Chapter 19

118 8 0
                                    

NAMSHEN

Argh!

Bakit ganito kahirap mag-review?!

Naihagis ko sa lamesa yung hawak ko na libro kaya sinamaan ako ng tingin nung librarian. Tinaasan ko siya ng kilay bago umirap sa kawalan.

Ako na naman ang nakikita ng matandang 'to. Asar!

Mahigit isang buwan na lang bago ang National Exam at sisiguraduhin kong maipapamukha ko kay Papa kung ano ang kakayahan ng binalewala niyang anak.

Napangisi na lang ako bago tumayo para damputin yung libro. Napahinto ako nang may pumulot no'n kaya tiningnan ko ito.

"Tintin?" nanlaki ang mata ko dahil sa hindi ako makapaniwala.

Dahan-dahan niya akong nilapitan saka inabot yung libro na kinuha ko naman.

"I thought you've transfer already." hindi pa rin ako makapaniwala.

Ngumiti siya ng pilit saka umiling.
"Magagawa ko bang iwan ang bestfriend ko?" tanong ang ibinalik niya na ikinangiti ko saka lumapit para yakapin siya.

"Salamat. Akala ko iniwan mo na kami ni August.." nakangiti pa rin na sabi ko saka humiwalay.

"Magagawa ko ba sa inyo 'yon? Magagawa ko bang iwan ang bad girl na pervert at baklang may girlfriend? Ako na nga lang yung matino sa atin tatlo." biro niya na ikinatawa ko.

"Ang kapal. Sino ba sa atin ang may love affair sa f*ckboy?" biro ko na ikinaseryoso niya. "Ahm.. sorry. Hindi ko na dapat inungkat."

"Hindi, ayos lang naman. Yung nangyari sa amin ni Nemo ay isang panaginip na ayaw ko ng maulit kaya hindi na issue 'yon." paglilinaw kaya napatango na lang ako.

"Okay, let's change the topic. Ngayong nandito ka na, hindi na ako mahihirapan mag-review para sa Nationals." pag-iiba ko ng usapan.

"Huh? Bakit mo naman kailangan mag-review para sa Nationals?" naguguluhang tanong niya.

"Dahil kay Papa. Gusto kong makita ang panghihinayang sa mga mukha niya habang binabasa ang pangalan ko sa naagaw kong trono ni Kuya, ang pagiging top 5 sa lahat ng Unibersidad." desididong sabi ko.

"Top 5? Nangangarap ka yata ng gising, Nam." nagpipigil siya ng tawa kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong nakakatawa?" Umiling siya.

"Wala.. Ang ganda pala dito sa library 'no? Ang ganda ng tanawin." pag-iiba niya ng usapan habang nakatingin sa mga libro.

"Anong maganda diyan? Puro libro lang naman ang makikita mo." napairap ako sa kawalan saka nagsimulang mag-review.

"Namshen, mukhang desidido ka sa ginagawa mo ha?" nakangiting tanong niya.

"Syempre.. ilang buwan na lang bago yung exam. Palibhasa wala kang gustong marating bukod sa pangalawa sa dulo." kunot-noo na sabi ko habang patuloy sa pag-babasa.

"Aba, nagsalita ang pinakadulo sa listahan. Hahaha!" hindi na niya mapigilan ang tawa kaya nilapitan kami ng librarian at binalaan na papalabasin na kami kapag nag-ingay muli.

"Alam mo? Kung hindi mo ako matutulungan sa pagre-review. Lumayas ka na." napapailing na sabi ko.

"Ito naman hindi mabiro pero sige, dahil aminado akong walang maitutulong ay aalis na ako. Bibisitahin ko pa si August." pagpapaalam niya bago tumakbo palabas ng library.

Napabuntong-hininga na lang ako bago mariing pumikit at napahilamos ng mukha.












OYAN

Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon