Chapter 15

109 8 0
                                    

NAMSHEN

Nagising na lang ako na nakaupo sa isang bench kaya dahan-dahan akong bumangon at sinuri kung nasaan ako.

"Nandito ako sa locker room ng Gym pero paano ako napunta dito?" Iyon na lang ang nasabi ko bago inalala yung nangyari kanina.

1.May nakita akong daga.
2.May naaninag akong lalake.
3.Bumaba ako ng Fire Exit at dumiretso sa Gym.
4.May nakita akong papalapit sa akin na lalake kaya pumasok ako ng Gym.
5. May humawak sa balikat ko na dahilan kung bakit ako hinimatay.

Tiningnan ko muna ang buong palagid bago napakamot ng ulo dahil sa mga iniisip.

"Anong gustong gawin nung mga nangtrip sa akin? Bakit dito nila ako dinala?" Tanong ko habang paikot-ikot ng lakad.
"Omo! Hindi kaya may balak silang hindi maganda?!" Napatakip ako ng bibig ko saka napailing.

"Hindi! Kailangan kong makaalis agad sa lugar na 'to bago mahuli ang lahat.." Nag-lakad na ako at tinungo yung pintuan.

Balak ko sanang sikuhin iyon ng malakas dahil akala ko ay naka-lock pero nadapa ako sa sahig ng bumukas iyon ng biglaan.

"Aray ko.. Ang tanga mo naman, Namshen." Sabi ko habang tumatayo at pinagpag ang sarili ko.

Madilim pa rin sa Gym kaya kumunot ang noo ko. Mukhang may hindi magandang mangyayari dito.

Habang naglalakad ay naka-fighting position ako. Malay ko ba kung biglang may sumugod sa akin at gumawa ng bagay na hindi ko inaasahan.

Palinga-linga.

Napapalunok ng ilang beses.

Pinagpapawisan.

Nanginginig ang kamay.

Dahil sa kaba at takot ay naramdaman ko ang mga bagay na iyan habang humahakbang.

Napahinto ako ng may marinig akong pag-strum ng gitara at hinanap kung saan nanggaling 'yon.

"Hello? May tao ba diyan?" Tanong ko habang sinusundan yung tunog ng gitara.

Napapitlag ako ng may tumunog na hindi ko alam kung saan galing kaya hinahanap ko 'yon kasabay ng pag-hahanap ko sa tunog ng gitara.

Habang palinga-linga at hinahanap kung saan galing ang mga ingay na 'yon ay biglang may maliliit na liwanag na nanggaling sa taas na bahagi ng court.

Sunod-sunod itong umiilaw na nagbibigay ng kaunting liwanag hanggang sa tumapat ito sa harapan ko na isang bilog na liwanag ang makikita.

Sinundan ng mga mata ko kung saan papunta yung mga liwanag hanggang sa tumigil iyon sa taong nakaupo 'di kalayuan sa harapan ko. Hindi ko siya maaninag dahil sa ilaw na nasa taas.

Mas lalong lumakas yung pagis-strum niya ng gitara na parang may hinuhuling tono.

"Parang alam ko yung kanta?" Napapaisip na tanong ko.

Natahimik ako ng may marinig akong boses ng kumakanta na kilalang-kilala ko.

Ako'y sayo, ikaw ay akin

Sa panimula nung boses na 'yon ay napangiti ako ng mapansin ko na nakatitig sa akin yung taong nasa harapan ko habang naggigitara.

Ako ngayo'y nag-iisa
Sana ay tabihan na

Napaatras ako ng tumayo yung lalake na may hawak ng gitara at nag-lakad papunta sa akin. Doon ko na lang narealize kung sino siya ng tumapat siya sa liwanag.

"Oyan.." Tawag ko sa kanya. Seryoso siya habang ibinababa yung hawak niyang gitara at inoffer ang kamay sa akin.

Inabot ko 'yon at kahit naiilang ay sumayaw ako kasama siya. Mabuti na lang at tuloy pa rin yung tugtog at ang pag-kanta ni Kuya Nemo.

Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon