CHAPTER 33

72 7 4
                                    

Hi, sa mga kaibigan ko. Wala, namiss ko lang sila ngayong may Quarantine.

Especially to Zaireen Leigh Caser, Joann Gongora, Jessabelle Uy, Mira Gaganao, Kim Dalina, Jonil Suarez, Jason Brillantes, Erica Bolaños, Judymar Piandiong and lastly, Irene Navarro. Mga hangal, sana ayos lang kayo.

Dito ko sila binati para hindi nila mabasa.

CHAPTER 33

NAMSHEN EMERALD CRISTOBAL

KAKAPASOK ko palang ay puno na ng bulungan sa hallway. Hindi maiwasan ang tinginan nila sabay turo sa akin.

"Talaga? Hiniwalayan niya na si Oyan? Ano raw dahilan?"

"Nilalandi niya kasi si Zild Mindal kaya sila naghiwalay.."

"Malandi siya."

"Ginamit lang naman si Oyan para makilala at katakutan siya sa school."

"Humanda siya kapag bumawi si Oyan."

"Kapit sa sikat na pangalan!"

Iilan lang iyan sa mga usapan habang dumaraan ako pero wala akong plano na pansinin sila dahil pagod na ang katawan ko sa pag-iyak buong linggo.

Nasa building na ako ng mga first year nang may yumakap sa braso ko. Nakangiti ito habang sinasabayan ang hakbang ko, ang isa naman ay nasa kabilang side ko at nakaakbay sa akin.

"Anong kalokohan iyan? Ang clingy niyo ngayon ah." pinipilit kong ngumiti habang tinitingnan ang mga kaibigan ko.

"Natural. Maraming babae ang gustong may gawin masama sa iyo." sagot ni Tintin na mas hinigpitan pa ang yakap sa braso ko.

"Kaya nandito kami para panatilihin na walang mangyayari." dugtong ni August na mukhang wala ng problema.

Siniko ko sila bago tumawa.
"Parang hindi niyo ako kilala, kaya ko ang sarili ko." paninigurado ko.

Umiling ang mga ito at mas hinigpitan ang pagdikit sa akin hanggang sa makapasok kami.

"May sapat akong dahilan para hiwalayan siya.. Pero hindi ko pa masasabi dahil nasaktan rin ako sa paghihiwalay namin." sagot ko nang magtanong ang dalawang kaharap ko ng tunay na dahilan.

Nagkatinginan sila bago mga umiwas ng tingin at ipinagpatuloy ang panonood ng movie na pinagagawan sa amin ng reaction paper.

"Saan ka pupunta, Nam?" tanong ni August nang tumayo ako.

Ngumiti ako bago ibinigay ang papel ko.
"Papahangin lang, ikaw na muna gumawa ah?"

Kumunot ang noo nito at mukhang tatanggi ng inunahan ko na sa pamamagitan ng paglabas ng room. Wala namang teacher. Magcu-cutting ako dahil hindi naman ako mabait na estudyante.

Habang naglalakad sa Garden ay hindi ko maiwasang itanong kung..

Nasaan na kaya si Oyan?

Nagpapagamot na ba siya?

Mahal niya pa ba ako?

Ako pa rin ba?






"Mine.."

Huminto ang mundo ko nang marinig ang boses ni Oyan sa di-kalayuan. Dahan-dahan ko itong nilingon at naestatwa ako habang nakakatitigan siya.

Papaano siya napunta rito? 'Di ba dapat nagpapagamot siya?

Lalapit sana ito pero umiling ako kaya malayo siya habang tinitingnan ako.

"Mahal na mahal kita.." seryosong sabi nito. "Pakiusap, huwag naman ganito, tayo na lang ulit..." puno ng pakikiusap ang boses niya pero umiling ako.

Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon