NAMSHEN
Isang romantikong awitin ang tanging naririnig ng aming mga tenga habang kami ay sumasayaw sa gitna. Medyo naiilang pa ako dahil ito ang unang beses na isinayaw ako ni Oyan sa harapan ng maraming tao.
Sa limang buwan namin na pagsasama. Ngayon niya lang ako niyaya na sumayaw sa gitna. At gusto ko ang feeling na 'to.
"Ganito pala yung feeling ng maisayaw.." Wala sa sarili kong nasabi habang sumusunod sa mga galaw niya.
"Ano pakiramdam?"
"Kakaiba. Pero nangibabaw yung saya. Parang nakakapanghinayang tuloy na bakit ngayon lang natin ginawa 'to." Dismayadong sabi ko.
Ngumiti siya ng mapait.
"Alam ko kasi na tatanggi ka kapag niyaya kita kaya hindi ko ginagawa lalo na't alam kong ayaw mo." Paliwanag niya. "Pero don't worry, sa mga susunod na okasyon ay hindi na ako magsasawang ayain ka na sumayaw." Dagdag nito na ikinangiti ko.
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Nga pala, Oyan? Pwede mo bang i-describe yung ugali ng mommy mo? Para hindi na ako kabahan kapag nag-kita kami." Pag-iiba ko ng usapan."Sige pero hindi ko masasabi lahat ng detalye lalo na't maging ako ay hindi rin kilala masyado si Mommy dahil hindi ko siya masyadong nakasama habang lumalaki ako." Tumango ako.
"Sige lang, kahit maliit na detalye lang para mawala yung kaba ko." Sabi ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim bago mag-simula.
"Si Mommy lang ang nag-aalaga sa amin ng isa ko pang nakababatang kapatid na si Renz." Medyo nangunot ang noo ko sa sinabi niya."H-huh? May kapatid ka?" Tumango siya kaya napangiti na lang ako.
"Kasing edad mo lang siya."
"Nasaan siya ngayon?" pag-uusisa ko.
"He's studying ABM in DFU." Maikling sagot niya na ikinaawang ng bibig ko.
"DFU? Seryoso? Yung sikat na paaralan dahil sa only rule nito na 'Love is not allowed?" Napatango siya na ikinagulat ko talaga. "Papaano? Sa pagkakaalam ko, matatalino at sobrang mayayaman lang ang nakakapasok doon?"
Napakibit-balikat siya.
"Kahit ako, hindi ko rin alam pero isa lang ang masasabi ko about sa kapatid ko. Isa siyang malaking kabaligtaran ng pag-uugali ko." Napaisip ako sa sinabi niya.
Hmm.. Ibig sabihin ay palaaway, bastos, walang respeto sa babae at makwela ang bunso niyang kapatid? Parang magugustuhan ko siya. Haha kidding.
"Back to my mom, istrikto siya at gusto niya ay organisado lahat ng bagay. Kung may hindi siya nagustuhan ang sinasabi niya agad ng harapan. Si Mommy yung klase ng tao na unang kita palang sayo, parang kinikilala buong kaluluwa mo." Panimula nito na ikinangiwi ko.
"Grabe naman yung description mo, parang balak mo talaga akong pakabahin ng sobra." Medyo kinabahan na ako.
Natawa siya ng mahina.
"Gusto ko lang na masagot lahat ng tanong mo. Ayokong lokohin ka dahil baka madismaya ka kapag mali ang sinabi ko." Paglilinaw niya.
"Okay. Mag-kwento ka pa." Pagpapatuloy ko.
"Dahil si Mommy na lang ang nag-aalaga sa amin mula pagkabata. Maingat siya sa bawat isa sa amin, ayaw niyang may gawin o isipin kaming desisyon na hindi nakakabuti sa amin." Dagdag niya na mas ikinangiwi ko.
"Ibig sabihin, may pagka-high standards pala ang mommy mo. Mas lalo akong kinabahan. Hayst. Itigil mo na nga ang pagku-kwento, baka tamarin pa akong sumama kapag itinuloy mo." Natawa siya ng mahina sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)
Teen FictionNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...