Chapter 38: Night Changes

187 17 0
                                    

Chapter 38:

Night Changes

Cloe

1 year ago

Nagising nalang ako ng nasa sarili ko na nga palang kama ko ako nakahiga. Hindi ko na masyadong napansin yung oras. 2:30 na rin pala ng hapon. Sobrang pagod ko dalawang araw na kong puyat.

Nung una 5:00 na ata natapos yung Christmas party kila Kevin. Tapos kahapon naman yung kila Lance quarter to 3:00 na. Ang pinagtataka ko lang sa dinami-dami ng mga nangyari kahapon sa party, mas tumatak at hindi ko nakalimutan yung sinabi ni Tita na si Rina daw.

Yung nawawala nyang anak.

Halos lahat nagulat 'non. Si Lance, si Rina parehas silang naguguluhan. Dahil nga sa lahat ay naghahanap ng sagot lalo na yung dalawa. Wala na 'ring nagawa si Tita kundi i-kwento ang lahat.

Na sinabi nya na si Rina ay Alexa talaga ang totoong pangalan. Pinaampon daw ni Tita si Rina, este Alexa pala sa isang mayaman na pamilya. Dahil daw sa hindi nya kayang palakihin ang dalawa ng sabay dahil that time.

Walang-wala daw talaga sya nung panahon na yun dahil kamamatay lang ng papa ni Lance. Napansin kong lahat nung nasa party naluha, habang kini-kwento ni Tita yun. Ako din, feeling ko nakikita ko lahat ng paghihirap ni Tita noon.

Para nga makasiguro si Tita kung si Rina daw ang totoong Alexa na 'anak' nya tinanong ni Tita kung alam daw ni Rina ang lahat sa buhay nya. Nagulat kami ng sabihin nyang 'opo' na mas lalong kinagulat nila Jin at Lance.

Tinanong ko naman sya kung pano nya nalaman, ang sabi nya lang inamin na daw sa kanya yun ng Mom and Dad nya (kung sino yung umampon) sa kanya ang lahat.

Tanggap nya naman daw ang lahat. Pero inamin nya din ang totoo na hindi nya hinahanap ang totoo nyang mga magulang. Hindi pa raw sya handa para harapin ang lahat. Yung feeling na nauwi sa iyakan lahat yung Christmas Party kahapon.

Mabalik nga ngayon, nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong lumabas ng kwarto ko. "Galing si Cedric dito ah?" Nagulat ako ng biglang bumungad si Kuya sa'kin habang nakuha ako ng tubig sa may ref.

"Then?" Walang gana kong sagot sa kanya sabay inom ng tubig ko. Nakita ko naman na nagulat sya sa inasta ko. "Anong then? Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi mo ba tatanungin kung anong ginawa at sinabi nya sa'kin?"

Natigil ako sa pag-inom ko ng tubig. 'Wag nyang sabihin nagsumbong sya kay Kuya? "May sinabi sya sa'yo?" Gulat kong tanong. Tumango lang si Kuya. Boto pa naman 'to si Kuya kay Cedric.

Kaya kahit anong sumbong ni Ced kay Kuya ako yung napapagalitan. "Sorry na raw, tsaka lalabas daw kayong dalawa mamaya susunduin ka nya. Kaya mag-ayos kana." Utos nya sakin.

Umiling lang ako, ayoko ngang sumama. Bahala sya dyan sa buhay nya. Laking gulat ko nalang sa kabila ng pag-inom ko ng bigla ako niyakap ni Kuya sa likod ko. "Please baby girl. Pumayag ka na, hindi mo ba alam na umiyak sya kanina sa'kin?"

Kumawala naman ako sa yakap ni Kuyang 'yon sabay tingin sa kanya ng diretso. "Umiyak? Kuya, ayoko muna lagi nya nalang akong pinaghihinalaan 'e," Sagot ko. Lately lagi na kaming nag-aaway ni Cedric samantalang wala naman akong nakikitang rason para magselos sya?

"Cloe, swerte mo pag-iniyakan ka ng lalake. It means you are very important and special to him. Kaya wag mo ng pairalin yang pride mo bihira nalang ako makakita ng lalaking katulad nya." Nginitian ako ni Kuya sabay gulo nung buhok ko.

Umakyat na sya papunta doon sa kwarto nya. Napahinga ako ng malalim, pumunta ako sa sofa kinuha ko yung chips saka binuksan ko yung TV. Sa kabila ng panood ko dito biglang nag-ring yung phone ko.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon