(CHAPTER 31)
NAMSHEN EMERALD CRISTOBAL
"Tell me, August. Ano bang nangyari nuong gabing iyon?" pamimilit ko kay August habang nasa kwarto niya kami.
Ilang araw na kasi siyang hindi pumapasok kaya naisipan ko na puntahan siya. Nakaramdam ako ng inis nung gabing iyon pero hindi ko pa rin maalis ang pag-aalala para sa kanya.
"Alam mo, Namshen. Hindi ko alam kung kaya kong sabihin kasi nahihirapan rin ako." sagot nito habang nakahiga at tulala na nakatitig sa kisame.
"Bakit? Ni hindi mo man lang sinabi sa mga magulang mo, ano ba talagang nangyari ha?" pamimilit ko pero umiling ito at itinuro ang pinto.
"Pwede ba, Namshen? Pumasok ka na lang. Babalik na ako sa school bukas." pangako nito.
I frowned before letting myself to leave him alone.
Bakit niya ba iniiwasan pag-usapan yung nangyari? Ano ba ang nangyari? May nangyari ba?
Ipinilig ko ang aking ulo bago tuluyang pumasok sa Unibersidad. Ngayon, this is the time that we will see the result of the Nationals.
"Oy, Lil'sis. Parang late ka na.." puna ni Kuya nang magkasalubong kami sa corridor.
Nagkibit-balikat ako bago umiba ng direksyon na hindi papunta sa room ko. Hindi naman ako pumasok para sa pag-aaral, pumasok ako para lang malaman ang resulta.
"Oy, hindi ka papasok.."
Napapitlag ako at napahawak sa aking dibdib nang marinig ang boses ni Zild na nasa gilid ko lang pala.
"Tinatamad ako saka wala naman ituturo ang mga guro bukod sa pagpapaalala kung ginalingan ba natin yung Exam." palusot ko.
"Sabagay, may pupuntahan ka ba?" pag-iiba niya ng usapan.
"Balak ko sana kumain kaso hindi naman ako nagugutom." sagot ko.
"Good. Edi sumama ka na lang sa Gym at manood ka muna ng practice para sa Palarong pambansa." pag-aaya niya.
"Okay. Pero hindi ako magtatagal kasi hihintayin ko pa yung resulta." pagsang-ayon ko.
Naningkit ang mga mata nito.
"Sasamahan pa kita! Pero may iba bang dahilan kung bakit excited kang malaman ang resulta ng Nationals?" puno ng kuryosidad niyang tanong.
Umiling ako.
"Wala! Ginalingan ko lang kaya na-excite ako."
Tumango-tango ito bago ako hinila sa Gym. Nang makapasok kami ay naging sentro kami nang tinginan ng mga manlalaro. Wala akong ibang ginawa bukod sa taasan sila ng kilay kaya nagsiiwas sila ng tingin.
"Warm up na tayo, Guys!" pag-aya ni Zild sa mga kasamahan bago nag-stretching.
Kung anu-ano pa ang ginawa nila bago nagsimulang maglaro ng Tag of War. Hindi ko mapigilang matawa habang pinapanood si Zild na nahihirapang hilahin yung kalabang grupo dahil siya lang ang mukhang malakas sa mga kasama niya. Ang epic kasi ng mukha niya!
Hanggang sa nahila sila nga mga kasamahan nila sa kabila. Parang domino silang nahulog sa sahig, and much worst ay nadaganan siya.
Napakamot ako sa aking ulo habang pinapanood siyang tulungan na makatayo ng mga kasama niya.
"Aray! Ang balakang ko.. Napilayan yata." parang babae na daing niya.
"Sorry po, Mr. Mindal. Nagulat rin kasi kami na nahila nung kabila yung lubid kaya hindi kami nakapagpreno." paghingi ng tawad nung lalakeng kasama niya.
BINABASA MO ANG
Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)
Teen FictionNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...