Chapter 35:
Long Lost Love
Cloe
"Grabe talaga yung nangyari kagabi! Nakaka kilabot sayang lang talaga wala ka you've missed everything." Parang batang nagsusumbong na sabi ni Kuya na kasalukuyang nandito kaming dalawa sa may kama ko.
Yup, magkasama kami. Pano ba naman gisingin ba naman daw ba ko ng 6:00 ng umaga para lang i-kwento sa'kin lahat? Seriously? Hays, kung alam lang nila. Tumalikod ako sa kanya at humiga ulit sabay agaw nung kumot.
"I know everything. Kahit hindi mo na ikwento."
Walang gana kong sagot sa kanya. "Alam mo lahat?!" Gulat na tanong nya sa'kin. Dahilan na mapaupo ako ng maayos sa may kama ko. What did I say? Wrong move! Hindi ko dapat sinabi 'yon!
Napakagat labi ako habang nakahawak pa rin dito. Hinawakan ni Kuya ang magkabilang braso ko at hinarap ako sa direksyon nya. Inalog-alog ako, "Anong sabi mo? Alam mo lahat..it means pumunta ka kagabi?" Pangungulit nya pa.
Ugh, pano ba 'to?! Umiling-iling ako, "Ah-ano? H-hindi no!"
"Eh, paano mo nalaman? Tapatin mo nga ako? Um-attend ka nga?"
"H-hindi nga! Kulit mo talaga! Kaya ko lang nalaman kasi... ah oo! Kalat na sa facebook!" Pagpapalusot ko pa habang 'di makatingin ng diretso sa kanya. Tumayo na si kuya at parang hindi pa rin satisfied sa sinagot ko sa kanya.
Itsura 'e? "Hmm. Panindigan mo 'yang sagot mo ah. Sige na maghahanda lang ako ng breakfast tapos labas tayo, treat ko." Walang gana nya pa 'ring sagot sabay labas na ng kwarto ko.
"Pwew." Muntikan na 'yon ah. Speaking of trending agad kong kinuha yung phone ko sa ilalim ng unan ko At ni-check ko talaga kung pinag--uusapan nga sa facebook yung mga nangyari kagabi.
Shocks.
Sobrang trending. Wala na kong mabasang ibang comments tsaka post kung hindi puro ayun lang. Tapos yung iba naka-tag pa ko.
l Grabe Queen! Hindi mo nakita ang lahat ng mga nangyari!
l Sayang hindi pala talaga ikaw kasayaw ni King kahapon? :( Miss ka na namin Queen.
l The mystery girl behind the mask. Hmm, may kinalaman kaya si Queen dito?-- with Cloe De Leon
"S-syempre wala!" Sigaw ko habang nakatitig pa rin 'don sa may phone ko. "Hoy! Sinong kaaway mo dyan?" Nag-aalalang tanong ni Kuya habang katok ng katok sa may pinto.
"Ah. Wala! Nadadala lang ako sa pinapanood ko." pagpapalusot ko pa. Tss, agang-aga palang ang dami ko ng agad kasalanan. "Tss. Maligo at mag-ayos ka na nga, tapos bumaba ka na dito para mag-almusal. Then, diretso na tayo alis. Maliligo na rin ako." Utos nya sa'kin.
"Kuya sama!" Sigaw ko habang nagpipigil pa rin ng tawa dito. "Sasama ka naman talaga ah? Diba sabi ko 'siblings bond?'"
Pilit ko pa rin pinipigilan 'tong pagtawa ko dito. Hahaha! Can't help it, whoo! "Hindi 'yon!" Hindi ko pa rin mapigilan 'tong sarile ko kakatawa. "'O saan naman?" Ano ba naman 'to ang slow nya. Sobra.
"Sa ligo, hihi."
Pang-aasar ko pa sabay hagalpak ng kakatawa dito. "Gaga ka talaga! Kumilos ka na nga dyan baka iwanan pa kita dyan!" Nalaglag na nga ako dito sa kama kakatawa pa rin e.
Ganto ba nadudulot ng paltos ang paa at nakailang tapilok kahapon palabas ng gym? At ang mas malala pa 'don, lumagpas pa yung paghinto nung taxi sa'kin kagabi. Nakakainis!
BINABASA MO ANG
[Book 1] Something that We're Not (Completed)
RomanceFalling in love in the wrong-expected person. Is a really BIG MISTAKE. Nagbigay ng motibo. Na-fall. UMASA. In the end. Na-sak-tan "Did forever... still exist?" Parang kayo na hindi kayo. Nagseselos ka, kahit wala kang karapatan. Nagseselos sya ka...