Chapter 19: Tagaytay Bound

278 17 4
                                    

Chapter 19:

Tagaytay Bound

Blessie

"May kulang pa ba? Aalis na tayo mayamaya," sabi sa 'ming lahat nitong ni Ma'am. Eto talaga yung pinakaaantay naming lahat 'e. Pagkatapos ng nakakadugong unit test kahapon. Mag mi-mini bakasyon kami just for one day treat ni Principal Spencer. (Papa ni Jin)

"I-text nyo na kung sino pang wala, para 'di sila maiwan ng bus mamaya." Dagdag pa ni Ma'am. Yes! We're going to party. . . wuhooo! Nasan na kaya yung pito hanggang ngayon seriously wala pa sila? Ma-text ko nga.

To: OT8

Yah!  Asan na kayo? Mayamaya aalis na rin yung bus, bilisan nyo!

Oo ako na bossy sa 'ming walo, 'di ko ba alam bakit kasi babagal kumilos nung mga yun 'e. Ako? Ayoko ng nahuhuli--- gusto ko lang on time. Sumandal muna ako doon sa isang tabi. Tumabi ako doon sa isa kong kaklase, wala akong makausap 'e. Nang biglang may humarang sa harapan ko.

"Alone? Haha!" Sabi ni Steph kasama nya lang naman yung mga alipores nya. Buhay pa pala 'tong bruha na 'to? Problema nya sakin? Porket mas maganda lang kami sa kanya ni Clow ginaganyan ganyan nya na kami? Ay! Kawawa naman pala talaga sya kung ganon?

Tinignan ko sya ng may pagtataray din. Hindi dapat sya bina-bait-an, ayokong makipag plastikan sa kanya. At lalong hindi ako plastik 'no. "Bulag ka ba o sadyang nag bubulag-bulagan lang?" Mataray kong tanong sa kanya, sabay hawi ng buhok ko mismo sa harap nya.

Nako 'wag na 'wag nya akong uumpisahan, baka makalbo yan ng 'di oras. Hindi nya ba alam kung ga'nong nakulo 'yang dugo ko sa kanya? Pwes papaalam ko sa kanya.  "What did you say? Ako tinawag mong bulag?" Hysterical nyang tanong. Parang timang parang yun lang sinabi ko sa kanya?

Kung maka pag react wagas? "Pwede ba? Wag ka ngang OA dyan?" Inis kong sabi sa kanya sabay harap sa phone ko. Tinigtignan ko kung may nag reply na ba sa kanila kaso hanggang ngayon wala pa din. Anong nangyari 'don?

Wala pala akong signal. Tumayo ako at umalis na doon sa pwesto ko nang bigla nilang harangan ang dinadaan ko. "Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos." inis na tanong nya. Tinignan ko sya nang naka taas pa din yung kilay ko. "Stalker ba kita? It's not of your business, bitch."

"Kapal mo naman 'te? Ako pa tinawag mong stalker mo? Haha! In your dreams." Natatawang sabi nya. "Oo ako na makapal, atleast ako kumakain. Kumpara mo naman dyan sa katawan mong patpatin. Haha!" Maangas at natatawa ko pang sabi sa kanya. "Give my way!" 

Tinignan lang nila ako. Aba, ano nagmamatigas sya dyan? Hindi porket madami syang fans dahil dyan sa kaartehan nya 'e, matatakot na ko sa kanya? Nek-nek nya. "Ano?  Sabi kong dito ka lang 'e! Hindi pa tayo tapos!" Sigaw nya sabay hila sa damit ko. 

Nagulat naman ako sa ginawa nya. At humarap at pumunta ako sa pwesto nila ng maangas. "Ano bang problema mo ah?" Sigaw ko sabay tulak sa kanya. Nakakapuno na 'e! "At bakit gustong gusto mong malaman kung saan ang punta ko? Manila zoo, sama ka 'te?''

 "Bakit?"

"Ibibigay na kita sa mga kalahi mo!"

Pasalamat pa sila medyo mabait pa ko. Mataray lang ako saka palaban, 'e paano kung gangster pa ako? Baka pinaresbak ko na sila dyan, haha! (Ang jeje) Habang naghahanap ako ng signal spot nakita ko na silang pito doon sa may gilid at parang hinahanap din ako.

"Woah! Ang aga mo ah?" Bati nilang lahat sakin. Syempre ako naman feeling proud dahil mas nauna ako sa kanila. "Marunong kasi ako sumunod sa time." pagyayabang ko saba'y hawi ko ng buhok ko sakanila.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon