CHAPTER 41

72 4 0
                                    

Chapter 41


NAMSHEN

"Kumain ka pa, Anak. Masyado mo nang napapabayaan ang sarili mo kaya ka nagkakaganito. Bakit hindi mo sinabi sa amin ang mga nangyayari sa iyo? Buong akala namin ay ayos ka lang." medyo naiinis ang tono ni Mama ngunit mas lamang ang pag-aalala habang sinusubuan niya ako ng pagkain.

Masyadong pagod ang katawan ko at kumikirot rin ang dibdib ko dahil sa biglaang pag-atake ng Tachycardia.

Kitang-kita ang takot sa mukha ng mga pmagulang ko nang sabihin sa kanila ni Tita Zeles ang kondisyon ko. Pinagalitan pa nila si Kuya dahil hindi pala nito naikwento ang nangyari sa akin nuong nagbakasyon kami sa isang resort.

"Mama, mas marami pang malaking problema kaysa sa kung ano ang kalagayan ko," malungkot na sabi ko bago yumuko at pinilit na ngumiti, "Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita mula sa kaibigan ko na si August, and at the same time, hindi ko pa rin nakakausap ang mga magulang niya para patawarin at tanggapin si August." dagdag ko.

Hinampas ni Mama ng medyo malakas ang kaliwang braso ko na nagpadaing sa akin at nakangiwi siyang tiningnan. Natulala ako nang makita na lumuluha ang ina ko bago mabitawan ang pagkain na tuluyang nahulog sa sahig.

"B-bakit Namshen? Bakit isinasantabi mo ang sarili mo at mas inuuna pa ang iba?! Hindi ka naman gan'yan dati. Hindi mo ba naisip na maaari mong ikamatay kung hindi mo sasabihin ang kalagayan mo! Anong gusto mo? Nasa kabaong ka na bago namin malaman ang sakit mo! Anong klaseng kang anak ha?!" umiiyak na sabi ni Mama habang patuloy sa paghampas sa kaliwang braso ko.

Tila namanhid ang kaliwang braso ko at wala akong nagawa bukod sa sabayan si Mama sa pag-iyak.

"Pasensya na po, Mama. Wala po akong balak na pabayaan ang sarili ko, gusto ko lang maging maayos ang lahat." lumuluhang sabi ko.

Tumigil siya sa paghampas sa braso ko bago ginamit ang dalawang kamay para takpan ang kan'yang mukha.

"Pero hindi magiging maayos ang lahat hangga't hindi mo inaayos ang sarili mo," this time ay hinawakan niya ang kaliwang kamay ko, "Namshen, ayusin mo muna ang buhay mo bago mo tulungan ang iba. Malaki ka na, Anak. Dapat alam mo ang halaga ng buhay mo."

Pinilit ko na ngumiti bago umiling.
"Mama, hindi ko maiaayos ang buhay ko kung wala na 'yong mga tao na umayos sa akin. Paano ko magagawang ayusin ang buhay ko kung nakikita ko na nahihirapan ang mga sinasandalan ko? Hindi ko kaya, Mama. Hindi ko po kaya," napapailing na sabi ko, "Matapang ako, oo. Pero para saan pa ang tapang ko kung hindi ko matulungan ang mga kaibigan ko. Sa puntong ito, pakinggan mo naman ako Ma. Ngayon lang ako nagpahalaga sa mga nakapaligid sa akin, sila muna bago ako. Kagaya ng ginawa nila nuong ako ang may kailangan sa kanila." mahabang paliwanag ko.

Natigil si Mama at ilang beses na umiling bago ako hinila para bigyan nang mahigpit na yakap.

Abala ako sa paggawa ng mga proyekto at mga gawain na mga napabayaan ko. Mabuti na lang at napakiusapan ng mga magulang ko ang bawat Professor sa mga subject kaya hindi ako nahihirapang maghabol.

Habang naglalakad sa isang pasilyo ay kaagad akong nahinto sa paglalakad habang tinititingnan ang taong nakasalubong ko na napatigil rin. Ilang segundo kaming nagsukatan nang tingin bago mag-iwasan at muling ipinagpatuloy ang paghakbang ngunit nang malagpasan na namin ang bawat isa ay hindi ko napigilan na magsalita.

Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon