhay ko." Panimula ko. "Alam ko na ngayon kung ano ang pakiramdam ng may nagmamahal sa akin ng totoo kaya hinanap kita. Hinanap kita dahil handa na akong tanggapin kung sino ka sa buhay ko." umiiyak kong sabi.

"I used to be alone even it feels incomplete but because of you, I feel like an empty can that you're trying to refill. You'll trying to say that I'm complete and I am not the person that other people think. And because of that, I want to let you be the usual boyfriend that I hate before but I will like and proudly love someday." dagdag ko na ikinalingon niya saka dahan-dahan akong hinarap. Sumilay sa kanya yung ngiti na halata yung tuwa at hindi yung pang-asar na katulad ng ngiti ni Kuya Nemo.

Lumapit siya sa akin at ipinatong sa mga balikat ko yung jacket.
"I really miss you, mine." nakangiting sambit niya na ikinatawa ko ng mahina saka piningot yung ilong niya.

"Ewan sayo, balak mo talaga akong iwan kanina, ah." sambit ko sa kanya na ikinatawa niya rin. "Hindi ko naman talaga gagawin iyon, ginawa ko lang ang tinuro ni Nemo. Ang tawag doon ay blockmail ng mga gwapo." hinampas ko siya ng mahina dahil sa sinabi niya.

"Ayiee." nagkatinginan kami ng mapansin na tinitingnan kami nung ibang customer.

Nahiya ako kaya hinawakan ko yung kamay ni Oyan at hinila siya palayo habang dala niya yung bike. Napatigil ako ng malayan na hindi ako nababasa ng ulan kaya tiningnan ko siya. Itinapat niya sa akin yung payong na hawak niya kaya siya ngayon yung nababasa ng ulan kasama yung bike. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang lumapit sa kanya.

"Sorry, nabasa ka dahil sa pagmamadali ko." paghingi ko ng tawad at hinawakan ng mahigpit yung kamay niya. "Simula ngayon, susubukan ko ng sumabay sa bawat lakad mo para hindi ka mahirapan." dagdag ko.

Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon