Chapter 3: His Other Side

487 29 0
                                    

Chapter 3: His Other Side

Cloe

Syempre lahat napanga-nga nang marinig nilang lahat 'yon na galing sa bibig ko. Sorry not sorry. And obviously pikon na pikon na talaga sya. Hahaha, buti nga. But it was 1 week ago.

Sa loob ng isang linggo na 'yun sobrang daming nangyari. Siguro mas lalo nga lang dumami yung mga taong galit sakin kasi day by the day hindi ko maiwasang hindi mailang kay Jin dahil panay ang lapit sakin.

Madami na ngang nag-aakala na boyfriend ko sya 'e. The heck na magkagusto ako sa mayabang na katulad nya? Hell no. Ngayon buti naman at tapos na yung last subject namin this morning kaya pwede na kaming kumain.

''Uy, tara na!''

Nagulat ako ng biglang may nag-salita dito sa may likod ko. Napatigil ako sa pagpasok ng mga notebooks sa bag ko nang tignan kung sino yung nag-salita na 'yun. Laking gulat ko ng makita ko kung sino 'yun.

Si Jin.

Hay, bakit pa nga ba hindi ako nasanay? Araw-araw nga pala kaming magkasama nito. Nakaka-inis lang, pati mismong tropa ko inaasar na 'ko na kesyo nawawala na daw yung oras ko sa kanila dahil mayroon na'kong Jin. Wow, drama.

''Saan naman aber? Kung saan man 'yang balak mo hindi ko mapagbibigyan 'yang gusto mo okay?''

Nag-pout sya dahil sa sinabi ko at umupo 'doon sa may gilid ng upuan ko. Nakatingin lang sya sakin, 'di ko alam kung nagpapa-awa or cute na ewan e. Basta hindi bagay sa kanya! Geez.

Mag-sasalita palang sana sya para depensahan ako bigla nang dumating yung buong tropa na hindi ko alam kung saang lupalop ng galing na hindi ko man lang alam. Nice we're squad goals. :)

''Hep-hep! Kayo nanaman mag-kasama? Jin pahiram mo naman si Cloe samin kahit ngayon lang dali na! Miss nanamin kaibigan namin 'e, right Clow?''

Akbay naman sakin nitong ni Amy sabay taas baba ng kilay nya na parang bata dito sa harapan ko. Nung una naguguluhan pa ko sa kinikilos niya--- pero I just realize na may pinupunto pala talaga yung mga tingin nya. 

''A-ahh. Oo, saka Jin gaano naman ka-importante 'yang sasabihin mo sakin at hindi mo pa masabi dito sa harapan namin ngayon?''

Tumayo sya sa kinauupuan nya at agad na pumunta sa may direksyon nitong ni Aubrey ano naman kaya 'yung binulong nya? Pansin din namin yung itsura ni Aubrey na wagas kung makangiti saka tawa? Ano kaya 'yon?

''Oy, ano ba 'yang pinagbubulungan nyo dyan! May tao pa dito sa harapan nyo 'o!''

Parehas silang nagulat napatingin sa direksyon ko. Bakit! Tama naman diba kung magbubulungan lang pala sila dapat sa tago nalang, hindi yung ipapamukha pa nila samin na may sikreto silang dalawa. Tss

Tumingin silang dalawa sakin ng mapanloko ano naman ibig sabihin nung mga 'yon? Miski isa wala padin nag-lalakas loob ng bumasag ng katahimikan. Kami nalang 'din kasi yung natira sa room 'e.

''Bakit nagse-selos ka?'' 

Natatawang tanong ni Jin sakin, nilibot nya 'din yung tingin nya sa buong OT tapos nagsitawanan 'din sila. Hala! Nagsama-sama ang mga baliw. Saka teka-- anong sabi nya? Ako nag-seselos? 

''What--me?! Duhh kilabutan ko nga!''

Depensa ko sa kanya sabay hagis nung isa kong notebook. Mas lalo lang silang natawa dahil sa ginawa ko. Nye nye. 

''Hahaha sige na nga. Oo na guys papahiram ko na sa inyo si Clow basta mamayang hapon ah. Ibabalik nyo sakin 'yan, haha joke. Ge bye! 'Oy Aubrey ah!''

Sabi nya sabay kindat dito kay Aubrey natawa lang si Aubrey sa inasta nya. Okay sila lang po nagkaka-intindihan. .__. 

Saka anong sabi nya mamayang hapon ibabalik nila ako sa kanya? Ano sya sini-swerte saka anong tingin nya sakin tuta na pwedeng hiramin at ibalik? Baka gusto nyang mapuruhan ng 'di oras ngayong araw. 

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon