Chapter 11: Past

292 21 0
                                    

Chapter 11:

Past

Aeign

Saturday ngayon wala pa 'ding katapusan na practice sa basketball for coming in trams. Yung sana tulog ka pa talaga ngayon, kaso eto wala. Go for the gold kami makakalaban pa naman namin yung school nila Clow.

Balita ko si Jin yung team captain nila or should I say MVP nila. Pero paltos naman sakin yun kapag ako pa yung nakalaban nya. 'Wag lang talaga syang papakita sakin, loko sya. Bangas talaga mukha 'non. Tsk, 'di ko pa nakakalimutan yung nagawa nung gagong yun sakin.

Dahil sa kanya, ang 1st love ko, 1st girlfriend ko na halos naging mundo ko na inaagaw nya lang naman. At ang mas masaklap pa, niloko ka pa ng ex gf mo. Biruin mo yun sya pa yung pinili nya kesa sakin? Mga taksil.

Kapag naalala ko yang kabulastugan na ginawa nila, kumukulo yung dugo ko.

Lalo na sa kanya. 

Nagluto na'ko ng breakfast naming tatlo, kahit tulog pa yung dalawa. Pampalipas ko na lang din ng galit ko para mawala din kahit papaano. Bakit ko pa kasi naalala yung mokong na yun eh! Sinira na nya yung araw ko.

Nag paalam na sakin si Miggy na may lakad daw ata sya. Si Clow naman walang balak lumabas ng bahay. Ewan ko ba dun? 

"La~la~la~la. Lalala love and girls." Kanta ko habang nag luluto ako ng bacon. Hindi po ako bakla ah? Sadyang na-lss lang ako sa walang sawang kapapatugtog ng mga Girls Generation songs nito ni Clow.

Nang maluto na yung bacon ko, binuksan ko yung TV saka kumain na ng breakfast. Syempre, kailangang maging malakas. Ako lang naman ata ang pinaka magaling na MVP sa balat ng lupa. Haha!

"Walang sayo. . . kahit kelan hindi sya  naging sayo! At isa pa, hindi ko sya inagaw dahil hindi naman naging kayo."

Ayan lang naman yung commercial ng pagbukas ko ng TV. Agang-aga? Nice ang ganda talaga ng timing. Inilipat ko nalang yung TV sa ibang channel. Nakakainis yung kanina eh, hays.

"Sige mamili ka kung sino samin? Mamili ka?! Sabihing mong joke lang ang lahat ng to diba? Sabihin mo?!"

"Ano ba Mike! Hindi ito joke! Si Angelo ang pinipili ko! Hindi na kita gusto ni mahal! Patawad."

Nangaasar ba talaga sila? Anak ng tinapa hanggang dito pa naman daw ba? Ano? Wala ng matinong palabas na mapapanood dito sa cable ha? Hindi sa bitter ako. 

Nag-pa flashback lang talaga ang lahat ng mga kataksilan na ginawa nila. Naiinis ako sa kanilang lahat.

Hindi talaga ako bitter.  . . . 

Hinding-hindi. . . 

Hindi talaga. .

Hindi nga.

Oo na bitter na 'ko!

Spongebob na nga lang papanoorin ko. Mas maigi pa nakakamiss din manood nito.

"Alam mo Sandy, kung ano ang tinitibok ng puso mo. Ayun na ang sundin mo. Okay lang kahit bumalik kang Texas---"

Pinatay ko na yung TV nawalan na din ako ng gana kumain. Oo tama maliligo nalang ako. Badtrip ng umaga ko. Bwisit ka talaga Saavedra, bwiset. Agang-aga sinira mo araw ko!

"Makaligo na nga lang! Argh!" Agang-aga potek eto nalang lahat ng mapapanood. Miski si Spongebob, hugot din yung mga pinagsasabi?

"Haha! Tinatamaan ka 'no?" Anak ng tinapa. Kanina pa sya dyan? Nakaka gulat. Pang-aasar din sakin ni Miggy, habang nainom ng tubig.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon