Chapter 28

72 7 3
                                    

This chapter is Dedicated to CessKaiKyungsoo and An_thea (the voting squad) I hope you enjoy!









NAMSHEN

"AYOKO." may diin kong sabi kay Tintin at August nang ayain nila ako sa isang Party.

"Please, Nam. Para lang mabawasan ang stress sa katawan mo girl!" Pamimilit ni August. "Bukas pa naman e."

Umiling ako at muling binuklat ang libro na hawak ko. Napansin ko ang panamahimik ng dalawa bago mga lumabas ng kwarto. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa ginawa ko pero anong magagawa ko? Gusto ko manalo sa Deal para makita ko si Oyan.

Tahimik akong nakaupo sa ilalim ng puno dito sa Garden na ginawa ni Oyan sa University at tahimik na binabasa ang isang libro na pinahiram ni Papa. Iyon raw ang nire-review ni Kuya 'pag malapit na ang Exam.

Habang nagbabasa ay nakaramdam ako ng yabag palapit sa puwesto kaya kaagad ko itong tiningnan at inilapag ang libro.

"Hey, Emerald." Nakangiting salubong ni Zild sa akin. Mas maayos na siya ngayon kaysa sa huli namin pagkikita at iyon ay nung iwan ko siya.

Nahihiya akong tumayo at nilapitan siya.
"Ahm, about sa mga nasabi ko the last time na nakausap kita, I'm sorry. Hindi ko iyon sinasadya." Paghingi ko ng tawad.

Napaisip siya.
"Hmm.. Pati rin ba yung pag-iwan mo sa akin ng dalawang beses ay isasama mo?" Tanong nito na ikinatango ko. "No, hindi ko matatanggap yung sorry mo." Seryosong sabi nito na ikinaawang ng aking bibig.

"You have to pay me sa pang-iiwan mo sa akin, maybe a date on a Party." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"A what?"

"A Date on a Party. May nag-aya kasi sa akin bukas kaso kailangan raw ng date kaya you need to go with me." Paliwanag niya na ikinailing ko.

"No, I can't do that. Busy ako."

"Ako rin naman nung sinamahan kita at iniwan mo ako ng DALAWANG BESES." may diin na sabi nito.

Napangiti ako sa paraan ng pagsasabi niya. May pamimilit.

"Hindi ko naman hilingin na samahan mo ako kaya hindi ko obligasyon na samahan ka."

"Pero hindi mo rin obligasyon na iwan ako kaya may utang ka sa akin." Umawang ang bibig ko bago huminga ng malalim.

"Fine. Sasama na ako. Ayoko ng pahabain pa 'to dahil alam ko naman ipipilit mo na may utang ako dahil iniwan kita." Sabi ko bago kinuha yung libro at muli siyang hinarap.

"Bye KUYA Zild." Pang-aasar ko na ikinasama ng tingin niya.

"Kuya mo mukha mo! Susunduin na lang kita bukas, Emerald." Paalala nito habang palayo ako.

Natatawa ko siyang iniwan.
















AUGUST

FUDGE! THIS HANGOVER GIVES ME A SH*T!

Nakaupo ako sa isang upuan dito sa Cafeteria habang pinipilit kumain dahil nakaramdam ako ng gutom. Akala ko ay kaya kong uminom pero dahil first time ko ay ito ang napala ko. A problem.

Celine and I broke up, this hangover and..



That operation comeback?

D*mn! Ngayon pa naman gagawin iyon at pumayag ako sa plano ni Nemo at Tintin kahit hindi ko alam ang gagawin. Binulong lang nila sa akin na sila na ang bahala sa lahat. Basta presensya ko lang ay nandoon sa balak nila ay buo na ang plano.

Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon