Chapter 40: #18th

199 17 0
                                    

Chapter 40:

#18th

Jin

Natapos na yung concert ngayo. Grabe inabot na kami ng madaling araw pero worth it naman. Sobrang enjoy nitong kasama ko. Yung feeling na parehas full yung phone naming dalawa dahil sa pictures nila sa backstage kanina.

Ngayon palabas na kami ng venue at papunta na sa parking lot. Habang naglalakad kami papunta sa kotse parang wala sa sarili 'tong kasama ko. Naglalakad nakatulala na ang laki ng ngiti sa mga mukha habang nakahawak yung kamay sa pisngi?

Haay, grabe nagawa sa kanya nung Yeol na 'yan ah. "Hoy tignan mo nga 'yang daanan mo," Utos ko, baka kako kasi matisod or what hindi na natingin sa may daanan saan-saan na napadpad yung utak.

"Cloe! Huy!" Agad syang nabalisa at natauhan kung hindi ko pa laksan yung boses ko hindi pa babalik sa katinuan 'to. Humarap sya sa'kin kasama ang sobrang laking ngiti sa mga mukha nya.

Nakakatuwa bumalik na sya sa dati. Sana 'yang happiness nya hindi lang valid for one day. "Waaaah! Thank you talaga my King! Sobrang saya ko grabe!" Masaya nyang sambit sabay yakap sakin nitong babaeng 'to.

Te-teka ano nya daw ako My King? Feeling ko namula yung magkabilaang pisngi ko nang dahil sa narinig ko. At the same time nakaramdam din ako ng kaba. Umiling-iling ako at hindi nagpadala sa ano mang emosyon.

Dahil sa tingin ko hanggang 'thank you' lang talaga meaning 'non para sa kanya. "A-ano ulit 'yung sabi mo?" Nauutal kong tanong. Hindi kasi talaga ako mapalagay. Hindi din ako makatingin ng diretso sa kanya.

"My king! Bakit may masama ba 'don?" Tanong nya habang nagpapadyak dito sa harapan ko. Oo nga naman may masama ba 'don? Siguro sa kanya wala pero sakin oo, kasi bi nig-deal ko e.

Umiling nalang ako sa sinabi nya at agad na pumasok sa may loob ng kotse. Hindi ko maintindihan bakit ganto inaasta ko, bigla akong nailang. Napansin kong sumunod na pala sya sakin sa may loob.

Agad syang umupo at sinandal ang katawan nya. "Uy! Bakit may nasabi ba ko? Ang gulo naman e." Umiwas ako ng tingin. Oo mood wrecker na kung tawagin nya! E sa hindi ko din alam kung anong nagyayari sa'kin.

Hindi ko na narinig yung iba nya pang mga sinasabi pagkatapos kong tanungin kung seryoso ba sya sa pagtawag nya sakin ng My King. Natauhan nalang ako sa mga huli nyang sinabi bago sya tuluyang makatulog ang...

"Lubos mo kong napasaya."

Huminga ako ng malalim. Ano na naman ba 'tong nagawa ko? Humarap ako sa kanya ang amo ng mukha nya kapag tulog. Malayo sa napakadaldal, maingay, makulit, amazona.

At malayo din sa Cloe na mahina, lampa pagdating sa paghandle ng mga problema. Sobrang pagod nya na siguro 'no? Napangiti ako dahil hanggang sa kanyang pagtulog bakas pa rin ang tuwa na nabigay ko sa kanya.

Inalis ko ang mga ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha nya ngayon. Mas lalo syang maganda kapag ganyan. Mas maganda syang titigan kapag ganyan. Ganda nya talaga.

Sino ba namang mga lalaki ang hindi magkakagusto sa kanya? Agad ko na rin namang pinaandar ang kotse ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga taong nakapalibot sa kanya, oo sobrang sikat nya na.

Kaya hindi ko maiwasang hindi ikumpara ang sarili ko sa ibang tao na nagmamahal at nahanga din sa kanya. May mas better kaya sakin? Yung mas deserving nya kesa sa'kin?

May mga lalaki kayang kaya higitan lahat ng efforts na nagawa ko kay Clow? Yung kaya 'ring higitan yung pagmamahal ko sa kanya? I admit, I think I love her better now.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon