Chapter 14:
Best of Friends
Cloe
Ngayon tumatakbo ako, 'di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ang gusto ko lang mapag-isa. Habang tumatakbo ako 'di ko parin maiwasan na mapaiyak dahil sa mga nangyari kanina. Sobrang sakit pa rin ng nararamdaman ko.
Alam mo yung pinagtanggol ka nya sa ibang tao, pero sa sarili nyang kasalanan 'di nya man lang ako napagtanggol?
Isang sorry lang naman yung gusto kong marinig sa kanya 'e! Miski kanina nung umalis at tumakbo na ko sa harapan nila, hindi nya man lang nagawang sundan ako miski mag sorry man lang. Grabing manhid nya naman diba?
Alam ko na kung sino ang makakatulong sakin sa mga panahon at oras na kailangan ko ng makakausap. Ayoko pang umuwi sa bahay, ayoko ng nag-aalala sila saking lahat doon. Mas maigi ng aangkinin ko nalang 'tong problema ko.
Sana'y na rin ako mapag-isa 'e. Sobrang bigat lang talaga ng pakiramdam ko ngayon, kailangan ko lang ng mapaglalabasan ngayon.
"Papa."
'Di ko na napigilang hindi maiyak. Sabay punas sa puntod ni Papa. At naglapag naman ako ng isang bulaklak at isang kandila. "Hello 'Pa? Kumusta ka na? Binabantayan mo ba kami? I love you." Naiiyak ko pa rin na sabi. Paano kaya kung buhay padin si Papa 'e 'di sana nasa tabi ko pa rin sya palagi.
Lalo na sa mga gantong sitwasyon na may problema ako. Nandyan sya para sa akin. "Papa pwede 'bang mapaglabasan ng problema? Wala na kong alam kung sino pang matatakbuhan ko 'e. Alam mo ba 'Pa, sobrang bigat na ng pakiramdam ko,"
"Sana nandito nalang din po kayo 'e." Huminga ako ng malalim at humiga na ko sa tabi ng puntod ni Papa habang nakatingin sa langit. "Alam mo pa yung feeling na, wala ka namang ginagawa sa kanila, kahit anong pagpapakita mo sa iba ng maganda may magagalit at magagalit pa rin sa'yo?''
"Bakit ganon ang unfair? Masama na 'bang maging mabait, 'Pa?" Tanong ko sa kay Papa. Kahit walang sumasagot sakin feeling ko nakikinig naman sya. Humagulgol na ako ng iyak sobrang bigat na kasi ng pakiramdam ko. Wala na rin naman akong magagawa pang iba kung ang umiyak lang.
Bigla namang bumuhos yung napakalakas na ulan, dinadamayan din ata ako. Mas maigi na yun, nang hindi mahalatang umiiyak ako. Nang sandaling nag beep yung phone ko.
*4 messages receive
From Mama:
Anak nasan kaba? Nag aalala na'ko sayo, umuwi kana oh. Need comfort? Tara, let's talk.
From Aubrey:
Uy Clow, nasan kaba? Alalang alala na kami sayo, text back.
From Amy:
Don't mind them, mas maganda ka sa kanila. Haha, smile na. :)))
From Jin:
Nasan ka ba huh? Nag aalala na kami sa'yo, miski mga kaibigan mo, 'di na namin alam kung saan ka hahanapin. Pati din mommy mo, Cloe please! We need to talk.
Oo halatang halata ngang nag aalala sila sakin. Na guilty naman ako sa ginawa ko. Pero wala na kong magagawa 'e. Gusto ko lang mapag-isa sa walang tao. Pero ang kinagulat ko yung nag text sakin si Jin? Kilala nya papala ako saka may 'we need to talk' pa syang nalalaman. His face.
"Papa salamat sa pagdamay at kahit physically wala kana, emotionally nandito ka pa din para sakin. Kahit kelan talaga ang lakas ko sayo. I miss you," 'Di pa din ako tumitigil sa pag-iyak ko. Wala na akong pake kahit ang lakas ng ulan 'di rin naman mahahalata 'e.
"Sabi ko na nga ba dito ka lang namin makikita 'e!" Isang boses na nagsalita sa likod ko. Humarap ako upang makita at. . .
"Guys?!" Gulat kong sabi. Nakatingin lang sila sakin at may hawak na payong at sinisilungan ako. Bakit sila nandito? Saka pano nila nalaman na nandito ako? "'Di ka nga nagkamali Kate, nandito nga sya." Sambit ni Blessie.
"O, bakit parang nagulat ka ata?'' Nakangiting sabi ni Kate. 'Di ako nagulat. . . gulat na gulat lang. "Alam naming kailangan mo ng makakausap." Sambit din ni Lance. Kailangan na kailangan ko naman talaga. Pero mas pinili ko nalang muna ang mapag-isa.
"Gusto ko munang mapag-isa." Walang gana kong sabi, at tumalikod sa kanila at naglakad palayo.
"Saan ka naman pupunta? 'Di mo ba alam nag -aalala na kami sayo? Mommy mo, Kuya mo, si Miggy saka si Jin?!" Sigaw ni Dawn saakin. Medyo malayo na rin kasi ako sa kanila 'e, "Clow!" Pagtapik sa balikat ko ni Aubrey. Dahilan na mapalingon ako.
Umupo naman ako sa gilid ng puno at ganon din ang ginawa nya. Sumunod na rin yung iba samin. At naupo na rin. "Ano bang tumatakbo dyan sa isip mo huh?" Tanong nilang lahat sakin. Na nag-aalala din.
"Di ko alam. . ." mahinahon kong sabi. Naiiyak nanaman ako, pero agad ko namang pinunasan yung mata ko dahilan na hindi na matuloy. "Kung about sa kanina, don't mind them." Nag-papatawa ba sya? Don't mind them? Pwes hindi ako natatawa.
Madali lang kasing sabihin sa kanila yun kasi hindi nila nararamdaman yung nararamdaman ko ngayon 'e. "Kala mo ganon kadali?" Tanong ko sa kanila. Sandali 'ding natahimik kaming lahat. Nakakabinging katahimikan.
"'Di nyo kasi nararamdaman yung nararamdaman ko ngayon," Nag iinit na naman yung mata ko. Inunahan ko na 'yun. . . kaya tumalikod na ko sa kanilang lahat. "Nah, naiintindihan ka naman namin. Pero 'di rin kami mapalagay kung isa sa tropa natin yung na b-bother ng ganto."
"Syempre sino pa bang magtutulungan? Tayo din diba?" Sabi naman ni Dawn "Oo, saka what are friends for. Kung yung isa nag mumukmok sa problema nya habang kami nag papakasaya?" Sabi ni Kate.
Oo nga tama nga sila, saan nga ba yung pag sasamahan namin ng ilang taon kung hindi pa ko magiging open sa kanila. Oo tama, sa kanila ko na din ilalabas yung bigat ng pakiramdam ko. "Fine." Matipid kong sagot, saba'y harap sa kanila. "So okay kana?" Tanong sakin ni Lance.
"Alam mo? Kung ano man yang buma-bother sayo, feel to shout. Ilabas mo lang 'yan, nandito lang kami makikinig sa'yo." Nakangiting sabi ni Dawn. Sinunod ko naman yung sinabi nila, sakin. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tuluyan naring sumigaw.
"AHHH! ANO BANG NAGAWA KO SA INYONG LAHAT? MASAMA NA BANG MAGING MABAIT?''
Naiiyak kong sabi. At tumayo na rin si Aubrey at niyakap ako. Niyakap ko din sya ng sobrang higpit. "Okay lang yan, sige iiyak mo pa." Sabi sakin ni Aubrey. "Okay na ko thank you," Sabi ko sa kanila. Kahit papano gumaan na rin yung pakiramdam ko.
'Di ko na lang din alam kung pano kung wala akong mga kaibigan makakatuwang? 'Di ko na alam gagawin ko. "Tara na." Yaya ko sa kanila. "Saan?!" Nagtataka namang tanong nila sakin. "Kahit saan treat ko." Masaya kong sabi sa kanila.
"Ayuuun! Hahaha, sige game kami dyan!" Tsaka tumayo na rin sila sa kinauupuan nila at dumaan naman kami sa puntod ni papa. "Tito, alis na po kami." Magalang na pag papaalam nila kay Papa. Dahilan na mapangiti naman ako.
"Papa, una na po kami medyo okay na ko. Thank you po, sa pa ulan nyo kanina sign ng pag damay nyo. I love you! I miss you." Tska umalis na kami at sumakay na sa kotse nila Blessie. Habang nasa kotse kami sobrang ingay nila, natutuwa din siguro kasi masaya na ko. Tama lang sa kanila yung treat kung 'di dahil din naman sa kanila siguro hanggang ngayon, umiiyak pa din ako.
"Alam nyo?" Tanong ko sa kanila. At bigla naman silang nanahimik. Nag aantay pa sa mga susunod na sasabihin ko. Napahinga ako ng malalim sabay tingin ng diretso sa mga mata nila samahan mo pa ang ngiti ko.
"Friendship. Parang grade daw sa math, mahirap abutin, pinaghihirapan, minsan pasado, minsan bagsak. . . Ako? 'Di ako magaling sa Math, pero para sa friendship natin, handa akong mangopya para lang makapasa ako. . . ''
BINABASA MO ANG
[Book 1] Something that We're Not (Completed)
RomanceFalling in love in the wrong-expected person. Is a really BIG MISTAKE. Nagbigay ng motibo. Na-fall. UMASA. In the end. Na-sak-tan "Did forever... still exist?" Parang kayo na hindi kayo. Nagseselos ka, kahit wala kang karapatan. Nagseselos sya ka...
![[Book 1] Something that We're Not (Completed)](https://img.wattpad.com/cover/29508079-64-k504642.jpg)