Chapter 15: White Lies

276 21 2
                                    

Chapter 15:

White Lies

Cloe

Ngayon dahil sa nasabi ko ngang 'treat' thingy ko sa kanila, dahil napagaan nila yung loob ko nandito kami sa Mall. Sa wakas natuloy din yung lakad naming mag b-barkada na last time, hindi natuloy kasi sa hectic sched nila.

''Ang saya ko!'' Sabi ni Amy na patalon talon pa na akala mo bata. Lahat naman kami napatingin sa kanya. ''Wow, nandyan ka pala? Kasama ka pala namin? Haha,'' Pabirong sabi ni Blessie, miski din kami nagulat na kasama pa pala namin sya, kasi kanina sa cementery napaka tahimik ng presence nya.

''Ay grabe naman. Sa laki kong 'to, seriously?! 'Di nyo ko nakita?'' Sarcastic pero pabirong sabi ni Amy, sabay tawa. Sanay na ko dito sa mga 'to, kalahating mga buang din 'e. ''Hahaha! Syempre may dala kaming flashlight kaya nakita ka namin.'' Sabi ni Kate kay Amy sabay labas ng mini flashlight sa bag nya.

Natawa naman ako 'don, girls scout lang ang peg ni Kate always ready sa oras ng pangangailangan. At sa oras ng pang-aasaran.''What ever,'' matipid na sagot ni Amy, sabay na una ng naglakad sa'ming lahat.

'''O, ano nanaman yang drama mo? Saan ka pupunta?'' Nakataas na kilay 'kong tanong sa kanya. ''Secret ko na 'yon.'' Cold na sagot nya sakin. Okay fine, secret pala nya ah? Edi go.

Nauna na 'kong lumiko sa papuntang escalator at hinila si Aubrey, nagsunuran din sila Blessie, Lance, Kate at Dawn sa direksyon namin. Nang walang kaalam-alam si Amy, sa ginawa namin. Paano nya nga naman malalaman 'e nag d-drama at iniwan nalang kami?

Habang paakyat na kami sa second floor, tinitignan lang namin sya simula sa baba at wala pa 'ding ka alam-alam sa pag iwan namin sa kanya. Haha! ''Bakit naman natin iniwan si Amy doon?'' Mahinang tanong ni Dawn sakin. Habang naglalakad na kami sa second floor at nag w-window shopping. 

''Haha! Sino ba ng iwan sa atin diba sya? 'E ayaw nya sa libre 'e,'' Natatawa ko pang sabi. ''Uy! Baka hanapin na tayo 'non, balikan na natin!'' Pag yaya naman samin ni Lance, galing sa likod.

Tumakbo kami sa lahat sa gilid para tignan si Amy kung ano ng ginagawa nya sa baba. Kung hinahanap nya pa ba kami o hindi--ganon. 'Di nga kami nagkamali, nakaramdam din pala sya na iniwan na namin sya.

Nakita pa namin sya na paikot-ikot doon kung saan yung huling lugar na magkakasama kami. At nilabas nya yung phone nya, may tinatawagan ata. I felt guilty, pero it's just for fun. Titignan ko muna kung ano pa yung mga gagawin nya, na nalaman nyang nawawala na sya.

''Guys, tignan nyo nga mga phone nyo.'' Sabi ko sa kanilang lahat. At sinunod naman nila ako at nilabas nila yung mga sarili nilang phone. Tinignan ko rin yung akin, titignan ko kung sino sa'ming lahat yung tatawagan nya.

''Nakalabas na bakit?'' Tanong naman ni Aubrey saamin. ''Tignan nyo si Amy, may tinatawagan ata bakit ayaw nyong sagutin?'' Sabi ko naman sa kanila tumingin sila sa cellphone nila at tumingin ulit sa akin.

''Ay, hindi ko talaga masasagot 'yon, kung ako naman yung tinatawagan nya,'' Sabi ni Dawn. ''Bakit?'' Tanong namin ni Lance. ''Low bat na phone ko 'e, hehe.'' Nahihiya pang sagot ni Dawn sabay kamot pa sa ulo nya.

''Kami di! Low bat na, haha!'' Sagot ni Lance, Aubrey, Kate. Yung totoo anong mga pinaggagawa nito bakit sabay-sabay na low bat mga cellphone nila? Tinignan ko naman si Blessie at agad din naman nyang na gets, kung anong meaning nung tingin na 'yon.

''Nagpalit na'ko ng number, kahapon lang. Nakalimutan kong sabihin sa'yo kanina,hehe.'' Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi ni Blessie. Kawawa naman si Amy, nakita namin nakaupo na doon sa isang sulok. Biglang nag beep yung phone ko.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon