Chapter 10: Babe

336 23 0
                                    

Chapter 10:

Babe

Cloe

Grabe ang bilis, 2 bwan na yung nakalipas simula ng kami yung mapili ni Jin. Ang dami na 'ding nakakakilala sakin sa school. Ang dami din gustong makipag friends. Sobrang saya ko lang talaga na sa dinami-dami ng mga muse and escort ng buong 3rd year kami pa yung nanalo. Hihi, cheers!

Sa isang bwan na yun sobrang dami na ring nangyari. Yung mga friends ko ayun may sari-sarile ng mga crush. Active din lahat yung mga officers sa mga activities. Sobrang close narin yung mga kaklase ko.

Pero di ko na aasahan na mabago pa yung ugali nila Steph. Eh, everytime nga na magsasalubong lang yung mata namin o kahit anong gawin ko. Init nang dugo nila sakin.

At sa loob ng dalawang bwan na 'yon sobrang saya ko kasi naging magkaibigan na rin kami ni Zackrey, hehe. Biruin mo nga naman yung dating pinapangarap mo 'e close friend mo na?

Haba ng hair ko!

Sabi kasi ni Mama 'e dalawa daw meaning ng crush. Isang inspiration at isang distraction.

Oo masarap mag-karoon ng inspiration. Sino ba namang hindi matutuwa. Gaganahan ka sa mga bagay, pero kapag hindi napansin na De-destruct ka na pala. In the end, ikaw din kawawa.

Okay, hugot naman ako dun. Haha! Saturday ngayon, nakaka boring naman wala rin kaming assignments. Ano naman kayang pwedeng gawin?

Yung mga kaibigan ko naman may mga sariling lakad ng family nila. Eh ako nga-nga? Si mommy hindi pa din bumabalik sa bussiness meetings namin since last last month pa. Next week pa sya babalik. Hays nakakamiss.

Si kuya, nag pa-practice sila ng basketball para sa intrams. Si Miggy ayun may lakad din. Musta naman ako diba? I'm forever alone.

Paikot-ikot ako dito sa kama eh. Sa wala akong magawa eh. Wala din akong gana kumain. "Arrrgh! Nakaka bagot!" Ay! Kung ilakad ko nalang kaya si Sushi sa park? Oo nga tama, lilibangin ko nalang yung sarile ko.

Self-treat ganon

Nagbibihis nako ng nag-beep yung phone ko.

1 message receive

From: Jin

Good morning! May ginagawa kaba? Yayain sana kita? Hehe, kung okay lang. Textback! :)

Lord, sorry sa kadramahan ko ngayon ah? Agang-aga, hehe. Pero thank you naman ah, may nag isip din yayain ako. May plano lang naman akong libangin yung sarile ko/namin. Kasi katatapos lang ng hell week. Kaso na unahanan na ko ng mga friends ko.

Eh saan naman kaya kami pupunta kung ganon? 'Di naman kaya akward yun, kaming dalawa lang? Pero wala naman sigurong masama at malisya to diba? Okay. Sige sasama ako sa kanya. Gusto ko lang talaga mag-mall eh. Ni replay-an ko na sya baka nag-aantay siya ng sagot ko eh.

To: Jin

Good morning din! Sige sasama ako sayo. Saan tayo mag kikita? Thanks text back din! :)))

Hindi naman ako excited saka sobrang saya sa mga panahong ito ano po? Tapos kumuha na'ko ng damit. Tsaka maliligo na rin. Papasok na sana ako ng cr ng biglang nag-beep yung phone ko.

From: Jin

Susunduin kita dyan.

Ang tipid sa load ah. Pero wait, susunduin nya daw ako? Nag-tataka talaga ako sa kanya bakit ang gaan ng loob nya sakin, alam nya bahay namin? Stalker ko kaya sya? Assuming ko naman.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon