Chapter 5: Tour Guide

343 25 0
                                        

Chapter 5:

Tour Guide

Cloe

''I miss you like crazy.''

What was that. After hearing those words agad akong nasamid sa pagkakainom ko. Nabigla naman sya sa inasta ko at agad na binigay sakin ang panyo at bakas ang pag-aalala sa mga mukha nya. Kinuha ko naman 'yon, ang pinagtataka ko lang.

Si Jin ba talaga 'tong nasa harap ko? Posible bang magbago ang isang tao?

Although alam ko na ang sagot, it might be a yes. Pero parang nakakapanibago at ang bilis lang ng changes na 'yon? Nakakatuwa din naman. Sana lang talaga magtuloy-tuloy na 'to. As in natatawa ako sa itsura at inaasta nya ngayon. Okay, parang nasamid lang po ako?

''A-are y-you okay?''

''Hahaha! Ano ba, bakit ganyan ka mag-salita? Of course I am!''

'''Eh ikaw naman kasi 'e! Hindi mo inaayos 'yang pag-inom mo.''

WOW. Nakaka-hiya talaga sa kanya, tinaasan ko sya ng kilay. ''Hindi ako masasamid ng ganto kung hindi ko narinig yung mga salita na 'yon, galing sa'yo.''

Umiling sya at marahan nyang isinandal ang katawan nya sa may upuan kung saan sya nakaupo ngayon. ''Is there any problem with that? Don't tell me kinilig ka? Tsk. tsk''

''Kapal mo 'din 'no! Sa dinami-dami ng pwede ko pang pagkiligan dyan, sa'yo pa talaga? Are you kidding!? HAHAHAHA infairness ang dami kong tawa mga forty, grabe.''

Mangiyak-ngiyak na sagot ko sa kanya. Tama naman diba? Oo hindi nga natin maipag-kakaila na may itsura sya pero I'm not one of those fans. Hindi naman ako yung ibang babae na patay na patay sa kanya. Yung sasayangin lang yung boses kapag dumadaan sya.

''Well if you say so,'' sabi nya sabay dequatro pa dito sa may harapan ko habang nakatingin sa malayo at sumisipol-sipol pa. Di na nga talaga ako magtataka kung bakit may hawig sila ng dictionary at encyclopedia.

Kamukhang-kamukha 'e.

Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan, minsan pala kapag nagseseryoso sya nakakailang sya tignan 'o kausapin. Something like that. Pero wala nadin naman akong nagawa kundi kainin ang lahat ng dala nya ng.

''Tour mo 'ko,'' pambabasag nya ng katahimikan.

Tour? Saan naman daw? Mukha naba akong tourist guide ngayon? Hindi ko padin sya nililingon imbis pinagpatuloy ko padin yung pagkain ko. Mag-antay sya dyan. Hindi ko nadin naman sya natiis ng kulitin nya ako ng kulitin. Sino ba namang hindi maiinis agawin ba naman yung plato mo para lang tumingin sa kanya? Aish.

''Ano ba? Tour saan? Mukha ba akong tour guide ngayon? Bastos 'to, akin na nga!''

Inis kong sambit 'dito sa may harapan nya nakakita naman ako ng ngiti sa mga mukha nya. Dyan lang 'yan magaling 'e, kapag alam nyang asar na asar na 'ko sa pagmumukha nya mas lalo nya pa akong aasarin ng mapanlokong ngiti nya. Tsk

''Tour mo 'ko sa puso mo.''

**

Gaya nga ng napag-usapan namin, ito-tour ko sya ngayong uwian. Thankfully naka pasok na din ako ngayon. Kung hindi nya lang din talaga ako ni-libre kanina, saka hindi sya anak ng principal namin eh. Hindi ko naman gagawin 'tong favor na 'to.

Habang naglilibot na kami dito sa may buong campus, laking gulat ko naman ng paghahampasin nya yung braso ko, "Yehey i to-tour mo na ko sa school ng papa ko! Ha ha he he hi hi ho hu." Luh parang bata talaga sya. Panget gumanap 'e.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon