Chapter 41: Sealed with a kiss

195 17 1
                                    

Chapter 41:

Sealed with a kiss

Cloe

Matapos yung fireworks display na inihanda sa'kin ni Jin bumalik ang lahat sa may loob. Nagsayawan pa ang lahat at bigayan pa ng regalo sa'kin, small talks with the gals ga'non.

Doon ako umupo sa may table nila since nag play naman yung DJ na parang pang-club yung mga tugtog. "Wow 18 na sya! Hahaha legal ka na!" Masayang bati nitong ni Blessie sa'kin dahilan na magtawanan naman kami.

"Oo nga e! Sa susunod kayo naman na. Pero thank you sa lahat ah!" Sambit ko sabay tingin sa kanilang lahat. Napansin kong napailing 'tong si Lance na kasalukuyang katabi ni Bless ngayon.

"No, wag kang mag thank you sa'min 'don ka sa King mo mag thank you." Ngumuso si Lance matapos nyang sabihin 'yon. Napatingin naman kami kung nasan yung direksyon ni Jin ngayon.

Napansin naming kausap nya yung iba naming mga pinsan, Tito tsaka Tita. Ano kayang pinag-uusapan nila at mukhang masinsinan pa? Na cu-curious tuloy ako.

"Oo nga e. Hinding-hindi ako magsasawang magpasalamat sa kanya. Hindi ko alam kung gano ako ka thankful sa kanya."

"So sasagutin mo na ba?"

Diretsahang tanong ni Aubrey. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Lahat sila nakangiti at tila inaantay yung isasagot ko. "Dadating din tayo dyan. Haha! 'Wag atat please?"

"Concern lang kami. Wag mo syang pag-antayin ng matagal na ko. Alam mong may hanggan lahat ng tao." Singit naman nitong ni Kate. Lahat kami napantingin sa kanya. Wow naman yung debut ko napunta na sa advice 101.

"Oo alam ko 'yon. Pero ayoko na masyadong mag padalos-dalos sa lahat ng magiging desisyon ko. Natuto na 'ko." Natahimik kaming lahat. Nagkatinginan din silang lahat, matapos 'yon parang may dumaan na anghel dito sa buong table namin.

Ilang minuto lang nabuhayan ulit ang tropa ng biglang nilabas ni Dawn yung isang paper bag galing sa likod nya. Ano naman kaya 'yon? Halos lahat kami nagkatinginan at wala miski isa ang nagsalita.

"Here.. sorry ito lang yung gift ko sa'yo. Take my offer." Halos lahat kami sinundan lang ng tingin yung inabot sakin ni Dawn. Inaalog-alog pa ko nitong nila Aubrey dahil excited pa silang magbukas kesa sa'kin.

"Woah." Halos lahat kami na amaze sa kung anong nakita namin sa loob ng paper bag. Ganda shems! Ang yaman talaga nito ni Dawn! "Chanel bag! Woah, thank you Dawn! Huhuhu, nadagdagan na naman collection ko."

Umiling sya sabay smile. "No worries, welcome. Next time Gucci naman, hehe. I'm so glad nagustuhan mo, kay Mom ko pa kasi pinabili 'yan."

"Okay. Ako naman next!"

Sigaw nitong ni Amy. Halos lahat din kami napatingin sa kanya. Laking pagtataka naming lahat ng abutan nya ako ng.. "Susi?" Tumango sya, "Bakit 'di mo ba nagustuhan?" Umiling ako pero hindi pa rin nagbabago 'tong emosyon ko.

"Hay na ko. Ano ba naman kayo, alangan naman ibigay ko susi ng closet ko? Malamang sa kotse 'yan. Tsk" Confident nyang sagot sabay inom nung wine with matching iling pa.

Halos lahat kami literal na napanga-nga. Wow lang just wow! "K-kotse? Binigyan mo 'ko ng kotse? Wow! Thank youu!" Naiiyak kong sambit. Nagpalakpakan naman silang lahat.

Next naman na naglapas ng regalo nya si Aubrey. "Hindi man 'to yung tipong kasingmahal ng mga nauna mong natanggap Clow. Pero sana matuwa ka dyan." Binigay nya din sakin yung isang box na nakabalot sa pink at may pink ribbon din sa may itaas.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon