NAMSHEN
SEMBREAK!!
NAPATALON ako sa tuwa habang binabasa ang nasa Bulletin Board. Dahil sa mga nagdaang exam ay hindi ko na napansin na sembreak na pala namin. Masaya ako, hindi dahil wala na akong sakit na nararamdaman. Masaya ako dahil maiiwasan ko na sila Oyan, Sydney at ang mga estudyante na walang ibang ginawa kundi pag-usapan ako at ang pagiging malapit sa akin ni Zild.
I want to tell them it is none of their business but I don't really care at all. So, I stopped myself from being a bad one.
Hinayaan ko na lang na matuon ang aking atensyon sa ibang mga gawain at sa mga taong nakapaligid at alam ko na totoo sa akin.
"Mukhang excited ka na magbakasyon ah?" komento ni Celine nang makasalubong niya ako dahil mukhang kakakita niya lang rin ng nakapaskil sa Bulletin Board.
Ngumiti ako bago siya tingnan, "Sino ba namang hindi matutuwa kapag makakapagpahinga na ang isip mula sa mapanghusgang lipunan?" balik kong tanong na ipinagkibit-balikat niya, "Nga pala, kumusta na kayo ni August?" pag-iiba ko ng usapan dahil wala namang nababanggit si August patungkol sa relasyon nila ni Celine mula nang magkausap kami ni Carol.
Wala na rin akong narinig mula sa babaeng iyon, sana naman ay natauhan na siya.
Tipid na ngumiti si Celine, senyales na wala pa ring nagbago at mukhang hindi pa rin sila nagpapansinan ni August. Napanguso ako bago siya marahang siniko.
"Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko, wala kasi siyang kapatid na babae kaya nagfeeling at ngayon ay may mood swings." paliwanag ko para gumaan naman ang loob niya.
Mukhang tumalab dahil mahina itong tumawa bago tumango na senyales ng pagsang-ayon.
"Hindi mo na kailangan humingi ng pasensya. Nang minahal ko si August, tinanggap ko na ang lahat sa kanya, kasalanan ko naman dahil nahulog ako sa lalakeng palaging may buwanang dalaw." nakangiting sabi niya na ikinatawa namin pareho.Binasa ko ang aking mga labi bago hinawakan ang kanyang balikat na medyo ikinagulat niya. Pinakatitigan ko siyang mabuti bago muling ngumiti.
"Sana hindi mo kainin ang sinasabi mo kapag nakilala mo pa ng buo si August." may kahulugan na sabi ko.
Kumunot ang noo nito pero umiling ako, "Naku, huwag mo pansinin ang sinabi ko. Gusto ko lang ipaalala na hindi inaasahan ang mga nalalaman natin araw-araw, sana matanggap mo kung ano pa ang malalaman mong pagkatao ni August." paglilinaw ko.
Mukhang naliwanagan siya kaya napatango na lang ito bago tipid na ngumiti.
"Malapit na ang birthday niya, balak ko siyang bigyan ng hindi niya malilimutan na regalo pero wala akong maisip kung ano." napapaisip na sabi ni Celine.
Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga pala, ilang linggo na lang ay birthday na ni August pero nakalimutan ko kaya wala pa rin akong naiisip na regalo.
"Hindi naman mahilig sa mga materyal na bagay si August, sapat na sa kanya na makita ka sa birthday niya." tanging nasabi ko dahil wala pa akong naiisip na magandang regalo.
Tsaka ko na bibigyan ng ideya si Celine kung meron na akong maireregalo, hahahaha.
Matapos ang pag-uusap namin ay umuwi na ako para makapagpahinga. Gusto ko ng ipikit ang mga mata ko dahil sa ramdam ko ang pagod na ngayon ko lang naramdaman.
BINABASA MO ANG
Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)
Dla nastolatkówNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...