Special Chap: Broken Vow

237 18 0
                                    

Special Chapter:

Broken Vow

Jin

Nag-alarm na yung alarm clock ko. Wah! Graduation day na ngayon, nakakalungkot.. sobra. Tumayo na ko at humarap muna sa salamin. Hmm, gwapo pa rin.

Bago ako tuluyang bumaba 'doon, may naririnig ako na konting ingay at tawanan. At dahil sa sobrang curious na nga ako, wala na kong ginawa kundi sumunod na rin sa baba.

Maya-maya lang din ay mag-aayos na ko. Napatigil ako sa kinalalagyan ko at nagulat ako sa mga nakikita ng dalawang mata ko. Anong ibig sabihin nito? Bakit sya nandito? And look sobrang saya nya pa with mom huh

Akala ko ba ayos na kami? Napatigil sila sa pagtawa ng mapansin nila ako sa may hagdanan. Agad nila akong pinababa at pinatabi kasama nilang kumakain sa dining area.

''Ma? Bakit sya nandito?''

Tumawa si Mama, ''Grabe ka naman anak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumawa si Mama, ''Grabe ka naman anak. Bawal na bang bumisita ang girlfriend mo?'' Nagkatinginan kaming tatlo.The heck na girlfriend sinasabi nya dyan? Tinignan ko si Rina nakatingin lang sa may baba at parang tila iniiwasan din yung mga tingin kong 'yon.

Uminom muna ako ng tubig bilang pagpapakalma. Agang-aga feeling ko unti-unting nasisira yung mood ko kay Mama. Nakakainis lang! ''Ma? I'm no longer his boyfriend... matagal na kaming wala.'' Cold kong sagot.

Tinignan ko yung reaksyon ni Mama---wala nakangiti pa rin. Ano na naman kayang nasa isip nito? May kutob ako na hindi maganda 'e. Tumawa sya, ''Sobrang laki naman pala ng problema ng anak ko o, problema ba 'yon? Edi pagbabalikin ko kayo. Ano masaya na?''

Sabi nya sabay gulo nung buhok ko. Tinignan ko sya ng masama sabay alis nung kamay nya na kasalukuyang nasa pisngi ko na. Tss, hindi na ko bata! ''Ano ba Ma? Hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan okay? I'm happy with Clow na kaya please,''

Tinaasan ako ng kilay ni Mama sabay ikot dito sa kinatatayuan ko habang magkapatong pa ang magkabilang kamay nya. Tinignan ko ulit si Rina nagkibit balikat lang din sya.

''Pano kapag sinabi 'kong pwede? May magagawa ka ba? Hahaha of course not Jin.. wala.''

Parang biglang nag-init 'tong magkabilang tenga ko sa narinig ko. Nanlaki ang mata ko at nakaclose fist na ko dito sa likod ni Mama. Hindi ako nakapagsalita sa huling sinabi nya.

Naiinis talaga ako. ''Bakit nga ba wala kang magagawa?'' She snapped her fingers while thinking. Parehas kaming nakatingin ni Rina sa kanya.

''Ahh! Oo nga pala kaya wala kang magagawa sa lahat ng gusto ko kasi.. unang-una na sa'kin yung credits mo, na sa'kin yung kotse mo, akong may hawak ng susi ng condo mo, ako at ako ang nagpapatakbo lahat ng luho mo Jin. Am I right?''

Naiinis ako na gusto kong umiyak at sigawan 'tong si Mommy. Pero kahit ganon may respeto pa rin naman ako sa kanya. Nanay at nanay ko pa rin sya. Si Rina napailing nalang sa mga naririnig nya.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon