NAMSHEN
"Weh? Seryoso?" Hindi makapaniwala na tanong ko kay Mama matapos niyang sabihin na makakabalik na ako mamaya sa University.
Hindi ko alam kung good or bad news ba para sa 'kin an balita niya.
"Yes. Kaya mag-ayos ka na ng pag-aaral mo dahil huling warning na 'to ng Dean kundi ay kick-out ka na and you need to transfer in other University." Paalala niya kaya napatango na lang ako.
"P-pero.. Paano?" Nagtataka pa rin ako dahil ganoon kabilis napapayag ni Mama ang Dean para makabalik ako.
"You will know kapag dumating na ang boyfriend mo." Nakangiting sabi ni Mama na mas ikinaawang ng bibig ko. "Kumain ka na, Namshen." Utos niya ng mapansin na tulala ako.
"So, susunduin ako ni Oyan. Right?" Nakangiting tanong ko.
"Natural. She will be your superior sa exchange punishment na ibinigay ng Dean." Nanlaki ang mata kong tinitigan si Mama.
"Exchange punishment?" Hindi na niya ako sinagot dahil tumayo na siya at nagmamadaling nagpaalam para umalis na.
Saktong kakababa naman ng hagdan ng f*ckboy kong kuya habang inaayos yung necktie ng uniform niya.
"Kuya Nemo!" Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.
"Ano yung sinasabi ni Mama?" Kumunot ang noo niya."Anong sinabi? Hindi ko naman narinig." Maikling sagot niya.
"Yung Exchange punishment at si Oyan?"
"Ah iyon ba? Ibig sabihin, binago nung Dean yung parusa sayo sa pamamagitan ng pakikipagpalit sa iba. Ano ka ba, Nam? Simpleng english lang, nahirapan ka pa." Mapangutyang sabi niya kaya inambahan ko siya na hahagisan ng kutsara.
"Sira! Ang tinatanong ko ay kung bakit nadamay si Oyan. May alam ka ba?" Curious kong tanong.
Napanguso siya at napaisip.
"Mukhang wala nga." Napatango na lang ako at tumayo na para pumunta ng kwarto ng may maalala ako kaya nilingon ko siyang muli. "Nga pala, Kuya? Kamusta na si Tintin?"
Natahimik siya bago ngumiti.
"Ayos lang siya, Nam." Matipid niyang sagot. "Sige, Nam. Papasok na ako." Paalam nito na hindi na ako tiningnan muli."Anong problema niya?" Tanong ko sa aking sarili bago tumakbo sa kwarto para makapag-ayos na.
*Ding dong*
"Oo! Pababa na!" Sigaw ko dahil walang mag-bubukas ng pinto. Wala na naman kasi yung mga maid.
Nang makababa ay agad kong tinungo ang gate at binuksan iyon.
"Good morning." Masayang bati ni Oyan na ikinangiti ko."Ang aga mo ngayon ah?" Kunwari ay hindi ko alam ang dahilan.
Tiningnan niyang ako mula ulo hanggang paa saka mahinang tumawa.
"Hindi halata sayo na wala kang alam sa dahilan ng pagpunta ko dito."
Napakunot ang noo ko saka siya mahinang hinampas. Napansin niya kasi na naka-uniform na ako kahit mamaya pa ang pasok.
"Yung totoo, ano ba talaga yung pakay mo mr. Salavador? At anong yung sinasabi ni Mama?" Nakataas ang kilay na tanong ko habang nakapameywang sa harapan niya.
"Bago mo ako tanungin, try mo kayang papasukin ako sa bahay niyo." Biro niya kaya wala akong nagawa kundi luwagan yung gate at pinauna siya sa pag-pasok.
Nang makaupo siya sa sofa ay nahiga siya sa unan na nandoon kaya napacross-arms ako at tinitigan siya.
"Hindi ka ba nakatulog sa inyo?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Behind His Innocence -Behind Series #1 (COMPLETED)
Dla nastolatkówNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...