Chapter 27:
"Cloe"
Jin
''Mag papahinga pala huh?'' ni hindi man lang sya tumingin sa direksyon ko. At dinaanan lang ako na parang hangin? Fvck. Bakit ganto feeling ko nasasaktan ako sa nakita ko?
All this time... niloko nya si Aubrey. Ay! Hindi lang pala si Aubrey, kundi yung---buong tropa. Niloko nya kaming lahat na kesyo magpapahinga raw sya kaya hindi sya 'makakasama' sa'min ngayon.
Tapos eto? Makikita ko lang na may kasama syang lalaki? Take note nakaakbay pa at ang sweet huh? Tsk. Lalandi nila. Hindi ba nila alam na ang pangit tignan ng PDA sa daan?
Kita mo rin naman sa itsura nya na gustong-gusto nya pa yung ginagawa nila.
P*ta.
"Ang lalim ng iniisip mo dyan ah? Sinong susuntukin mo?" Tanong ni Aubrey tsaka ni Blessie pagkalabas ng CR. Agad akong napaayos ng tayo saba'y tingin sa kanila.
'Don ko lang din napansing kong nakaclose-fist na pala ako. "Tsk, babangasan ko lang ng mukha yung mga malalandi sa mundo," Cold kong pagkakasabi sabay una na sa paglalakad habang nakapamulsa pa.
"A-ano? Sinong malandi, bakit anong nangyari?" Singit naman ni Kate. Hindi pa rin ako tumitingin sa direksyon nila. "Haha! Sus, nagpapaniwala naman kayo dyan kay Jin? 'E bitter lang yan kasi ang daming couples dito, tapos yung Queen nya natutulog lang sa bahay nila." Natatawa pang sabi ni Kevin.
Tinignan ko lang sya ng masama at diretso pa rin sa paglalakad. Natutulog. Natutulog nga ba talaga? Nagtawanan naman silang lahat, "Oo nga! S-sino nga ba yun si Snow White?" Napakamot pa sa ulo na tanong ni Amy.
Binatukan naman sya ni Dawn, "Tang! Si Sleeping Beauty yun. Hahaha! Snow white ka dyan? Anong disney ba talaga 'yung napanood mo?" Hindi pa rin sila tumitigil kakatawa. Ako? Walang sa mood na nakikinig sa kanila.
"Makabatok ah! Malay ko ba sa ganyan!" Sigaw ni Amy habang aaktong parang susuntukin na si Dawn. Nagtawanan naman silang lahat. Umupo lang ako sa isang gilid. Wala na talaga ako sa mood makipagbiruan sa kanila.
Lalo na sa mga oras na to. "Huy! Anong nangyayari ba sa'yo? Bakit biglang tahimik mo? Kanina ikaw pinakamaingay sa'tin ah?" Nagtatakang tanong ni Blessie.
Tinignan ko sya, "Sa tingin mo mag i-ingay pa ko kung may sumira din ng tiwala ko?" Nagpaikot silang lahat dito sa may harapan ko with matching bulungan pa, "Sinong sumira? Sorry pre kung na-upload ko na yung video natin sa karaoke kanina nung kumakanta ka ah?" Mahinang sambit ni Lance sabay akbay sa balikat ko.
Inalis ko naman yung pagkakaakbay na 'yun, "Sa tingin mo sa ga'nong kababaw na dahil kaya ako mananahimik ng ganto? Tsk." Inis kong sambit. "'E sino ba naman kasi yang dahilan na 'yan na parang dinaanan ka ng anghel dyan 'e? Samantalang ikaw pinaka hyper kanina," Nagtataka na din si Kevin.
"Si Cloe."
Matipid kong sagot. Halos lahat naman sila napatingin sa direksyon ko na hindi maalis yung pagkagulat sa mga mukha nila. "A-ano? Bakit nadamay si Cloe dito nanahimik yung tao?'' Tanong nilang lahat.
Tumayo ako, "Nagpapahinga at nananahimik nga ba talaga!" Nakangisi kong tanong habang nakasandal ako sa may gilid. "A-ano ba kasi gustong mong palabasin Jin? Hindi namin mabasa 'yang tumatakbo sa isip mo, ni hindi ka nga namin maintindihan?" may halong pagkairita na rin sa mga tono ng mga boses nila. Hindi ko sila masisisise dahil naiintindihan ko ang nararamdaman nila.
BINABASA MO ANG
[Book 1] Something that We're Not (Completed)
RomanceFalling in love in the wrong-expected person. Is a really BIG MISTAKE. Nagbigay ng motibo. Na-fall. UMASA. In the end. Na-sak-tan "Did forever... still exist?" Parang kayo na hindi kayo. Nagseselos ka, kahit wala kang karapatan. Nagseselos sya ka...
![[Book 1] Something that We're Not (Completed)](https://img.wattpad.com/cover/29508079-64-k504642.jpg)