Chapter 9:
Unexpected
Jin
Sobrang saya ko na hindi ko ma explain. Yung kahit transferee ka hindi pinapa kita nila sayo ng others ka.
Sobrang warm ng welcome nila sakin dito sa school ni dad. Lalo na sa section III-A ngayon. Sobrang saya ko na hindi ko naranasan sa SJMH.
Ngayon it's 2nd week of class. Sobrang saya ko din sa class officers kahapon. Kahit sa itsura ni Clow 'di pa din nag si-sink in sa kanya na muse sya at ako ang escort nya. Haha
On the way na ko sa room. Nandito na ko sa hallway. Pero bakit ang daming tao sa may harap ng bulletin board?
Lahat ng taong makakasalubong ko nagtitinginan sakin. Tapos nag bubulugan. Ahh sanay na ako dyan. #pogiproblems hehe. "Uyyy pare, alam mo na ba?" Bati sakin ni Lei, ka-team ko sa basketball.
''Ano yun pare?" Wala parin talaga akong idea. Kilala nyo yung clueless.. ako yun eh.
Ako
"Tignan mo nalang doon 'o. By the way congrats! Una na ko may class pa ko e." Sabay turo sa direksyon ng bulletin board. Tapos tumakbo na sya.
Tinignan ko yung orasan ko. Hala! 2 mins. Before bell, male-late na ko! Patay ako nito kay Daddy.
Hindi ko na natignan kung ano man yung andoon sa may bulletin board. Tumakbo na ko eh wala na akong pake eh sa male-late na kaya ako. Eksaktong bell nakarating nako sa harap ng pinto.
"Sorry ma'am I'm late." Dalawa yung boses ko? Pero sino yung kasabay ko? Si Clow, kita kong hingal na hingal din sya. Saan kaya galing to?
"It's okay. You may take your seat." Sabi ni ma'am tapos umupo na din kami. Hindi pa nga ako tuluyang nakakaupo ng maayos sa upuan ko ng asarin nanaman nila kami.
"Uy! Kayo ah! Saan kayo galing? Bakit mukang hingal kayo pareho..pinagpapawisan at late ah?" Sigaw ni Baron.
"Anong ginawa nyo? Kayo ah!" Sigaw rin ni Jaydee. Aba gago 'tong mga to ah. Kung ano-anong pinag iisip. Tinignan ko nalang sila ng masama tapos umupo na din ako ng upuan ko.
Ayaw ko nalang silang patulan baka ano pang magawa ko eh. Ayaw ko ding masira image ko kay dad 'no, tsk. Saka wala rin naman akong mapapala sa kanila.
"Magsitigil nga kayo dyan!" Woah just woah. Si Clow ba talaga 'to? Nakaka-takot ah tinignan ko sila Baron saka Jd yun tameme. Haha! Wala pala sila 'e. Seriously, si Clow palang 'yan?
"Clow, what's going on?" Nagulat si Ma'am sa nangyari kasi nag susulat sya ng notes nung bigla sumigaw si Cloe.
"Eh sila kasi ma'am eh! Sorry po." Sabay turo dun kila Baron tapos ang sama din ng tingin nya. Yung anytime pwede ka ng tuklawin.
"Keep calm, don't mind them nalang." Pagpapakalma ni Ma'am. Umayos na ulit sya at nagpatuloy na sa pagsusulat. Naglabas na rin ako ng notebook para umpisahan ang notes ko.
"Umayos-ayos lang kayo ah. 'Di pa tayo tapos."
Bulong ni Cloe alam ko namang sila Jd yung pinagbabantaan nya. Tapos naka deadly glare padin sya dun sa dalwang mokong na yun. Ayan tsismis pa more.
"Hahaha buti nga, '' bulong ko. Hindi ko napansin na nakatingin narin pala si Clow sa direksyon ko. Nakaka takot sya grabe. Baka isipin nya sya inaasar ko. Ugh, wrong move!
>_<
"Anong tinatawa-tawa mo dyan ah?" Sobrang tapang na tanong nya. Uh-oh! Tanging paglunok nalang ang nagawa ko.
BINABASA MO ANG
[Book 1] Something that We're Not (Completed)
RomanceFalling in love in the wrong-expected person. Is a really BIG MISTAKE. Nagbigay ng motibo. Na-fall. UMASA. In the end. Na-sak-tan "Did forever... still exist?" Parang kayo na hindi kayo. Nagseselos ka, kahit wala kang karapatan. Nagseselos sya ka...
![[Book 1] Something that We're Not (Completed)](https://img.wattpad.com/cover/29508079-64-k504642.jpg)