Chapter 22: Flash Mob

263 21 5
                                    

Chapter 22:

Flash Mob

Lance

Iniwan man lang kami ni Cloe ng walang kibo doon sa may field kahapon. Pagkauwi namin napapansin kong cold na sa kanya si Jin may problema kaya silang dalawa? Tapos habang naglalaro kami ng bato-bato pik sa may gilid naiwan naming silang dalawang magkausap at magkatabi na nakaupo sa may damuhan.

Nagulat na nga lang kami ng nagsisigawan na sila 'e. Hindi pa rin ba maka get over si Jin 'don sa 'in-open' na topic nga ni Clow na kesyo paano daw ma in-love? Kilala ko 'yan si Clow may priority yan sa buhay at studies yun.

Malay ba namin kung in-love ba talaga sya o hindi nasa sakanya na rin naman yun kung magpapadala sya kay love. Pero ano ba sa amin 'yun? Kung in-love sya, edi support nalang ang tanging magagawa namin. That's the real essence of friendship.

*flashback

Pagkaalis na pagkaalis ni Cloe agad akong pumunta sa pwesto ni Jin ganon din sila. ''Ano na namang ginawa mo?'' Nakatingin lang sya sa may baba at nilalaro yung mga damo. Tumingin ako sa direksyon nila Aubrey umiling lang sila. 

Tumayo na ko at pumunta sa kanila. Wala naman ata syang balak sagutin yung tanong ko 'e. Sige take his time baka nag iisip-isip pa. Hinila ako ni Dawn sa pwesto nila. ''LQ nanaman ba?'' pabulong nyang tanong.

Tumaas naman yung kilay nung tatlo. ''Anong LQ ka dyan sila ba?'' tanong ni Blessie habang magkapatong pa yung mga kamay nya. Tumango naman si Dawn tsaka ngumiti, ''Parang ganon na nga 'di nyo ba napapansin kilos nila?'' 

Umiling kaming parehas ni Amy, ''Porket close lang sila na agad? Hindi ba pwedeng maganda lang sila tignan in terms pag magkasama sila?'' tanong ni Aubrey sabay akbay kay Dawn. Inalis naman ni Dawn yung kamay ni Aubrey at umupo doon sa may isang upuan na naka leaf shape.

''Pero guys wait! May suspicions ako dyan sa dalawang yan 'e,'' Seryosong sabi nya nakahawak pa yung kamay sa may baba nya parang si Conan ganon? Hindi kami nagsalita, inaantay lang namin yung mga susunod nya pang sasabihin.

''Doon sa in-open up na topic ni Cloe na kesyo, in love daw sya.. hindi kaya si Jin yung tinutukoy nya?'' diretso nyang sabi saba'y tingin ng seryoso samin. Lahat naman kami nagulat sa sinabi nya. Lalo na ko.

Seriously pati din sya naniwala kay Cloe ano ba naman 'tong mga 'to? ''Hindi 'yan big deal guys-- sa totoo lang, '' Napatingin naman sila sa'kin. ''Hindi na kayo nasana'y kay Clow, nagloloko lang 'yun ano ba,'' dagdag ko pa.

Nagsalita naman si Amy, ''Pagdating sa love walang joke-joke dyan ano ba kayo? Bakit ang feelings ba joke lang? Hindi naman di'ba? Swear, 'di yun joke,'' depensa nya. Agad akong natigil matapos kong marinig 'yon. 

Napa-isip din ako, oo tama sya ang love is not joke. Sumingit naman sa usapan si Kate. ''Oo nga tsaka bakit sa dinami-dami pa ng pwedeng pag-usapan about love pa? Kilala ko na 'yan si Clow wala pa 'yang sinasabi na hindi nya ginagawa.''

Nag agree naman silang lahat sa sinabi nila Kate tsaka Amy except lang sa'kin. Tama naman yung mga sinabi nila. Pero kailangan ko na rin bang maghinala kay Clow? Oo, seryoso sya pero minsan kalog tsaka makulit. 

Pero once nga na may bitawan 'yang salita---ginagawa nya. Hindi naman sya mahilig gumawa ng kwento 'e. ''Tsaka hindi naman masamang ma-fall nga talaga si Clow kay Jin.'' sambit ni Dawn. Tinignan lang namin sya ng may pagtataka at sinimulan na nya ulit na nag salita. 

''Tignan nyo ah lagi silang magkasama. Si Jin gentleman, makulit, caring, laging inaalagaan at concern kay Cloe. 'O, sino ba naman hindi ma i-inlove sa kanya diba? Lalo na't lagi mo syang kasama syempre pwede nang ma-develop feelings mo sa kanya,'' seryoso nanamang sabi nya. Yung totoo ano bang na kain nito ni Dawn ngayon at hugot na hugot yung mga pinagsasabi nya?

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon