Chapter 13: Announcement

343 23 3
                                    

Chapter 13:

Announcement

Steph

I hate Monday's ugh! Makikita ko nanaman yung malanding Clow na 'yon. Kahit kelan talaga lagi nyang sinisira ang araw ko. Pero syempre hindi ako mag papadaig sa kanya. Hindi porket sumasama sa kanya si Jin 'e, feeling nya gusto na sya.

Asa naman, 'di sya yung mga tipo ng babae na gusto nya 'no? DUH. I know ma-taste na tao si Jin. Kaya hindi pa din sila bagay. Haay na ko! Ayoko na nga syang isipin. Na i-stress ang ganda ko sa kanya. 

"Tabi nga." 

Mataray na sabi ko sa mga nakaharang sa dinadaanan ko. Mabuti naman at sumunod din sila agad. "Good. Sa susunod 'wag na wag kayong haharang sa daanan ko," Sabi ko uli. At nagsitanguan naman ang mga ulo nila.

As usual, lagi nalang akong tinitignan. Lahat ng gawin ko, i-post ko, lakad ko, selfie ko halos lahat ng gawin ko sa buhay ko. Trending dito sa buong school. I'm the School Queen Bee. Talaga lang dapat nilang galangin ang mga nakagaganda sa kanila.

"Oo nga huy! 'Wag nga kayong humarang sa dinadaanan ni Steph." Pakikiepal nung isang lalaki. "Good morning Ms. Beautiful," Sabay abot sakin ng guy ng bulaklak. Pfft! Ang panget nya, yuck! Inamoy ko yung bulaklak ang baho, kaamoy nya. 

Nginitian ko sya at kinuha ko yung bulaklak na hawak nya. Syempre tuwang-tuwa naman ang mokong. Pero sorry sya sa basurahan lang 'yan nababagay. I have taste on everything. Ayoko ng mga cheap.

Lahat naman nagulat sa ginawa ko. Yung iba naman naka poker face lang. Masanay na kayo sakin. Ni-isa wala akong magugustuhan sa kanila. Isa lang ang crush ko. At si Jin lang yun. Lahat gagawin ko. Mapansin nya lang ako.

Matapos ko gawin yung pagtapon dun sa basura este 'bulaklak' na binigay nung guy. Hinawi ko lang naman yung napaka ganda mahaba at mabango kong buhok at lumakad na parang walang nangyari.

Don't let bad vibes ruin your day. My beautiful aura doesn't deserve it.

Sa 'di kalayuan, nakita ko na yung mga kaibigan ko at agad naman nila akong kinawayan at lumapit sakin. "Stephanie yah!" Bati sakin nila Ashley saka Alex. Sabay beso namin sa isa't-isa. Ganun din yung ginawa ko sa kanila.

"Bakit naman nilagay mo sa basurahan 'te? Kawawa naman yung guy" Tanong sakin ni Ashley. Napataas ako ng kilay sa sinabi nya. Eh saan ko ba dapat ilagay?

"Dapat sakin mo nalang binigay." Singit naman ni Alex. Adik, siguro type nya yung guy? Grabe wala na ba syang taste sa mga lalaki ngayon? "Bitch please." Matipid kong sabi at nauna ng nag lakad sa kanila. Agad naman nila akong hinabol.

"Stephi yah! May sasabihin kami sayo." Sigaw nung dalwa. Bahala sila dyan manigas kayo. 'Di ko pa din sila pinansin at patuloy pa din ako sa paglalakad. "Aish! We have something to tell you!" Sigaw ulit nila. Okay, wala akong naririnig. Pilitin muna nila ako.

"Yah! It's about Jin!" Natigilan ako sa paglalakad ko at agad na napaharap sa kanila. Eksaktong nakatingin din sila sakin. "Ayan kapag about sa kanya, ang bilis mo kumilos 'no? Napaka talaga." Angal ni Ashley.

"Shut up! Ano nga yun tungkol sa kanya?!" Tanong ko sa kanila. "Exaggerate ng reaction? Uso kalma 'te." Hinila nila ako sa isang sulok at umupo muna kami sa isang upuan. "Ayokong nasasayang ang oras ko. Bilisan nyo na nga!" Hysterical kong sabi. Ang babagal kumilos eh, dami pang satsat.

"Eto na nga." Nilabas ni Alex yung phone nya at may pinakita na picture. Hindi ko lang makita kung sino 'e, basta isang lalaki at babae. Looks familiar. Pero di ko lang talaga mamukhaan nakatalikod kasi.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon