Chapter 20: Sky Ranch

261 20 8
                                    

Chapter 20:

Sky Ranch

Jin

Halos lahat pa rin talaga kami nagulat sa kung anong in-ounce doon ni Dad sa may unahan kanina. Sa sobrang gulat nga namin nakapagyakap pa kami ni Kevin ng 'di oras. Haha! 'O diba perfect timing pa. Ang saya! Ang pinaka close mong pinsan, magiging kaibigan na rin ng mga close friends mo. Tapos may naamoy ako na something between kay Blessie tsaka Kevin.

Naamoy din kaya nila Cloe yun, haha! Feeling ko kasi may crush or gusto ni Blessie si Kevin 'e. Pa 'no ko nasabi? Kasi nung gabi nang nakaakyat na kami dito sa may hotel.. may naganap na kaaya-aya. 

*flashback*

"Nag enjoy talaga ako! Kayo ba guys?" Masayang sabi ni Cloe habang hinahampas yung braso ko. Eto talaga hirap din sa kanya 'e ang hilig maghampas kesyo excited, galit, kinikilig kahit anong expressions nya laging may kaakibat na hampas.

Kaya lagi akong kawawa rito lalo na kapag nagkataong magkasama pa kami palagi. Mamasa na 'yung buong katawan ko sa kahahampas nya. Buti sana kung mahina lang 'e, pero hindi minsan bakat pa kamay, tss. See?

"Syempre naman by the way. Thank you Jin!" Sigaw nilang lahat sakin dito sa may loob ng kwarto ng masaya. Lahat kami nakapwesto at nakahiga na sa mga sarili naming kama. Sila Clow saka Blessie at Aubrey ayun nagpapatugtog ng mga kanta. 

More on KPOP. Wala namang akong nakikitang masama 'don medyo naiintindihan din naman namin. Kasi balita ko medyo fluent din sila parehas kami. Pinatugtog nila lahat ng kanta ng Girls Generation, Apink, EXO saka BTS. Multi fandom feels. Nakaka refresh ng feeling.

Habang ako nagbabasa ng libro sila naman nag so-sound trip, nagulat kami ng biglang tumayo sa kama si Kate at sumayaw ng I got a Boy ng SNSD. Dahilan na mabaling naman ang atensyon namin sa kanya kalaunan nagtawanan din kaming lahat. 

"Wow! Parang nandito na rin SNSD ah?" Pang aasar ko sa kanya saba'y bato ng unan ng pabiro. Tumawa naman sya. "Haha! Nako ayoko na nga baka mahiya pa sila sa 'kin." Pabiro nyang sabi.

Sa kabila ng pagtawa namin habang pinagmamasdan ko sila, napansin kong mabilis na nabago yung Aura ni Blessie. Yung hindi mapakali na ewan? Si Cloe naman kasi pana'y din ang kanta nung Mr. Chu ng Apink.

Take note, naka-repeat pa  ah? Obvious naman na favorite nya. Kaya medyo 'di nya rin ata napansin. Yung pag c-change ng mood nitong ni Blessie na kasalukuyang nasa tabi nya lang din naman. Sa kabila ng mga kanya-kanya naming ginagawa sa free time namin. 

Nagulat kami ng tumayo at magsalita 'tong si Blessie,  "Ah guys? Wait lang ah, CR lang ako," Pagpapaalam nya samin sabay labas sa may kwarto. "Anong nangyari 'don?" Tanong ni Amy. Oo nga anong nangyari 'don? 

In fact may CR naman  dito sa loob ng kwarto bakit kailangang sa lumabas pa? "Baka nag miss call si Mother Earth? HAHAHA!" Grabeng hagalpak na tawa ni Lance na nakahawak pa sa tyan nya. Tumawa naman kaming lahat. 

Sa kabila ng pagtawa naming lahat nagulat nalang kami ng biglang bumukas yung pinto. Halos lahat kami literal na nagulat. Hindi kasi talaga namin inaasahan 'yung nakita ng mismong dalawang mga mata namin. Kasama nya lang kasi si. . . 

Kevin.

Ah kaya naman pala, gets ko na. Tingin ko hindi  lang din ako yung naka gets. Nagkaintindihan din kami sa mga pasimpleng tingin namin. "'O! Ano naman 'yang mga tingin na 'yan? Masama bang i-invite si Kevin? 'E gusto nya rin naman sumali sa'tin 'e." Nahihiya pang sabi ni Blessie na  kasalukuyang nakatayo pa rin sila sa may pintuan.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon