Chapter 17: 'Oplan Bati 101'

243 22 6
                                    

Chapter 17:

'Oplan Bati 101'

Aubrey 

At dahil sa ako nga yung napaghingan ng tulong ni Jin, ako naman 'tong si Mighty Wonder Woman friend na gagawa ng way para magkabati sila. Parang mga aso't pusa talaga yung mga yun. Lalo na si Clow, minsan din kasi hirap maging kaaway nung babaeng yun 'e, taas din ng pride.

Makuha nga minsan ng ma prito 'no? Ngayon sa aming pito ay hindi pala sa buong classroom ako yung pinakamaagang dumating dito. Hindi sa excited ako sa mga gagawin ko mamaya, sadyang maaga lang talaga dumating yung service ko kanina. I don't know why?

Kagabi ko pa pinag-iisipan kung paano ko sila pag babatiin? Or masinsinan kong kakausapin si Clow? Tama! Mamaya na mamaya p-prituhin ko na yang pride na yan. Bakit pa kasi nag exist yan e?! Pati tuloy ako nadadala ng emotions ko. Haay. "Huy! Anong nangyayari sa'yo?" Natauhan ako ng may nag salita. Nagulat ako si Dawn naman pala.

Inhale... exhale

"Wala." Sabay kuha ng piatos sabay subo. "Hey! May problema kaba? Tell us?" Masayang bungad sakin ni Lance sabay akbay sa likod ko. "Haha! Ano kaba wala 'no!" Sabi ko sa kanila. Medyo madami na din kaming nandito sa room, 'di ko lang napapansin dahil sa pagkapre-occupied ng isip ko.

Halos lahat kaming 6 nandito na, except lang doon sa isa. Nasan na kaya yun? Anong oras na 15 mins. nalang at mag s-start na yung class. May balak kayang pumasok 'yon? "Nasan na si Clow?" Sabi ko sa kanilang lahat. Inikot naman nila yung ulo nila para tignan dito sa buong room.

"Wala pa." sabi ni Amy sabay tingin sa relo nya. "Baka on the way na yun." Dagdag nya pa.

Oo nga tama baka maya-maya nandito na din sya. Umayos ako ng upo at kinalma ko muna yung sarili ko. Hindi pwedeng um-absent sya, importante pa yung mga sasabihin ko sa kanya. Nangako pa naman ako kay Jin na magbabati pa sila ngayon ng dahil sakin. Saka hindi naman ako sanay na nal-late yun si Clow ano ba kasing tumatakbo sa isip nya?

"Alam mo wala na kong tiwala sa mga on the way na ganyan." singit ni Kate. "Kasi nakakadala na 'e, yung sinasabing on the way na daw, pero tatayo palang ng kama?" Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi ni Kate. Tama ng naman minsan relate ako sa ganyan. Eh ano pa nga bang magagawa. Pinoy yan 'e!

Sa hindi talaga ako mapakali, t-next ko na yung babaeng yun. Nandito na rin si Jin, halatang hinahanap nya din si Clow. Hala! Patay na! Hindi na matutuloy yung plano ko. Mag s-sampung minuto wala pang talagang reply ang bruha, wala ba talaga syang balak pumasok? Tinago ko nalang muna yung phone ko dahil dumating na yung teacher namin.

Buong oras ng class hindi ako mapakali umaasa padin ako na papasok at papasok si Clow. Kaso wala tanghali na 'e, wala na talaga. Baka puntahan ko nalang sa bahay nila yun mamaya. "Hello guys! Pwede sumabay?" Bati samin ni Jin na hawak nya yung pagkain nya dito sa canteen. "Kung okay lang?" Pag sasalita nya muli.

Sila Blessie saka Dawn naman tuwang-tuwa na namumula pa. Haha! Nako, "Oo-okay na okay, hihi." Sambit ni Dawn. Tinignan ko naman sya ng 'ano yan?'  face dahil namumula na sa sobrang kilig dito. Tinignan nya lang ako saka kumain na. Tumabi naman sakin si Jin. "Thanks." Masaya nyang sambit.

"Hi." Bati naman sa kanya nila Amy, saka Kate. Tapos kinawayan nya naman. "Welcome to the club. Haha!" bati naman sa kanya ni Lance. Habang nakain kami 'di nya maiwasang ma-curious. "Club? Pinagsasabi mo?" Tanong sa kanya ni Blessie. Tumawa lang sya saka kumuha ng fries.

"Tsk, may masabi lang. Weh, haha!" Pang aasar ko sabay nag tawanan naman kami except lang sa kanya na inis na inis na. Habang nagkakaasaran kami bigla naman akong napatingin kay Jin na mabilis 'ding nagbago yung aura nya. Obvious naman sa itsura nya hindi mapakali. "Bakit?" Tanong ko sa kanya, naguguluhan ako 'e. "Bakit kaya 'di pumasok si Clow?" Bulong nya sakin.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon