Chapter 22

79 9 0
                                    

NAMSHEN

Where the hell is he?

Napahilamos ako nang aking mukha habang iniikot ang buong Unibersidad. Gusto ko'ng humingi ng tawad sa mga nasabi ko, I know it's too offensive. Nadala lang ako ng inis dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ko naman intensyon na galitin siya, nadala lang talaga ako.

Hanggang sa pag-uwi ko ay hindi ko na nakita si Oyan. Wala akong nagawa bukod sa paulit-ulit na kontakin ang number niya. Nakaupo ako sa hagdan nang mag-ring yung phone ko. Mabilis ko iyon sinagot sa pagaakalang si Oyan ang tumawag pero hindi, it was Zild.

[ Emerald, I just want to apologize for the attitude I have when you're with me. I didn't mean it, sorry. ]

Hindi ako nakasagot at dahan-dahan na pinatay ang tawag. Wala akong gustong sabihin bukod sa dumistansya muna.

Pabagsak kong hiniga ang sarili sa kama at tahimik na pinagmasdan ang kisame.

"Where the hell are you, Oyan?" Pabulong kong tanong bago pumikit at pilit na dinadama ang lamig ng aircon na tumatama sa aking balat.

"Emerald.." Mabilis akong dumilat nang marinig ko ang boses ni Zild. Akala ko ay panaginip lang ang lahat pero it was not. Lumipas na pala ang isang gabi na parang pagkisap lang ng aking mata. It was too fast. Ngayon, I'm here again sa harapan ni Zild and act like nothing happened yesterday.

Tiningnan ko lang siya bago muling ibinalik ang atensyon sa librong hawak ko. Ayokong may masabing hindi maganda dala ng problema namin ni Oyan. Napansin niyang wala akong balak na pansinin siya kaya hindi na siya nagsalita. Wala naman akong problema kay Zild, sa paningin kasi ni Oyan ay meron. Ayokong lang makagawa ng gulo kaya didistansya na lang ako.

Wala kaming ibang pinag-usapan hanggang sa matapos ang session namin. Tinuturo niya lang ang gagawin ko, and then wala na muling kibuan.

Tumayo na ako para ligpitin ang mga gamit ko nang tumayo siya para tulungan ako pero mabilis ko'ng inagaw ang gamit ko. Halata ang pagkagulat sa mukha niya pero hindi na lang siya nagsalita.

"Thank you." Iyon lang ang salitang lumabas sa bibig ko bago mabilis na umalis ng library.

"Kumusta ang review mo para sa Nationals?" Masayang tanong ni Tintin. Huminto ako sa pagkain bago bumuntong-hininga.

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung sa pagrereview ba ako nahihirapan o sa mga taong nakapaligid sa akin." Seryosong sabi ko.

"Bakit mo kasi hinayaan na mamis-interpret ni Oyan yung pagvolunteer ni Zild?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Do you think gusto ko'ng maisip ni Oyan na para-paraan ko lang ang Nationals para mapalapit kay Zild? Gusto kong ipaintindi na hindi ko alam na si Zild ang magiging tutor ko pero ayaw niyang makinig." Paliwanag ko. "Although I tried my best to be calmed and gave my point. Hindi niya pinipilit intindihin dahil ang nasa isip niya ay 'Long-time crush ko si Zild'. So, I took advantage in the situation." I added.

Natahimik siya at napaisip sa sinabi ko. Mas kumunot ang noo ko ng ngumiti siya.

"Don't get me wrong pero hindi ko naman masisisi si Oyan kung bakit siya nagseselos. I get his point."

Hindi pa rin nawawala yung ngiti niya sa labi habang nakatingin sa likuran ko. Sinundan ko iyon ng tingin at medyo umawang ang bibig ko nang makita si Zild na may hawak na banner habang papalapit sa akin. Nakuha niya ang atensyon ng mga tao dito dahil isa siyang campus hearthrob. Nang makalapit siya ay saka ko lang napansin ang nakasulat sa banner niya. It is just a one word, 'SORRY'.

Seryoso lang ang mukha nito habang nasa harapan ko. Wala akong nasabi bukod sa pagkagulat na naramdaman ko.

Ghad! Anong ginagawa niya?

Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon