CHAPTER 40
AUGUST
MASAYA kaming sumasayaw ni Celine sa unahan habang sinasabayan ang Party music. Feel na feel namin ang pagiging kengkoy dahil kaming dalawa lang naman ang nakakakita sa ginagawa namin. Abala ang lahat sa pagsayaw kaya wala na silang oras para panoorin kami.
Kitang-kita ko kung gaano kasaya si Celine habang nagme-make face ako kaya mas fineel ko ang pagsayaw. Maya-maya pa ay nagbago ang ilaw at naging romamtic ang tugtog kaya nabitin ako at napanguso habang nakatingin kay Celine na tumatawa lang sa nakitang reaksyon ko.
Inirapan ko siya bago hinawakan ang kanyang mga kamay.
"Let me hold you as you wanted before, I'll assure you that you will be the most fragile thing I've could ever handle, so that I'll handle you with love and care." seryosong wika ko bago ipinatong ang isa niyang kamay sa balikat ko at ang isa ay hinawakan ko.Sabay naming dinama ang kanta habang puno ng pagmamahalan ang aming tinginan sa isa't-isa. Hindi ko maiwasang maisip ang mga sinabi ni Carol.
Matatangal ba ni Celine ang totoo kapag nalaman niya? Sapat na ba ang salita na 'mahal kita' para mapatunayan kong tatanggapin niya ako?
"Baby ko," nakuha ni Celine ang atensyon ko lalo na nang ilapat niya ang mga labi niya sa aking pisnge, "Tulala ka na naman, diyan, ayan nagsisimula ang pagkakaroon mo ng moodswings. Kaya ayaw ko na natutulala ka, nagkakaroon ka bigla." biro nito na ikinangiti ko at iginilid ang mga buhok na humaharang sa kanyang mukha.
"Sorry po, hindi ko lang kasi maiwasang maisip kung gaano kalalim ang pagkahulog mo sa akin." wika ko.
Tumaas ang dalawang kilay niya bago tumingin sa taas na parang nag-iisip.
"Hmm, gaano kalalim. Kahit ikumpara mo sa pinakalalim na karagatan. Hindi pa doon matatapos ang lalim ng hinulugan ko, walang kapantay ang lalim ng pagmamahal ko sa iyo." nakangiting sagot niya kaya nakaramdam ako ng pamumula sa aking pisnge at wala sa sariling hinapit siya para yakapin."I love you, no matter what happens, I'm still inlove with you, huwag mong kakalimutan iyon." mahinang bulong ko.
Mamaya, mamaya ko sasabihin ang totoo at bahala na kung ano ang mangyari. Gusto ko lang maging totoo sa kan'ya.
Naramdaman ko ang mga kamay niya na yumapos sa akin at hinagod ang aking likod.
"I love you, I am in love with you, I'm deeply in love with you, huwag mo rin itong kakalimutan." masayang sabi niya, "Happy birthday, baby ko. Mahal kita, gusto ko lang na maging masaya ka sa piling ko." dagdag niya.
Magkayakap kami nang biglang dumilim ang kapaligiran kaya lumuwag ang pagkakayakap ko kay Celine. Sa pagdilim ay siya namang pagbukas ng malaking screen sa unahan namin. Dahil sa liwanag ay gumilid kami para hindi maharangan ang ipapalabas sa screen.
May surprise ba sila Papa? Hindi ba sila mauubusan ng sorpresa?
Malawak ang aking ngiti at handa na sa susunod na mangyayari ngunit onti-unting nawala ang ngiti sa aking mga labi nang makilala ang nagflash na video sa screen.
It was the nightmare that I want to forget. The night that I was abducted by the four men.
Naramdaman ko ang mga namumuomg pawis sa aking mukha habang nanginginig ang aking mga kamay na nakahawak kay Celine na hindi makapaniwala sa napapanood.
BINABASA MO ANG
Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)
Teen FictionNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...