Chapter 37:
Knowing Z.C
Jin
Dumiretso at nadala ko naman ng maayos 'tong si Cloe dito sa may hotel namin. Medyo gabi na kung iuuwi ko naman sya sa bahay. Panay na rin ang vibrate ng phone nya.
Hinahanap na sya, 'di ko din naman makita kung sino yung mga nag t-text, dahil hindi ko alam yung password. Tsaka ayokong makita yung wallpaper nya. Oo na, mababaw na! 'E sa ayaw ko e.
Yung iba (tropa) nya, hinahanap nila sa'kin si Clow, kung magkasama raw ba kami ngayon. Hindi naman ako maka sagot ng 'oo' dahil baka iba pa yung isipin nila at baka mas lalong lumala yung mga mangyayari.
Ngayon, pinagmamasdan ko ang maamo nyang mukha habang wala pa 'ring malay. Ugh, Cloe gumising ka na! Binabantayan ko sya dito sa may tabi. Agad na rin naman akong nagpatawag ng isang employee na babae dito upang bihisan sya ng mas komportableng damit.
Syempre may respeto pa naman ako kahit papano kaya lumabas din naman ako. "Sir, okay na po." Napansin kong lumabas na yung employee galing sa kwarto jhabang hawak yung gown ni Clow.
"Thank you, palabhan nalang din ah?"
"Yes sir! Pero hope you don't mind po, bakit si mam Cloe po ulit 'yang kasama nyo? Diba pinagbabawalan na po kayong makipagkita sa kanya?"
"Mahabang kwento. Sige na, gawin mo na 'yang trabaho mo."
At pumasok na rin naman ako sa may loob ng kwarto. Ang himbing pa rin ng pagkakatulog nya. Nakakaawa sya, halatang magang-maga yung mga mata nya kakaiyak. Tapos may nakita pa akong maliliit na galos sa braso nya.
Alam ko na! Kagagawan ng ZC na yun 'e! Isa pang pagkikita namin malalagutan na sya dyan. Kinuha ko din naman yung maliit ng first-aid-kit sa may gilid at dahang-dahang ginamot ang sugat nya.
Matagal-tagal na rin simula nung huli ko syang naalagaan. Hinawakan ko yung ulo nya at hinawi ang ilan nyang buhok na nakaharang sa maganda nyang mukha.
"Matagal-tagal ng huli tayong magkasama.. kaso badtrip, wrong timing pa ang lahat.." Napatingin ako sa phone nyang kanina pang panay ang vibrate.
Bro ❤ calling..
Napahinga ako ng malalim, sabi ko nga sobrang saya nya na. "Pano kaya kung ikaw yung una kong nakilala? At ako din yung una mong nakilala? Hindi ko ma-imagine magiging itsura nating dalawa,"
Natawa ako ng bahagya, talagang napaka amo ng mukha nya. "I really like you, but I think. It's not worth it anymore.. You know why? Because you are happy now with someone's else."
Oo naiinggit ako.
"Matagal na kitang kilala, matagal na kitang nakikita minsan kapag sinasama ka ni Aeign sa school. Aaminin ko na starstruck talaga ako sa'yo.." Bakit nga ba ako nagsasalita mag-isa dito? As if naman naririnig nya ako.
"Damn, ganda mo kasi e.."
Nang sa kabila ng pagsasalita ko nakita kong tumatawag sa'kin ang isa sa mga na-miss ko.
Kevin calling..
"Pare! Nasan ka?"
Woah pati din pala ako na-miss nya? Kiligin daw ako.
"Nasa puso mo.."
Sabay pigil ng tawa ko dito sa kabilang linya ng marinig ko din yung pabulong nyang mura. Loko 'to ah!
BINABASA MO ANG
[Book 1] Something that We're Not (Completed)
Roman d'amourFalling in love in the wrong-expected person. Is a really BIG MISTAKE. Nagbigay ng motibo. Na-fall. UMASA. In the end. Na-sak-tan "Did forever... still exist?" Parang kayo na hindi kayo. Nagseselos ka, kahit wala kang karapatan. Nagseselos sya ka...