NAMSHEN
"We're here." masigla kong sabi habang nasa tapat ng bahay namin. Agad siyang tumakbo at hinihingal na lumapit sa akin. Ayaw niya kasi magbike at sinabayan na lang ako habang tumatakbo.
Kinuha niya na yung bike at hinalikan yung noo ko.
"Goodnight mine, take care as always. I love you." pagpapaalam niya at aalis na ng pigilan ko siya."G-gusto mo bang sabayan kami sa dinner? Magagalit si kuya sa akin kapag hindi kita niyaya." nagkakamot-ulong saad ko na ikinailing niya.
"Kung niyaya mo lang ako dahil inutos ni nemo at hindi mo gusto, salamat na lang." pagtanggi niya at magpipidal na ng bike ng pigilan ko uli siya.
"H-hindi kita niyaya dahil inutos niya, niyaya kita dahil gusto ko rin. Please." nagpuppy-eyes pa ako para mapilit siya.
Ilang segundo niya akong tiningnan bago tumango kaya nagtatalon ako sa tuwa. Hindi ako pagsasabihan ni kuya dahil nayaya ko siya mag-dinner.
Kuya nemo and Oyan are bestfriends and classmates. Pero ibang-iba si oyan kay kuya.
Paano ko nasabi? Masasagot kapag nakilala mo ang kuya ko.
Ipinasok niya yung bike at sinarado ko yung gate. Hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya papasok ng bahay.
"Ma? Pa? Kuya nemo? Nasan kayo?" tawag ko sa kanila dahil tahimik yung buong bahay. Kahit mga katulong namin ay wala.
"Mukhang wala sila dito." narinig kong sabi ni oyan na nakasunod sa akin.
"Hindi, imposible na walang tao dito dahil nakabukas yung television." tiningnan namin yung T.V na nakabukas at may mga popcorn sa lamesa.
Tsk! Mukhang ayoko ng alamin kung anong nangyayari.
"Ah oyan, mukhang wala sila mama dito kaya walang nagluto. Pwede mo ba akong ipagluto ng pagkain? Nagugutom na kasi ako." naka-pout kong sabi. Tumango siya at agad na tinungo yung kusina.
Kasalukuyan siyang naghihiwa ng gulay dahil magluluto siya ng chopsuey ng makarinig kami ng mga ungol.
Gosh! Sabi ko na nga ba.
"Ano iyon? Parang may umuungol?" saad niya habang hinahanap yung ingay.
Tumayo ako at pinigilan siya.
"Ipagpatuloy mo na lang yung niluluto mo."Hindi niya ako pinakinggan at hinawakan ng mahigpit yung kutsilyo.
Hala!Wala akong nagawa kundi sundan siya habang paakyat ng hagdan papunta sa second floor. Habang paakyat kami ay mas lalong lumalakas yung mga ungol.
Nakarating kami sa tapat ng kwarto ni kuya nemo na may signage na 'don't disturb, we are just working.' kaya napapikit ako at ilang beses napamura.
Punyet* ka kuya nemo!
Dahan-dahan niyang binuksan yung pintuan kung saan nanggagaling yung mga ungol at hindi na ako nagulat ng makita si kuya nemo na may kasiping na babae. Hayst.
Puro ungol ang maririnig sa buong kwarto na mukhang sarap na sarap. Nakaramdam ako ng pag-iinit sa katawan habang pinapanood sila kaya napatingin ako kay oyan na walang reaksyon at mukhang walang alam sa mga nangyayari. Seryoso? Ni pagpawisan ay hindi ko nakita sa kanya. Hindi kagaya ko na kanina pa nagpupunas dahil pinagpapawisan na kahit mga kamay ko.
Napapitlag ako ng mahulog ni oyan yung hawak niyang kutsilyo dahilan para matigil yung dalawa sa ginagawa nila.
"F*ck!" gulat na mura ni kuya nemo kaya naitulak niya ng malakas yung babae. Nahulog tuloy sa sahig.
BINABASA MO ANG
Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)
Ficção AdolescenteNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...