Chapter 32: You are mine

189 19 0
                                    

Chapter 32: 

You are mine

Cloe

''Saan ba tayo pupunta ngayon?'' Tanong ko tapos itong sila Lance naman tawa ng tawa. Bakit naman kaya? Hinampas ko yung mga braso nila.

''Isa.. 'san nga kasi!'' Gumilid silang anim at tila parang nagbigay ng daan sa may gitna. ''Sa kanya manggagaling yung sagot sa tanong mo,'' Bulong sa'kin ni Aubrey.

Feeling ko naman nagtaasan yung mga balahibo sa katawan ko at bigla akong kinabahan. Kanino naman kaya? At nang dahil nandito kami sa may park ngayon, saktong pa sa mukha nya yung spotlight ng araw kaya 'di ko masyadong maaninag yung mukha nya.

Unti-unti syang lumalapit, unting-unti ko 'ding na r-recognize yung pagmumukha nya. Kinakabahan talaga ako parang anytime pwede na 'kong himatayin ga'non?

''Hello.'' Bati nya sa'kin ng may malawak na ngiti. Cedric? Bakit sya nandito akala ko ba 'tropa hang-out' lang 'tong gagawin namin? Sinamaan ko sila ng tingin, natawa lang sila habang kinikilig.

Nagulat ako ng biglang umakbay sakin si Cedric. ''Tinatanong mo kung saan tayo pupunta? Pasok ka na,'' He said with a husky tone sabay turo sa loob ng kotse nya.

Tumango naman ako at ga'non nalang din yung ginawa nila Aubrey.Pumasok na sila sa likod ako naman, doon ako umupo sa may passenger's seat sa may tabi ni Cedric.

Pwesto ko 'to e! Haha! Habang nasa byahe kami, 'di ko maiwasang hindi maisip kung bakit kasama namin si Cedric ngayon, though, hindi ko naman dapat maramdaman 'to kasi lagi naman kaming magkasama. Pero ngayon, ba't parang feeling ko kinakabahan ako na ewan. Hindi ko lang talaga ma-explain.

''Clowe ang tahimik mo? Corny ba ng mga jokes ko?'' Tanong ni Cedric sa'kin habang patuloy pa rin sa pagmamaneho. Natauhan naman ako sabay iling.

''Eh, bakit nga hindi ka nagsasalita dyan? Tignan mo 'tong mga kaibigan mo, namumula na kakapigil ng tawa dito sa likod, tapos ikaw wala lang? May problema ba?'' umiling ulit ako.

Nang may narinig akong pangaasar sa likod namin, ''Uy si Cedric, caring boy fie ang peg,'' Sabi naman nitong ni Lance. 'Boy fie' sya dyan? Tinignan ko sya sa diretso nya tumawa lang sya, hinagis ko sa kanya yung pillow neck ko.

Nagtawanan silang lahat, ''Hahaha Lance as of now hindi pa.. soon'' sagot naman sa kanya ni Kate. Soon? Ako nanaman talaga trip nila. Tinignan ko silang lahat sabay kibit balikat ko. ''Wala, ayos nga ng jokes mo natawa ako,'' sagot ko sabay tingin ko sa direksyon ni Cedric.

Humarap naman sya, ''Seriously Cloe? Tawang-tawa ka na 'ba? Ganyan ka ba tumawa ng sobra?'' Pangaasar nya sabay turo sa mukha ko. Mukha kong hindi malaman ang emosyon.

Nabalot kaming lahat ng katahimikan, silang tatlo naman natigil na rin sa pagtawa. (sila Amy, Dawn, Blessie). Sila Aubrey, Lance tsaka Kate naman busy sa mga phones tsaka iPad's nila.

Ako, sadyang tahimik na talaga. Pati si Cedric nanahimik din at patuloy lang sa pagmamaneho nang, ''Clow, National Anthem ka ba?'' Agad akong napatingin sa kanyasabay taas ng kilay.

National Anthem, ako? ''Bakit.'' Pick-up kaya 'to? Ngumiti sya habang nakatingin ng diretso sa may daan. Ano ba kasi talaga yung meaning nung ngiti na yan?

''Kasi.. sa tuwing naririnig ko yung pangalan mo napapatigil ako at ang matindi pa dun napapahawak ako sa puso ko...'' sabi nya sabay blush. Hahaha! Natatawa ako, bakit sya pa yung kinilig? Diba dapat ako?

Namumula na yung mukha 'e, ''Yiee, OTP na 'to. Hoy! Gumising na kayo nag-pick-up line na si Cedric mga tulog pa rin kayo!'' Sigaw nitong ni Aubrey sa mga katabi nya sabay hampas sa mga hita. Hard.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon