I will dedicate this chapter to Nhicaela Galang who always support me since 2017 or 2018. When I first write this story, na-spam siya or somethingqq kaya nawala yung mga chapters, tatlong chapter na lang para matapos pero ganoon pa ang nangyari. Since that day, I want to stop writing but she is one of my readers/friends who never stop supporting me eversince. At dahil mahal niya si Nemo, itong chapter na ito ay para sa iyo. I hope you like it.
CHAPTER 47
AUGUST
It is a cold, fancy, and mysterious night here at the Debut party of my devil feeling angel best friend Namshen. Puno ng mga itim at pula ang buong lugar at isama na rito ang mga mask na hindi ko masyadong maintindihan kung bakit may pa-ganito pa ang mga magulang ng gaga.
Pero mukhang bagay naman sa theme ang ugali ng may kaarawan, demonyita. Hahaha just kidding.
Dahil sa pa-masquerade eme nila Tito at Tita, hindi ko na makilala kung sino ang mga nakakasalamuha ko. Gusto ko na ngang alisin ang half mask na ang tanging natatakpan ay ang mga mata at ilong ko ngunit pinigil ko ang aking sarili dahil hindi maganda ang masasabi ng mga imbitado kapag nakita nila na ang isang bakla na muntikan nang mamatay sa sarili niyang birthday party ay pumunta rito.
Baka mapaaway pa si Namshen sa sarili niyang party. Knowing her? She is a devil hiding in an angelic face that will surely scare everyone.
Binalot ng mala-classical na tunog ang buong lugar dahil sa mga piano, flute, violin, at harp. Pakiramdam ko nasa loob ako ng historical na libro at isa ako sa mga main cast. Puro cocktail drinks ang mga hawak ng karamihan sa mga bisita upang hindi mabagot, may photo booth at mini games rin sa mga gilid ng venue upang mapaglibangan.
Dumarami na ang mga tao ngunit wala pa rin akong nakikilala sa mga umattend kaya hindi ko alam kung paano ko gugugulin ang oras ko. Wala man lang kachikahan, sana makita ko man lang kahit si Nemo para may makausap naman ako.
Tila nagdilang-anghel ang dila ko dahil sa nakasalubong ko ang isang lalake na kahit nakamaskara ay ramdam ko ang presensya niya, presensya ng mga tsismoso.
"Oy." pagtawag ko sa lalakeng black americana at may pulang maskara na binabalot ang buong mukha nito.
Hinarap ako ng lalake bago iginalaw ang ulo para isenyas na kung ano ang kailangan ko.
"Huwag ka nga magpanggap na hindi nakakapagsalita, alam ko na ikaw iyan Nemo." wika ko bago medyo itinaas ang suot ko na maskara para makilala niya ako.
Kita ko ang gulat sa mga mata niya.
"Bakit pa nga ba ako magugulat na nandito ka?" tanong niya sa 'kin o sa kanyang sarili mismo.
"Samahan mo akong mag-inom. Medyo late si Namshen lalabas."
Inaya niya ako at tinuro ang isang counter kung nasaan ang mga alak. Hindi na ako tumanggi dahil siya lang naman ang pwede kong makasama.
Nang makarating kami sa counter ay umorder agad siya ng alak at dalawang baso. Kasunod nito ang pagbigay niya sa akin ng isa sa mga baso at pagtanggal niya ng mask na suot.
Paano nga naman siya iinom? Pft.
Pinakatitigan ko ang mukha niya at hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ang mga pinagdaanan ng malalaki niyang eye bags at medyo malamlam niyang mga mata. Hindi na kasing sigla nuong una ko siyang nakilala ang mga mata niya ngayon. May ideya na ako sa mga posibleng dahilan pero gusto ko pa rin malaman sa mismong bibig nito.
BINABASA MO ANG
Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)
Teen FictionNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...