Chapter 36: When I was your Man

139 18 0
                                        

Chapter 36:

When I was your Man

Jin

Ang saya nila pagmasdan yung mga itsura nila parang walang nangyari sa nakaraan? Nakakainggit. Sana ako yung kasama nya ngayon, sana ako yung kasayaw nya ngayon, sana ako yung pumupuno ng ngiti at tawa nya ngayon.

Sana ako yung nag-aalaga sa kanya, nagtatanggol... lahat ng pagmamahal at effort na ginagawa sa kanya ng boyfriend nya. Sana ako lahat ang gumagawa 'non.

Pero gaya nga ng sabi nya last time. Hindi na daw pwede ang lahat. Maging masaya nalang kami sa kung anong buhay namin.

Buhay naming kung saan hindi kami pare-pareho masaya, kung saan hindi kami kontento lahat. Ngayon mga nangyayari dito sa may school. Sa may dance club, gumawa sila ng couple dance ga'non.

Para sa mga mag girfriend at boyfriend. Pero bago nga pala mangyari ang lahat ng 'to. Hindi pa rin nahahanap kung sino yung misteryosong babae na bigla nawala last time.

Hanggang ngayon, iniisip pa rin namin kung sino 'yon. Maraming nagsasabi sa'kin na baka daw si Cloe yun nag d-disguise lang. Pero hindi naman sapat na rason yun para isipin namin na sya nga talaga yun.

Dahil wala naman kaming sapat na pruweba. Kung tatanungin ko din naman sya baka mas lalo pa syang magalit, dahil alam ko namang wala na syang pakialam doon sa mga ginagawa namin.

Ngayon, pinapanood ko silang nagsasayaw dito sa may harapan namin habang nag-aantay sa partner ko. Nang ilang saglit lang, "Babe! Sorry I'm late, kanina ka pa?"

Inangat ko ang direksyon ng tingin ko sa kanya, hingal na hingal sya. Saan kaya galing 'to? Hays, panay pa ang takbo alam nya na nga yung kalagayan nya. Kulit talaga.

"No babe, medyo lang. Maupo ka nga muna."

Tumabi din naman sya sa'kin at hinila at niyakap ko sya ng mahigpit patungo sa direksyon ko ni-kiss ko rin sya sa forehead nya. "Mmmm, ang bango." Napatingin naman sya sakin ng may pagtataka.

"Of course! Wala ng bago don 'no?" Sabi nya sabay hampas sa'kin. Natawa naman ako ng malakas dahil sa inasta nya. Maasar nga, matagal na rin since naglokohan kami nito 'e.

"Amoy pawis.." dagdag ko pa. Dahilan na nakaabot pa rin ako ng times two na hampas sa kanya. "Saan ka ba galing?" tanong ko saba'y tingin sa kanya simula ulo hanggang paa.

Mukhang galing marathon 'e. Nag-pout lang sya, "Sa bahay, ako yung drive nung kotse ko 'e, wala si manong tapos na flatt-an pa ko ng gulong kanina. Arrrgh! Look baby, paltos na tuloy yung paa ko.."

Napa-pout sya habang nakahawak sa may paa nya. Sino nga namang hindi papaltusin na tumakbo ng naka five inch heels? "Ssshh. Gagaling yan okay? You're with me, remember?" Tanong ko sa kanya.

Tumango sya at nakakita ako ng ngiti sa mga labi nya. "I forgot, your my healer din pala.." Ginulo-gulo ko yung buhok nya ng may mga ngiti sa mga labi namin. na-miss ko 'to, seryoso.

Nang sa kabila ng pag-uusap namin ay biglang namatay ang lahat ng ilaw at tanging sa'min lang itinapat ni Rina dito sa gilid ang spotlight. "And now, for our special number please welcome King Jin and Queen Rina!"

Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao. Hindi ako inform na kami pala ang special number. Nauna akong tumayo, tinignan ko si Rina ng puno ng pag-aalala dahil sa kondisyon ng paa nya.

Nginitian nya lang ako at parang sinasabi na magaling na daw sya at kaya nya na. Kaya inilahad ko ang kanang kamay ko at bahagya akong pumantay sa kanya upang maalalayan sya sa kanyang pagtayo.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon