Chapter 21: Bestie?

278 19 1
                                    

Chapter 21:

 Bestie?

Cloe

On the way na kaming pabalik ng school. Grabe sobrang saya ng 3 day stay-cation sa Tagaytay, kaso silang walo hanggang ngayon curious pa rin sa in-open kong topic sa kanila. Bakit ba kasi ang kukulit nila? Sinabi ko na ngang I was just opening an topic kasi sobrang bored ng moments at wala ng pinatutunguhan yung mga nangyayari sa sobrang tahimik.

Kung totoo ma 'yun o hindi. Nasaakin na 'yon. . . malalaman din nila yun soon.

Pero 'di pa talaga pwede ngayon. Natatakot pa kong sabihin sa kanila 'e sasabihin ko na sa kanila pag buo na 'tong feelings ko. Kapag sigurado na talaga ako, yung hindi nag-aalangan sa kung ano pa. Mahirap kasi 'yung padalos-dalos sa mga desisyon. Lalo na kapag. . . 

Kapag I think I was falling over him na talaga.

Sobrang ingay nila dito sa may bus habang nasa byahe. Nagkakatahan sila syempre kung ano yung seating arrangement ng papunta, ayun din yung pabalik. Kaya sa malamang si Jin pa rin 'tong katabi ko na dalawang araw ng cold sakin. Hindi ko alam kung bakit? Tsk, nagulat na nga lang ako 'e?

Tapos nung dumagdag si Kevin sa tropa namin feeling ko naman may gusto si Blessie sa kanya kitang-kita naman sa itsura tsaka mga kilos nya 'e. Patay na tayo dyan... may isa ng in-love sa'min. Ako? Hahaha! Wala pa kong alam dyan. Undecided pa nga hindi ba?

Yung akin infatuation palang. IN-FA-TU-A-TION. . . paghanga lang tapos.

Sa tatlong araw na yun ang daming nangyari sa'min. Nag boodle fight, bonfire, horse back riding, sky ranch tsaka madami pang iba. Iba talaga yung ka-bait-an na pinapakita sa'min ni Sr, bigla ko tuloy na-miss magkaroon ng Daddy.

Natulog muna ako sa byahe sa kabila ng pagtawa nila. Medyo OP din naman ako kasi 'di ako pinapansin ni Jin. 'E sya lang naman yung nagpapatawa sa may pwesto namin. Nagtakip nalang ako ng panyo sa mukha at nag earphones vi-nolumes up ko---yung wala na kong maririnig. 

Ganto ako 'e. Hindi ko na napansin na agad na rin naman pala kaming nakadating dito sa may school. May pasok pa ba ng lagay na 'to? 'E pagod kami sa byahe? Dumiretso muna kaming lahat sa may classroom namin.

"Nakakatamad pumasok kayo ba?" Tanong saming lahat ni Blessie saba'y hikab. Inaantok 'to kasi wala si Kevin. HAHA! Sa hindi namin nakasabay ngayon, nasa kabilang bus kasi ibang section sya. Kaya itong isa naman walang energy hays, Bless. "Oo nga e. Gusto ko ng umuwi," Walang ganang saba'y na sambit pa ni Dawn saka Aubrey.

Dahilan na para magtawanan naman kami. 'Yan pala nadudulot ng pagod tsaka antok nagkaka sabay tsaka iisa ng iniisip. Ako din 'e, gusto ko ng matulog. Pumasok na kaming walo sa may classroom at umupo na sa sarili naming upuan at inaantay ang mga sasabihin ni Ma'am Ann sa unahan.

"Guys kaya ko kayo pinatawag. I just wanted to say that na ang ganda ko. Haha!" Natatawang sabi ni Ma'am Ann sa'min. Halos lahat kami naka poker face lang sa sinabi nya. Medyo may pagka-komedyante din pala 'to si Ma'am eh? 'Di man lang nak-kwento sa'min. 

Tinignan ko sila Aubrey ayun nakabagsak ang ulo sa desk. Haha! Kawawa si Ma'am walang sumuporta. "Haha! Grabe kayo sa'kin biglang tahimik ganon? Pero kidding aside, gusto ko lang sabihin sa inyo na pwede na kayong umuwi. Wala tayong class ngayon dahil sa mga pagod tayo pare-pareho. Kaya sige na pwede na kayong umuwi," 

"WOHOO! LOVE YOU MA'AM. PERO HINDI PA RIN KAYO MAGANDA!" 

Nagulat naman si Ma'am sa inasta naming lahat. Sila Blessie na nakatungo sa may desk biglang tayo sabay nag sisi-sigaw. This time si Ma'am naman yung napa poker face sa'min. Nakakatawa yung reaction nya.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon