AUGUST
"Celine, are you okay? May masakit pa ba sayo? Gutom ka ba? Ayos na ba?" Sunod-sunod kong tanong matapos kong malaman ang nangyari sa Gym pagkatapos ko umalis at iwan siya dahil sa impakta niyang pinsan. I regret it!
Ni hindi ko man lang napansin na malala pa yung pilay niya, sabi niya kasi ayos na raw.
Umiling ito.
"Ayos na ako, baby ko. Nahiya lang ako pero nawala na nung tinulungan ako ni Namshen." Kumunot ang aking noo."Si Namshen? Where is she? Ayos lang ba siya?" Tanong ko na ikinatango niya.
"Yeah, I think she's fine lalo na't nakipag-away siya para sa akin. Nakakalungkot lang na makita siyang umiiyak dahil kay Oyan." Tumingin siya sa akin. "Can you do me a favor?"
Tumango ako.
"Sure, what is it?""Don't leave Namshen. Huwag mo siyang pabayaan 'gaya ng ginagawa mo sa akin. Even if she is a hard-headed person, she is really good as a friend. Alam kong mas kailangan ka niya ngayon dahil wala si Oyan, if Oyan will know how Namshen suffers because of his absence baka nagmadali na iyon papunta dito." Natawa pa siya sa huli niyang sinabi.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"I'm thankful to have you." Sabi ko habang nakatitig sa kanya. "Hindi mo hinahayaan na makitang mahirapan ang ibang tao, gusto mo palagi na tinutulungan sila.. That's why it is more easy for me to love you." Napangiti siya sa sinabi ko."Is that a compliment with a confession?" Kumikinang ang mata na tanong niya.
Napaisip ako. "Yes? I think s—"
She kiss me deeper than I thought. Ni hindi ko man lang naramdaman na gagawin niya iyon. Mabuti na lang at nasa liblib na lugar kami.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa mukha ko para mas palalimin pa iyon kaya tinugunan ko siya. I insisted. Hinawakan ko ang balakang niya at binuhat siya paupo sa hita ko at mas pinalalim ang halik. Dahil sa saya na nararamdaman namin ay hindi namin nahalata na may tao na pala sa gilid namin.
"Nice scene, ha?" Natigil kami nang marinig ang boses ng isang lalake. Mabilis kong inilis si Celine mula sa pagkakaupo sa akin.
"Nemo!/Morisson!" Sabay naming sabi ni Celine dahil sa matinding gulat.
"Aba, gulat na gulat? Pasalamat nga kayo at ako lang ang nanonood dito." Tumikhim ito. "Akala ko pa naman makakanood ako ng live porn. Hahahaha!" Humagalpak siya sa tawa.
Dahil sa inis ni Celine ay inihagis niya kay Nemo yung bag niya na nasa gilid lang namin. Nakaiwas si Nemo.
"Ano ba iyan? Hindi pa ako nata— Ouch! Okay, natamaan na ako." Nakasimangot na sabi niya habang nakahawak sa mukha niya na tinamaan ng bag ko. Hindi niya inaasahan na hahagisan siyang muli ni Celine dahil ang nakita niya lang ay ang bag nito.
"Ayan ang napapala ng mga naninilip!" May inis na sigaw ni Celine. Napahagalpak na naman ng tawa si Nemo.
"Excuse me? Hindi ko kasalanan kung ginawa niyong motel itong liblib na lugar. Duh~" with matching rolling eyes pa na akala mo babae.
Nang hindi na siya nakatingin ay umirap ako sa kawalan. Mahaderong pakboy, maattitude!
"What the— itikom mo nga iyang bibig mo, Morisson. Baka makatikim ka sa akin." Pagbabanta ni Celine habang namumula. Hindi ko alam kung dahil sa hiya o sa galit. But she's cute while doing that.
"Asus, kailan pa ako natakot sa banta mo hah? Gusto mo magsuntukan pa tayo ngayon eh." Paghahamon nito kaya napatingin sa akin si Celine.
Kumunot ang noo ko.
"What?" I feel something is gonna happen.
BINABASA MO ANG
Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...